The Doctor of Hacienda

4997 Words
ㅡㅡㅡ "Mga kabaryo, kasama, kapamilya, kapuso at kapatid malugod kong ipinapakilala sa inyo ang butihin at nag-iisa kong anak na si Ian" tila proud na proud na pagpapakilala sa akin ni Papang sa harapan ng hindi naman karamihang tao. Nasa labas kami ng mansyon kung saan may munting programa ang kanilang ipinagdiriwang ngayon dahil sa aking muling pagbabalik dito sa Rambo Hacienda. Nandito kami ni Papang sa harapan nila kung saan nakatayo sa maliit na entablado dahil nga ako'y ipinapakilala ni Papang sa kanila. Hawak-hawak ni Papang sa kaliwang kamay ang itim na mikropono habang sa kanan naman ay ang kanyang kahoy na tungkod, hirap na kasing maglakad si Papang dahil na din sa kanyang katandaan. Ngunit ang hindi ko mawari ay kung bakit may pesteng nakatayo sa likod namin ni Papang. Daig pa niya ang security guard, hindi ko nalang iyon binabalingan ng pansin. Ngiting-ngiti ako sa harapan ng iba't-ibang tao habang nakasuot ako ng puting polo at black pants sa pang-baba kung saan pinapatungan iyon ng Doctor Gown. Nasa harapan namin ni Papang ang iba't-ibang tagapangala ng Hacienda, tandang-tanda ko pa ang iba sa kanila dahil dito din naman ako lumaki. Doon ko kita sa harapan si Mang Junel na tagapamahala sa pangangalaga ng iba't-ibang hayop ni Papang dito sa Hacienda. Mayroong mga kabayo, baboy, baka, manok at iba pang hayop dito na kung saan inaangkat ng iba't-ibang industriya roon sa Maynila. Doon ko rin kita sa harapan si Ka Dureng na tagapamahala naman sa pangangalaga ng iba't-ibang gulay dito sa aming Hacienda, kung tatanungin niyo kung anong mga tanim na gulay dito sa amin ay kumpleto ang Haciendang ito sa mga gulay doon sa kantang Bahay Kubo. Nandito rin si Mang Andoy na tagapangasiwa ng iba't-ibang prutas. Pinya ang pangunahing pananim namin dito sa Hacienda. Si Mang Andoy ang sumunod na namumuno sa pangangalaga ng prutas dahil ang nangunguna talaga roon ay si Tito Franco na ama ng pesteng nasa likuran ko. Tulad ng isiniwalat sa akin ni Papang na patay na raw si Tito Franco na kanang kamay niya rito sa Hacienda, gulat na gulat naman ako dahil hindi ko iyon nabalitaan noong nasa ibang bansa pa ako. Ibig sabihin nag-iisa nalang sa buhay ang peste ng buhay ko? Bukod sa mga nangunguna sa tagapangalaga ng iba't-ibang produkto namin dito sa Hacienda ay nakikita ko rin sa harapan ang ilan sa mga tauhan na hindi pamilyar sa akin dahil mga bago siguro sila rito. May hinahanap ang aking mga mata ngunit hindi ko sila makita. "Batid kong kilala niyo na itong si Ian dahil dine na naman iyan lumaki sa Rambo" tuloy lang si Papang sa pagbibigay ng introduksyon sa akin. "Halos mag aanim na tao na ring hindi umuuwi ang Anak ko dine sa Hacienda kaya ang ilan sa inyo ay hindi siya kilala" tuloy lang si Papang sa kanyang pagsasalita at doon lang ako naka-alalay sa kanyang likuran habang ngiting-ngiti sa aming harapan. "Oh siya sige, ang anak ko na ang bahalang mag pakilala sa inyo para malaman niyo rin kung anong misyon ng anak ko dine sa Hacienda" huling wika ni Papang bago niya ibigay sa akin ang mikropono. Doon ko kitang umalalay ang pesteng nasa likuran ko kay Papang nang magdesisyon itong bumaba. "Galingan mo Anak" huling wika ni Papang nang bumaba sila ng peste dito sa entablado. Tumango naman ako sa kanya bago muling bumaling ng tingin sa harapan para pormal na magpakilala sa mga tauhan at tagapamahala ni Papang dito sa Rambo Hacienda. Umayos ako ng tayo bago ko ilahad ang mikropono sa aking bibig para roon magsalita. "Magandang umaga po sa inyong lahat, gusto ko pong sabihin na ang dami na pong nagbago rito sa Hacienda na parang kailan lang po noong umalis ako rito para mag-aral sa ibang bansa" nakangiti kong bungad sa kanila at doon ko kita sa kanilang mga mukha ang pagiging masaya kung saan batid kong natutuwa ang mga ito sa aking pagbabalik. "Tulad nga po ng sabi ni Papang na batid kong kilala pa po ako ng ilan sa inyo" nakangiti kong wika sa kanila at doon sila nag tanguan sa aking sinabi "Pero para sa mga hindi po nakakakilala sa akin, ako po ay pormal na magpapakilala sa inyo" segunda ko pa bago ako magpakilala sa kanila. "Ako po si Ian Saya-Saya Montealegre at tulad po nang inyong nakikita sa aking kasuotan ako po ay isang Doktor doon sa mataas na Ospital ng TOP Medical Center sa Quezon City" pormal kong pagpapakilala sa kanila at doon ko kita ang ilan sa pagkamangha ng kanilang mukha. Ano nga bang ginagawa ko rito sa Hacienda? "Hindi ko na po sasayangin ang inyong oras, sasabihin ko na po sa inyo kung anong misyon ko at nagbalik ako rito sa Rambo" nakangiti kong wika sa kanila bago ko isiniwalat ang misyon ko rito. "Humingi po sa akin si Papang ng isang malaking pabor para sa inyong lahat" una kong wika sa kanila at doon ko kitang nakangiti lang silang nakikinig sa akin na tila hinihintay ang aking mga sasabihin. "Ako po ay naatasan ni Papang na magkaroon ng check-up program para sa inyong lahat dahil alam naman po nating isang taon na matapos ang pandemyang covid dito sa ating bansa at nagagalak po ako na wala sa inyo o sa atin ang natamaan ng virus na ito" pagpapatuloy ko sa aking sinasabi. "Ang target patient po ng programang ito ay ang mga bata at mga matatandang kinakailangan ng solusyong medikal, maari at karapat dapat lang din pong lumapit sa akin ang ilan sa inyong may nararamdamang hindi maganda sa pangangatawan" propesyonal na pagsisiwalat ko sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit ako muling bumalik dito sa Hacienda, ito lang talaga at wala ng iba. "Ako po ay mamalagi rito sa Hacienda sa loob lamang ng isang Linggo at sa huling araw ko rito kung saan Sabado ay may isa pa pong Doktor akong kinausap para ako'y tulungan sa huling araw ng programang ito at sa araw ding pong iyon ay magkakaroon po tayo ng maliit na kasiyahan at salo-salo" nakangiti kong wika sa kanila at doon ko narinig at nasilayan ang kanilang pag papalakpakan. Batid kong masaya sila sa aking inilalahad. "Kung itatanong niyo po kung kailan magsisimula" unang wika ko sa kanila "Bukas na bukas po araw ng Linggo ay magsisimula na po akong mag check-up para sa mga kinakailangang bigyan ng solusyong medikal" nakangiti kong wika sa kanila bago ko narinig ang pagtatanong ng isang matanda sa aking harapan. "Doc Ian paano po ang transaksyon ng inyong programa? May bayad po ba 'yan? Pati saan po kayo titingin ng pasyente? Dito ba kami pupunta sa Mansyon?" nakangiting pagtatanong ni Mang Junel at doon ako umiling sa kanya. "Wala pong bayad ito dahil libre at sagot ko po ang lahat ng magagastos ko rito. May mga gamot po akong nakahanda rito para sa ilang mga sakit na madadaan sa simpleng gamutan" nakangiti kong salaysay sa kanila bago ko muling narinig ang kanilang masigabong palakpakan at hiyawan. "Ako po mismo ang pupunta sa inyo para sa check-up" lahad ko at doon sila nagtanguan "Pupunta po ako sa kanya-kanyang bahay tanggapan ng inyong sakop na produksyon para roon po kayo pupunta sa pa check-up" segunda ko pa sa kanila. Bawat produksyon kasi rito sa aming Hacienda ay may kanya-kanya silang bahay tanggapan. Ano nga ba ang bahay tanggapan? Dito sila nag uusap-usap at dito rin nila ipinagdaraos ang ilan sa kanilang mga kasiyahan na sakop lamang ng kanilang pinangangalagaan. Ang produkyon sa gulay ay may sarling bahay tanggapan. Ang produksyon sa prutas ay may sariling bahay tanggapan at ganun din naman sa produksyon sa hayop. "Malinaw na po ba sa inyong lahat? May mga katanungan pa po ba kayo?" nakangiti kong wika sa kanila bago ko nakita ang isang babae na kanina pa hinahanap ng aking mga mata. Nakangiti itong nakatayo kung saan doon siya nagtanong sa akin. Ang ganda parin ng babaeng ito, jusko. "Doc Ian saan po kayo tutuloy na bahay? Saan ka mamamalagi? Alam naman po natin na malayo rito sa mansyon ang iba't-ibang bahay tanggapan at baka abutin pa kayo ng gabi kung uuwi kayo rito sa mansyon galing sa inyong check-up" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kanyang pagtatanong. Tila may bahid ng pang-aasar ang wika ng babaeng na parang doon siya may gustong ipalabas na ibang bagay. Doon ako ngumiti sa kanya bago nagsalita "Sa ngayon ay hindi ko pa sigurado kung saan ako titigil" ang aking tugon dahil hindi ko nga alam kung saan ako tutuloy. Malayo kasi talaga ang agwat mula mansyon papunta sa isang bahay tanggapan, napakalawak kasi ng lupaing meroon si Papang. Kaya ang tanong ay saan nga ba ako titira sa loob ng isang Linggo? ㅡㅡㅡ "Papang naman! Bakit sa dinami-dami ng pwedeng tuluyan bakit doon pa?" inis kong wika kay Papang habang papasok kami ng mansyon. "Doon lang ang bakante Anak pati wala kang ibang matutuluyan at tanging doon lang talaga ang pwede" nakasunod si Papang sa aking likuran habang ang peste ay doon siya inaalalayan. Mag mula nang sabihin ni Papang kung saan ako titigil sa loob ng isang Linggo ay hindi ko na alam kung anong magiging reaction ko. Bakit kasi doon pa? Magmula din nang mag sink-in sa akin kung saan ako tutuloy ay sobra ang pagkainis ko at may halong galit na ang nararamdaman ko. "Wala nang iba Papang? Kahit saan pwede ako, basta wag lang po doonsss" matigas ko paring wika sa kanya habang patuloy na papasok sa loob. Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? "Ano bang masama kung doon ka tumigil Ian? Bahay din natin yun dati diba? Pati bigay sayo ng Mamang mo ang bahay na 'yon kaya wala kang ibang pamimilian pa kundi roon tumira ng isang Linggo" tila inis na rin sa akin si Papang. Namalayan ko nalang na nakapasok na pala ako sa loob ng aking kwarto habang doon si Papang na nakasunod sa akin papasok. "Sige Omar, salamat sa paghatid kausapin ko lang muna itong si Ian" nakatalikod ako sa kanila dahil inaayos ko na ang aking mga gamit na nakalapag sa kahoy na sahig. "Sige po Papang, lalabas muna ako" tugon naman ng peste. May malaking itim na maleta ang nakalapag sa sahig kung saan laman nito ang iba't-ibang gamot at bitamina na ipamamamahagi ko sa mga trabahador dito sa Hacienda. May mga alcohol, bandage at ilan paripernalya na mga kagamitang pang ospital ang meroon dito sa aking itim na maleta kung saan akin ngayong inaayos. Nakatalikod ako kay Papang habang inaayos ko ang mga ito, inis na inis ako. "Sabihin mo nga sakin Anak bakit ayaw mong manatili doon? Bahay din natin yun diba?" wika ni Papang sa aking likuran at doon ako tumayo para tumbukin ang kamang nasa gilid. Umupo ako sa gilid ng kama "Hindi mo ako naiitindihan Papang" nakatungo kong wika sa kanya at doon ko namalayan na naka-upo na rin siya sa tabi ko. "Naiintindihan kita Anak at alam ko rin ang gusto mong ipahiwatig" tila pagsusumamo sa akin ni Papang kaya doon ko siya binalingan ng tingin suot ang aking malungkot na ekspresyon. "Naiintindihan mo pala ako Papang pero bakit mo pa pinagpipilitang doon ako manatili?" wika ko sa kanya at doon ko siya kitang ngumiti at umiling. Ayoko na talaga sa bahay na iyon, kahit na bigay iyon ni Mamang ay ayoko na talaga. "Ano bang dahilan Anak kung bakit kita pinapunta rito sa Hacienda?" nakangiting wika sa akin ni Papang. "Para po mag check-up ng mga trabahor" tanging tugon ko sa kanya at doon ito tumango sa akin. "Iyan lang ba?" tila paninigurado niya sa akin at doon ako tumango. "Opo Papang yun lang, wala nang iba" segunda ko sa kanya at doon siya muling tumango. "Iyon naman pala. Mag che-check-up ka lang ng trabahor, yun lang at wala ng iba. Madali lang at wala nang dahilan para mag-inarte" "Pero hindi yun madali Papang, hindi ganoon kadali" pagsusumamo ko sa kanya at doon ko tinutumbok ang ibang pahiwatig. "Paanong hindi madali Anak? Ikaw na ang nagsabi na mag che-check-up ka lang, yun lang at wala nang iba. Dibale nalang kung may iba kang agenda dine sa Hacienda, meron ba?" paninigurado pa ni Papang at doon nalang ako tumango. "Wala po" tanging tugon ko sa kanya at doon ko naramdaman ang paghagod ng kamay ni Papang sa aking likuran. "Oh sabi mo 'yan Ian, wala kang ibang agenda kaya hindi ka dapat tumatanggi na doon ka mananatili sa bahay natin dati. Pati may makakasama ka naman doon, nandun si Omar mabait na tao at ipagtatanggol ka" dahil sa huling wika ni Papang ay napatingin ako sa kanya. Tila nabingi ako dahil sa huling salitang binigkas ni Papang, mabait? ipagtatanggol? "Iyan na nga Papang! 'Yan ang gusto kong sabihin sa inyo! Ayoko Papang na may kasamang peste! Ayokong may peste sa bahay ko at ayokong may makikitang peste sa paligid ko" inis na inis kong wika kay Papang patukoy sa kanyang bagong kanang kamay. "Pero bahay niya rin yun Anak, bahay din ni Omar 'yon. Dahil kung hindi ako nagkakamali ay nakapangalan sa inyong dalawa yung bahay natin doon" 'yan ang gusto kong sabihin ni Papang, iyan ang dahilan kung bakit hindi ako pabor na doon manatili sa bahay na ibinigay sa amin ni Mamang. "Bakit kasi masyadong naniwala si Mamang na pang forever ang love team naming dalawa ng pesteng 'yon?" inis kong lahad kay Papang at doon ako muling tumungo. "Anak nakalipas na 'yon, tapos na 'yon saka wala na kayo, kalimutan mo na Anak" muling hinahagod ni Papang ang aking likuran at doon ako umiling. "Papang madaling sabihin pero mahirap gawin" patukoy ko sa kanyang sinabi "Mahirap kalimutan yung sakit na iniwan ng kahapon Papang" malungkot kong segunda sa kanya. Patuloy lang si Papang sa pag hagod ng aking likuran "Pero nagbago na siya Anak at hindi na siya yung Omar na kilala mo" pangungumbinsi pa niya sa akin at doon ako muling umiling. "Wala akong pakialam Papang. KIung nagbago na siya ay wala na rin naman siyang lugar sa puso ko, kahit na sabihin niyo pa ang mga bagay na 'yan" nakatungo ko paring wika sa kanya at doon ko nalang siyang narinig na nagpalatak. "Kung wala na siyang lugar sa puso mo Anak, edi wala ka na dapat ipag-alala kung doon ka tutuloy sa bahay niyo" pangungumbinsi niya muli sa akin at doon nalang ako napailing. "Hay" buntong hininga ni Papang sa aking gilid kaya doon ako napatingin. "Papang" muli kong wika sa kanya suot ang aking malungkot na ekspresyon. "Kung pwede lang na ihatid-sundo kita roon sa bahay tanggapan edi sana nagawa ko na" wika niya sa akin na tila nagsusumamo. "Ayoko Papang hindi na pwede, hindi mo na kayang mag drive kaya sana ako nalang, marunong naman ako mag maneho" tugon ko sa kanya at doon siya umiling. "Ayoko rin na mag mamaneho ka, alam mo 'yan" muling pag-papaalala sa akin ni Papang. Sa buong buhay ko ay isang beses palang ako nakakahawak ng manibela at yung isang beses na iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ako nila Mamang at Papang na maneho. May senaryo kasing muntikan na akong maaksidente noong panahong tinuturuan ako ni Papang na mag maneho sa murang edad. "Doon ka nalang manatili sa bahay niyo Anak, nag mamakaawa ako sa 'yo. Ayoko namang ipaghatid sundo kita kay Omar dahil may mga bagay din siyang inaasikaso" pagsusumamo niya sa akin at doon pa hinawakan ang aking mga kamay. "Hindi mo ba nami-missed ang bahay natin dati? Doon ka kaya lumaki" nakangiti niyang pangungumbinsi sa akin at doon nalang ako tumango. "Miss ko Papang, miss na miss ko ang bahay natin dati pero iba na ngayon dahil may peste nang nakatira roon at malay ba natin na sinira na pala niya 'yon" patukoy ko sa lalaking peste sa buhay ko at doon umiling si Papang. "Mag mula noong umalis ka five years ago wala nang tumira sa bahay na 'yon Anak, hindi roon namalagi si Omar" lahad ni Papang at doon nalang ako muling napatungo. I guess wala na akong magagawa kundi ang manatili sa bahay na 'yon kasama ang peste. "Pag isipan mo Anak, mamayang dapit-hapon ang alis niyo" huling wika ni Papang bago ko naramdamang tumayo siya sa pag kaka-upo. Nakatungo lang ako at doon ko naramdamang ginulo ni Papang ang aking buhok bago siya humakbang ng dahan-dahan papalabas ng kwarto. Nakatungo lang ako habang pinapakiramdaman si Papang na makalabas ng tuluyan sa aking kwarto at nang maramdaman kong wala na siya ay doon ako tumunghay at tumingin sa pintuan. Tulad nang aking inaasahan ay may nakatayong lalaki roon sa labas ng aking kwarto. Ang peste na hindi pa 'ata naliligo dahil sa itsura niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya doon ko siya binigyan ng may pagtatakang mukha para ipahitawag kung anong tinitingin-tingin niya sa akin. "Ano 'yon?" pabalang kong wika sa kanya. Ayoko sa peste, inis na inis ako sa peste. Mag mula pa naman noong nasa edad labing walo ako ay peste na talaga siya sa buhay ko, walang ipinagbago dahil peste parin siya hanggang ngayon. Ano nga bang kwento namin ng pesteng 'to? ㅡㅡㅡ 2011 Ten Years Ago "Anak siya ang mag hahatid at sundo sa 'yo papunta sa school pauwi rito sa mansyon, ichendes mercedes ha?" natatawang wika ni Mamang sa akin habang may ipinapakilala siyang lalaki sa harapan ko. Nandito kami sa sala ng aming mansyon kung saan suot-suot ko ang pang pasok ko sa eskwelahan, Grade Twelve na ako sa strand na HUMMS. Unang araw ng pasukan at ngayon nga ay may ipinapakilala sa akin si Mamang na maghahatid at sundo sa akin dahil hindi na ako pwedeng humawak ng manibela. Mula ng muntikan na akong maaksidente dalawang buwan ang makalipas ay mahigpit na nila akong pinagbawalan na humawak ng kahit anong sasakyan namin. "Tatay niya si Franco na kanang kamay ni Papang mo at inaanak niya rin itong si Omar" paglalahad ni Mamang sa lalaking nagngangalang Omar. Hindi ko ba alam kung maiinis o matutuwa ba ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakangiti kasi ito na sobrang nakaka-gago, nakasuot din siya ng unipormeng kaparehas ng suot ko. "Mabait at mapagmahal itong si Omar Anak kaya ikaw na ang bahala kung mahuhu---" hindi ko na inintindi pa ang sunod na sinabi ni Mamang dahil pana'y kalokohan lang ang sinasabi niya sa akin. Mabait at mapagmahal? Nagkakamali 'ata si Mamang dahil sa paglipas ng araw ay doon ko nakita ang masahol pa sa hayop na pag-uugali ng Omar na ito. Para siyang peste na masarap tirisin. Peste na masarap sunugin sa nagbabagang apoy. "Bilis-bilisan mo na naman! 'Wag nang pabakla-bakla! Nakaka-inis!" inis na inis na wika ng pesteng si Omar habang doon naghihintay sa akin na matapos sa ginagawa ko rito sa library ng aming school. Naka-upo siya sa tabi ko habang doon ako ginugulo. Inis kong binalingan siya ng tingin dahil kanina pa niya ako iniistorbo "Gago ka ba? Sabi ko matagal pa ako dahil hindi pa ako tapos sa chapter three, mauna ka na" inis at bulong kong wika sa kanya dahil baka marinig kami ng librarian. Kita ko naman ang pagkairita niya dahil inis na inis siyang napakamot sa kanyang ulo "Kung hindi ka lang anak ng may ari ng hacienda baka nasapak na kita, kakainis!" inis niya paring wika at doon nalang siya tumungo sa lamesang nasa aming harapan. Ganyan ang ugali na ipinapakita sa akin ng pesteng Omar na 'yan, hindi ako nagsusumbong dahil baka may masamang mangyari kila Tito Franco na tatay niya. Malapit ako sa tatay ng pesteng si Omar dahil napakabait niya sa akin kaya nakakahiya kung sasabihin ko kila Papang ang tunay na ugali ng Omar na iyon, baka mapahamak pa si Tito. Araw-araw ay ganito ang trato niya sa akin kaya ginagantihan ko nalang siya, hindi naman niya ako sinasaktan pisikal pero minsan sa looban ko ay nasasaktan ako. Minsan niya kasi akong pinapahiya sa mga gago niyang kaibigan sa school. Harap-harapan niya akong ipinapahiya. "Mauna ka na bakla, sumakay ka nalang ng jeep mag iinom pa kami roon sa Blue Horse Bar, baka hindi kita maihatid alis na!" pagtataboy ng pesteng si Omar habang nasa likod niya ang kanyang mga kaibigan. Nandito kami sa basketball court ng school kung saan may naglalaro rito, nanonood sila Omar kaya pinuntahan ko siya dahil kailangan ko ng umuwi sa bahay. "Naubos nga yung pera ko, kaya bilisan mo na at tumayo ka na diyan. Ihatid mo na ako" pagkausap ko pa sa kanya at doon nalang ito napailing. May nararamdaman na akong hiya dahil kanina pa ako pinagtatawanan ng mga kasama niyang katulad nitong gago. Kay pesteng Omar lang ako nakatingin kung saan iling ng iling "Bingi ka ba? Sabi ko mauna ka na at may gagawin pa kami!" inis niyang wika sa akin dahilan para mas mainis ako. "Bingi ka rin? Sabi ko naubos yung pera ko kaya wala akong pamasahe, kaya tumayo ka na diyan at ihatid mo na ako" inis kong tugon sa kanya at doon ko pansin ang dinudukot niya sa bulsa ng kanyang itim na pantalon. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaabangan kung anong kukuhanin niya sa bulsa. "Oh 'yan tangina ka! Napakaulit mo! Babae ka? Babae ka ba? Kung umarte ka para kang chicks ah!" nagulat nalang ako nang may mga baryang dumampi sa aking pag mumukha, inihagis niya sa aking ang mga barya. Tanginang peste 'yan! Binalingan ko siya ng tingin kung saan nag papahiwatig na 'Tangina mo rin! Mamatay ka na, mamatay ka na' Inisnaban ko nalang ang pesteng si Omar bago ko pulutin ang mga baryang binato niya sa akin. Habang nagpupulot ako ay rinig ko ang ilang mga tawanan ng mga gago niya ring kaibigan. Mga walang modo. Nasa ganoon lang akong pagpupulot nang may naramdaman akong tumabi sa akin at doon ako tinulungan sa pagdampot ng mga barya. Napatingin ako sa lalaking iyon at doon nalang ako napangiti "Tulungan na kita" nakangiti niyang wika sa akin at doon kami nagpulot ng barya. Mabilis lang ang pagpupulot namin habang hindi napuputol ang titig ko sa kanya, dahil sa lahat ng mga kaibigang nakikita kong kasama ni Omar ay siya lang ang matino sa lahat. Siya si Jerico, anak ni Mang Junel na tagapangalaga ng hayop namin doon sa Hacienda. "Pass na muna ako ngayon mga pre. Omar ako na lang maghahatid kay Ian doon sa mansyon, birthday rin kasi ni Tatay kaya kailangan ko ng umuwi" pagpapaalam ni Jerico sa kanila ng makatayo kami. Nakatingin parin ako sa kanya dahil hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko. "Bahala ka" rinig kong wika ng peste sa harapan namin pero hindi ko na siya binigyan pa ng pansin. "Tara na Ian?" nakangiti niyang baling sa akin at doon nalang ako parang tanga na tumango. Mag mula noon ay madalas na si Jerico na ang naghahatid sundo sa akin na ikinatutuwa ko naman dahil nababawasan ang stress ko sa katawan. Akala ko noon na hindi ko na poproblemahin ang pesteng iyon, dahil mula noong si Jerico ang nakakasabay ko pagpasok ay mas lalo namang naging peste ang pag-uugali ni Omar. Mas lumala ang pagpapahiya niya sa akin sa harap ng barkada niya sa tuwing nakakasalubong ko siya, ngunit pasalamat ko nalang dahil madalas akong ipagtatanggol ni Jerico. Yung sinabi ni Mamang na mabait at mapagmahal? Maling-mali si Mamang. "Omar pahawak naman muna ako nitong libro, natanggal kasi yung sintas ko eh" paghingi ko ng pabor sa lalaking nasa unahan ko ngayon. Hindi ko kasabay si Jerico dahil may group study silang mag kakaklase, wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumabay nalang din dito sa peste. Ngayon ay binabaybay na namin ang daan papunta sa mansyon, hindi kami nakasakay sa motor dahil putik na putik ang daan na dinadaanan namin. Baka madulas lang ang motor at ma-aksidente pa kami. Kaya nag desisyon kaming maglakad dahil medyo malapit nalang din naman ang daan pauwi. "Omar sige na please, hawakan mo muna itong libro ko" paghingi ko pa ng pabor sa kanya pero hindi niya ako nililingon. Mag mula pa noong isang Linggo ay hindi na niya ako kinikibo o kinakausap man lang na kung saan ay pabor na pabor naman sa akin. Tuloy lang siya sa paglalakad sa aking harapan at hindi niya ako kinikibo. Parang hindi niya ako naririnig. Hirap na hirap na akong maglakad dahil bukod sa maputik ay tanggal na ang dalawang sintas ng aking suot na puting sapatos. "Omar kapag nadapa ako ikaw sisisihin ko! Kaya sige na hawakan mo muna itong libro ko!" inis ko ng wika sa kanya dahil parang wala siyang timang na hindi makarinig. Napabuntong hininga nalang ako dahil wala na naman akong magagawa pa kundi ituloy nalang muli ang paglalakad ko. Wala talagang puso ang pesteng ito. Kaya siguro palagi siyang iniiwan ng mga girlfriend niya dahil wala siyang pagmamahal, alam niyo ba na halos linggo-linggo ay iba't-ibang babae ang nakikita kong kalandian niya? At lahat ng babaeng iyon ay iniwan siya, gago kasi at napaka-peste ng ugali. "Mamatay kana, mamatay kana" mahinang pagmumura ko sa kanya habang siya ay diretso lang sa paglalakad. Ilang beses ko siyang minumura sa paglalakad namin hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong nakadapa sa putikan. "Putaragis aray!" daing ko ng bumagsak ako sa putikan na aming nilalakaran. Walang sinanto ang putik na ito dahil miski ang aking mukha ay punong-puno ng putik, ang mga libro na hawak-hawak ko ay nagkakasiyahan na sa putikan. Dahan-dahan akong bumaling sa harapan at doon ko kita ang tila gulat at gagong mukha ni Omar "Ano ba 'yan! Para ka namang tanga! Tumayo ka nga diyan!" tila gago niyang pag-aalala sa akin at doon siya mabilis na lumapit sa akin para tulungan. Habang tinutulungan niya ako ay doon ako naglagay ng putik sa aking palad upang ipahid sa mukha ng pesteng nasa harapan ko. "Bwiset ka! Peste ka talaga sa buhay ko!" -- -- -- 2021, Alas-singko ng hapon. "Ako na ang magdadala niyan Ian" wika ng lalaki sa aking gilid habang patuloy kami sa paglalakad. "I can manage" tugon ko sa kanya at doon nalang siya napatahimik. Dapit-hapon na at dumidilim na rin ang kapaligiran, ilang oras mula noong umalis ako doon sa mansyon. I have no choice kundi ang sumama sa lalaking peste sa buhay ko. Kasalukuyan kaming naglalakad sa putikan dahil umulan ng mga trenta minutos kanina, hindi na namin pinasok ang motor dahil baka madulas at maaksidente lang kami. Bitbit ko ang itim na maleta na naglalaman ng mga gamot at mga kagamitan na ginagamit sa medikal, may ilang damit din akong inilagay dito bukod sa nakasakbit na travel bag sa aking likuran. "Sigurado ka? Ako na ang magdadala ng maleta mo tiyak na mabigat 'ata ;yang bag mo sa likod" muling pagkausap sa akin ng lalaki sa gilid habang patuloy lang kami sa paglalakad. Hindi ko siya binabalingan ng tingin "Sabi ko, I can manage" seryosong wika ko sa kanya habang nakatingin lang sa harapan. Pinapaligiran na ng mga puno ang aming nilalakaran dahilan para mas dumilim ang paligid, dapit-hapon na kaya ganito ang liwanag na ibinibigay ng kalangitan. Gusto ko sanang kuhanan ng litrato ang aming nilalakaran gamit ang camera na nakasabit sa aking leeg ngunit bitbit ko naman ang maleta. Nasa ganoon lang kaming paglalakad ng maramdaman kong kinukuha ng lalaki ang bitbit kong maleta. "Ako na diyan Ian, baka nahihirapan kana" dahil sa kanyang sinabi ay binalingan ko na siya ng tingin suot ang serysong mukha. "Sabi ko kaya ko, hindi mo ba naiintindihan" wika ko sa kanya at doon siya tumango. Seryoso lang din ang kanyang mukha "Naintindihan ko pero nahihirapan ka, kaya ako na ang magdadala" tugon nito at doon niya inaagaw sa akin ang maleta. "Ako na kaya ko na" seryosong baling ko sa kanya at doon siya umiling. "Hindi ako na" tugon niya sa akin at doon niya muling inaagaw ang maleta sa akin pero inilalayo ko iyon sa kanya. "Ang kulit mo! Sabing ako na eh!" dito na ako nagsisimulang mainis. "Ako na nga kasi!" inis niyang tugon sa akin at doon niya muling pilit na inaagaw ang maleta. "Ako na nga! Lumayo ka nga! Wag kang lumapit sa akin!" pagtataboy ko sa kanya pero tuloy parin siya sa pangungulit niya. "Ako na kasi! Ibigay mo na sa akin, nahihirapan ka na kaya ako na, ako---" "Oh sa 'yo na! Sa 'yo na! Ikaw na! Ikaw na!" doon ko marahas na ibinigay sa kanya ang maleta, dahilan para masaksihan ko ang ngiti niyang nakakagago. Inisnaban ko nalang siya at doon humarap sa harapan para ituloy ang paglalakad. "Ibibigay din pala, gusto kukulitin pa" rinig kong pang gagago ng peste sa aking gilid kaya doon ko siya inis na binalingan ng tingin. "May sinasabi ka?" inis kong wika at doon nalang siya umiling habang bitbit na niya ang aking maleta. "Ang sabi ko kumuha ka na ng mga picture gamit 'yang kamera mo tapos kuhanan mo na rin ako ng larawan para may souvenir ka" nabigla naman ako sa binibigkas niyang mga salita. "Mas pipiliin ko nalang kumuha ng picture ng tae kesa sa pagmumukha mo, baka pumutok lang ang lens ng camera ko" tugon ko sa kanya at doon ko muli siyang inirapan. Muli akong bumaling sa unahan para kumuha na ng mga litrato sa aming dinadaanan. "Ikaw din baka pagsisihan mo. Mas gwapo naman ako sa tae" rinig kong bulong niya pero hindi ko nalang iyon pinansin. Pinagpatuloy nalang namin ang paglalakad at halos ilang minuto na rin kaming hindi nagkikibuan. Nasa ganoong pagkuha ako ng larawan nang mapatigil ako sa paglalakad, batid kong napatigil din ang peste sa gilid ko. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko na sa lens ng aking camera ang bahay na tutuluyan ko. Ang bahay na nakapangalan sa pesteng katabi ko. Ang bahay na ibinigay sa amin ni Mamang. Ang bahay na punong-puno ng alaala. ㅡㅡㅡ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD