ㅡㅡㅡ
2011 Ten Years Ago
"Anak siya ang mag hahatid at sundo sa 'yo papunta sa school pauwi rito sa mansyon, ichendes mercedes ha?" natatawang wika ni Mamang sa akin habang may ipinapakilala siyang lalaki sa harapan ko.
Suot ko na ang pang pasok ko paaralan gayundin ang lalaking nasa harapan ko, ibinalita sa akin ni Mamang na itong lalaking 'to ay siyang mag hahatid at sundo sa akin.
Nakatitig lang ako sa mukha niyang nakangiti na parang nakakagago.
"Tatay niya si Franco na kanang kamay ni Papang mo at inaanak niya rin itong si Omar" paglalahad pa ni Mamang sa lalaki.
"Mabait at mapagmahal itong si Omar Anak kaya ikaw na ang bahala kung mahuhulog ka sa kanya, pero tandaan mo na magpakita ka naman ng pagpapakipot at kung kayo man ang magkakatuluyan, ibibigay ko yung bahay natin doon sa gitna ng pinyahan at doon kayo tumira ni Omar para magawa niyo lahat ng gustuhin niyo" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Mamang.
Basta ang masasabi ko lang sa kanya ay siya ang pinaka the best na Nanay sa buong mundo at bagay na bagay sa kanya ang 'Ulirang Ina Award'
Tanggap nila Papang at Mamang ang pagkatao ko at wala silang pag-aalinlangan na tanggapin kung ano at sino ako.
Ang suwerte ko sa kanila, lalo na kay Mamang dahil siya pa mismo ang nag udyok sa akin na maging ganito ako.
"Walang mali sa 'yo Anak dahil ikaw 'yan, buhay mo 'yan at wala kaming ibang gagawin ng Papang mo kung hindi ang suportahan ka namin" iyan ang wika ni Mamang sa akin noong oras na sabihin ko sa kanila kung ano ang sekswalidad ko.
Babaeng anak talaga ang gusto ni Mamang pero dahil nahirapan siya noon sa pagpapanganak sakin ay hindi na niya ako nasundan pa, kaya ang resulta ay pinipilit niyang iudyok sa akin na maging ganito ako.
"Sige na Anak umalis na kayo nitong si Omar dahil baka mahuli pa kayo sa klase" pagbasag ni Mamang sa pagkakatulala ko sa lalaki.
Naniniwala ba kayo sa love at first sight?
Kasi ako?
Oo ang sagot ko, naniniwala ako sa love at first sight dahil hindi ko alam kung bakit idinidigta ng isipan ko na ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking makakatuluyan ko.
Nababaliw na ba ako kung sabihin ko sa inyong crush ko si Omar?
Si Omar na ngayon ko lang nakita rito sa Hacienda, si Omar na hindi ko pa lubos na kilala.
Well love at first sight, so it means sa una lang ang lahat. Parang first impression.
Tama nga dahil sa una lang pala ang pag kahanga ko sa kanya, nadala lang ako siguro ng mga ngiti niya at ng kulay ng kanyang morenong balat.
Sa una lang ang pagkahanga ko sa kanya dahil sa paglipas ng mga araw ay doon ko nakilala ang pag uugali ng isang Omar, ang tanging masasabi ko lang sa kanya ay isa siyang Peste.
He is such a bully at mahilig siyang ipahiya ako sa mga gago niyang kaibigan, palagi niya ring ipinagdidiinan sa akin na mali ang pagiging bakla at sa tuwing sasabihin niya iyon ay hindi ko nalang siya binibigyan pa ng pansin.
Mag sasayang lang ako ng oras kung pagtutuunan ko siya ng pansin, dahil mas pipiliin ko pang kabisaduhin ang makakapal na libro ng aking mga medical books kaysa siya ay kausapin.
Hindi ko sinusumbong kila Mamang at Papang ang ginagawa sa akin ni Omar dahil kaya ko naman ang sarili ko, kaya kong ipaglaban ang sarili ko.
Baka si Ian 'to?
Ayoko ring masira ang reputasyon nila Tito Franco at Tita Helen kila Papang dahil mabait naman sa akin ang mga magulang ni Omar, pati may sakit kasi si Tita Helen at ayoko nang dagdagan pa ang pasakit sa kanila.
Hindi lang sa akin pasaway si Omar dahil miski sa kanyang tatay at nanay ay pasaway siya, kaya dumating sa puntong ayoko nang siya ang maghahatid sa akin.
Si Jerico, siya lang ang matinong kaibigan ni Omar at si Jerico rin ang dahilan para magkaroon pa ako ng mga kaibigan dito sa Hacienda.
Hate na hate ako ni Omar at hate na hate ko rin naman siya, so? It's a tie!
Pero sabi nga ng ilan na the more you hate, the more you love.
ㅡㅡㅡ
"Omar pahawak muna ako nitong libro ko, natanggal kasi yung sintas ko eh" paghingi ko ng pabor sa lalaking nasa unahan ko ngayon.
Hapon na at uwian na namin sa school, ngayon ay binabaybay na namin ang daan papunta sa mansyon.
Hindi kami nakasakay sa motor dahil putik na putik ang daan na dinadaanan namin, baka madulas lang ang motor at magsemplang pa kami.
Kaya nag desisyon nalang kaming maglakad dahil medyo malapit nalang din naman ang daan pauwi, dapit hapon na rin kaya nagsisimula ng dumilim ang paligid.
Nakatingin lang ako sa nilalakaran ko dahil baka ako ay matapid o madulas dahil ang sintas kasi ng aking sapatos ay natanggal.
"Omar sige na please, hawakan mo muna itong libro ko" paghingi ko pa ng pabor sa kanya pero hindi niya ako nililingon.
Mag mula noong isang Linggo kung saan si Jerico na ang naghahatid sa akin ay hindi na niya ako kinikibo o kinakausap.
Hindi ko kasabay si Jerico dahil may group study silang mag kakaklase, wala naman akong ibang magagawa kundi ang sumabay nalang din dito sa peste.
"Omar kapag nadapa ako ikaw sisisihin ko! Kaya sige na hawakan mo muna itong libro ko!" inis ko ng wika sa kanya dahil parang wala siyang timang na hindi makarinig.
"Putaragis aray!" doon ko nalang nakita ang sarili kong bumagsak sa putikan na aming nilalakaran.
Walang sinanto ang putik na ito dahil miski ang aking mukha ay punong-puno ng putik, ang mga libro na hawak-hawak ko ay nagkakasiyahan na sa putikan.
Dahan-dahan akong bumaling sa harapan at doon ko kita ang tila gulat at gagong mukha ni Omar "Ano ba 'yan! Para ka namang tanga! Tumayo ka nga diyan!" tila gago niyang pag-aalala sa akin at doon siya mabilis na lumapit sa akin para tulungan.
Matalim ang pagkakatitig ko sa kanya ng mabilis siyang lumapit sa akin para ako'y tulungan, habang tinutulungan niya akong tumayo ay doon ako naglagay ng putik sa aking palad para ipahid sa mukha ng pesteng nasa harapan ko.
"Bwiset ka! Peste ka talaga sa buhay ko!" inis at natatawa kong wika sa kanya nang ipahid ko ang putik sa kanyang mukha.
Mabilis kong inalalayan ang sarili ko at doon ako tumayo ng diretso.
"Taragis na 'yan! Gusto mo bang halikan kita diyan!? Ikaw na nga ang tinutulungan!" inis niyang wika sa akin at doon niya pinapahiran ang mukha niyang may putik.
Hindi ko alam kung bakit napatawa nalang ako sa reaksyon niya kahit na gulat na gulat sa kanyang sinabi.
Inis lang siyang nagpapahid ng putik sa kanyang mukha ng muli kong inilahad ang aking palad sa kanyang leeg para doon ipunas ang natitirang putik.
Nakangisi lang ako habang hinihintay ang kanyang reaksyon "Gusto mo talagang halikan kita ano? Sige 'yan pala ang gusto mo ha" feeling close na wika sa akin ng peste at doon siya humakbang papalapit sa akin.
Dahil sa gulat ko sa kanyang ipinapakita ay doon ako nagtatakbo papalayo sa kanya "Ah! Manyak! Rape!" natatawang sigaw ko habang nagpapahabol sa kanya.
Bitbit ko ang mga librong putikan habang ako ay mabilis na tumatakbo.
Hindi ko na narinig pa ang boses ng pesteng iyon kaya batid kong nakalayo na ako sa kanya, nang makaramdam ako ng pagod ay doon muna ako tumigil para pakalmahin ang aking sarili.
"Anong meron sa kanya?" taka kong wika dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina.
Sa loob ng ilang Linggo niyang hindi pagpansin sa akin, tapos ganoon ang maririnig ko sa kanya? Hahalikan niya raw ako?
"Parang gago" wika ko at doon ako tumalikod para tingnan kung nakasunod ba siya sa akin.
Napangiti ako ng wala akong makitang Omar na nakasunod sa akin.
Nagdesisyon akong humarap at doon ko iyon pinagsisihan.
"Ang bagal mo namang tumakbo" iyan ang bumungad sa akin ng makaharap ako ng diretso.
Gulat na gulat ako dahilan para muling mabitawan ko ang mga librong hawak-hawak ko.
"Putaragis ka Omar! Manyak ka! Bastos! Gago! Peste!" sunod-sunod kong sigaw sa kanya habang ito ay papalayo na sa aking kinatatayuan.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, dahil tila nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.
Ang aking kanang kamay na putikan ay inilahad ko sa aking labi at doon mabilis na pinunasan ang naiwang marka na ibinigay sa akin ni Omar.
Ang halik na ibinigay ni Omar sa akin ang naging dahilan para magbago ang takbo ng aming relasyon.
ㅡㅡㅡ
Lumipas ang araw, lumipas ang panahon and after that incident that seems like confession ay doon na nagbago ang trato sa akin ni Omar, gulat na gulat ako kung bakit ganito ang kanyang pagbabago.
He insist na siya na palagi ang maghahatid at sundo sa akin dito sa mansyon papunta sa school, mula sa school pauwi sa mansyon.
"Hindi ko 'to ginagawa dahil utos ni Mamang, ginagawa ko ito bilang manliligaw mo" iyan ang sinasabi niya sa akin tuwing siya ang maghahatid at sundo sa akin.
Palagi niya akong tinutulungan sa mga school works ko lalo na kapag magkakabisado ako ng mga medical terms at ganun din naman ako, dahil palagi ko rin siyang tinutulungan sa mga school works niya.
Lumipas pa ang taon at dumating na ang araw na College na kami ni Omar at kumukuha ako ng kursong pagdodoktor samantalang agrikultura naman ang kanyang kinuha.
Hindi ako bobo at hindi rin ako manhid para hindi malaman kung ano ba talaga ang ipinapakita sa akin ni Omar, tulad ng sabi niya ay manliligaw ko raw siya.
Hindi ko na siya tinanong pa kung bakit bigla-bigla nalang naging ganito ang kanyang trato sa akin dahil naniniwala nalang ako sa katagang 'The more you hate, the more you love'
Matiyaga at masipag si Omar at yun ang isa sa mga napansin ko sa kanya mag mula ng maging malapit kami sa isa't-isa.
Nandiyan siya kapag kailangan ko siya at nandiyan din siya kahit na ayaw ko minsan sa ugali niya.
Matapang si Omar at kahit anong mangyari ay hindi siya sumusuko sa ginagawa niya.
May paninindigan si Omar dahil kahit sa mga magulang ko ay sipsip ang pesteng ito.
At alam nito ba? Nakita ko kay Omar ang mga bagay na hinahanap ko sa isang lalaki and that's the reason why my heart is now pounding for him.
Dumating nga sa puntong nasabi ko sa sarili kong "Siya na, siya na yung lalaking hinihintay ko"
Paanong hindi ka mahuhulog kung palagi ka niyang binibigyan ng paborito mong bulaklak na puting rosas.
Sinong hindi mahuhulog kung palagi ko siyang nauutong sumayaw sa harapan ko kahit na parehas saliwa ang kanyang mga paa.
Sinong hindi mahuhulog kung pinipilit niya ang kanyang sarili na tumugtog ng gitara at kumanta ng paborito kong kanta kahit na wala siyang passion pagdating sa bagay na ito.
At sinong hindi mahuhulog kung tatratuhin ka niya bilang espesyal sa oras na kayong dalawa lang magkasama?
Sino? Sabihin niyo sakin at sasabunutan ko.
Nakangiti lang ako habang nakatitig sa lalaking nasa tabi ko, nasa ilalim kami ng puno ng mangga rito sa aming hacienda.
Nakangiti lang ako dahil kanina pa siya asar na asar sa gitarang hawak niya, pinipilit na naman niya kasi ang kanyang sarili na tumugtog para sa akin.
Nakangiti lang ako at doon umiling bago ko inilapit ang aking bibig para siya ay bigyan ng halik sa kanyang labi.
Doon ko sinabi sa aking sarili na "Okay fine! Kami na! Oo na! Sinasagot ko na siya! Tama na ang arte! Siya na ang gustong makasama! Mahal ko na siya!"
ㅡㅡㅡ
Minutes turned into hours, hours turned into days, days into weeks, weeks into months and months into years
Naalala niyo yung sinabi sa akin ni Mamang noong unang pagpapakilala sa aming dalawa ni Omar?
"Kung kayo 'man ang magkakatuluyan ni Omar ay ibibigay ko sa inyo yung bahay natin doon sa gitna ng pinyahan at doon kayo tumira ni Omar para magawa niyo lahat ng gustuhin niyo"
Tulad nga ng pangako ni Mamang ay ibinigay niya ang bahay namin dati sa aming dalawa ni Omar, kakalipat lamang namin noong isang Linggo kaya hindi pa kumpleto ang mga kagamitan namin doon sa bahay.
Gabi na at naglalakad na ako pauwi sa bahay naming dalawa ni Omar, bitbit ko ang makakapal kong libro habang suot ko ang puting-puting uniporme tanda na isa akong medical student.
Hindi ko kasabay si Omar dahil wala na siya sa university noong tinanong ko siya sa mga kaibigan niya.
Hindi ko naman maiwasang maging malungkot dahil mula kaninang umaga ay hindi niya ako kinakausap, nag-away kasi kami kagabi kaya may alitan pa kaming dalawa.
Mas lalo pa akong nagiging malungkot dahil napaka-espesyal ang araw na ito para sa aming dalawa, ngunit ito ako ngayon at naglalakad mag-isa.
Nang makarating ako sa harapan ng bahay namin ni Omar ay tumigil muna ako sa labas ng pintuan.
Napatingin ako sa gilid ng pinto kung saan kalapit nito ang salamin na sarado, walang liwanag akong nakikita sa loob tanda ng wala pang tao rito.
Napailing nalang ako dahil sa aking nararamdaman, hindi ko kasi maiwasang maging emosyonal dahil sa nangyayari mag mula pa kagabi.
Hindi na ako nag-atubili pang ilahad ang aking kanang kamay sa door knob ng pinto at mabilis ko itong binuksan.
Sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy na ipinagtataka ko kung bakit may ganoon dito.
Wala akong makita sa loob kaya doon ko inilahad ang aking kanang kamay para abutin ang switch na nasa gilid lang ng pintuan.
Nang mabuksan ko ang ilaw ay doon sumalubong sa akin ang mga bagay na naging dahilan para mas lalo pa akong maging emosyonal.
Nabitawan ko ang hawak kong mga libro at doon ko inilahad ang dalawang palad sa aking bibig para pigilan ang emosyong gustong makawala sa aking kaloob-looban.
"Happy Anniversary Ian" wika ng isang gwapong anghel habang may hawak-hawak na tatlong puting rosas.
Hindi ko na napigilan ang aking emosyon at doon na nagsimulang magbagsakan ang mga luha sa aking mga mata.
"Omar ano 'to?" nahihiya at naluluha kong wika sa kanya dahil sa aking nasasaksihan.
Punong-puno ng puting rosas ang salas ng bahay naming dalawa, kaya pala pagpasok ko sa pintuan ay ganito ang amoy na bumungad sa akin.
"Anniversary natin kaya may ganito" nakangiti niyang tugon sa akin dahilan para mapatawa ako habang lumuluha.
"Alam ko, pero bakit may pa ganito?" wika ko sa kanya at doon ako humakbang nang mabilis papunta sa kanyang pwesto.
"Sabi ko naman sa 'yo diba na espesyal ka sakin, kaya lahat ng gusto mo gagawin ko" tugon niya sa akin at doon ko siya binigyan ng napagkahigpit na yakap.
Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang kaliwang leeg at doon ko ibinuhos ang mga emosyon ko sa kanya "Okay lang naman kahit walang ganito, okay na sa akin yung magkasama tayong dalawa sa araw na 'to" emosyanal kong wika sa kanya.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Omar sa aking bewang "Alam ko, pero gusto ko lang ipakita sa 'yo at kila Mamang na seryoso talaga ang pagmamahal ko sayo" tugon niya sa akin dahilan para mas higpitan ko ang pag-yakap ko sa kanya.
"Thank you, I love you" nakapikit kong wika sa kanya dahil sa tuwang nararamdaman ko.
"Mahal din kita Ian" tugon naman niya sa akin at doon ko pinaramdam sa aking pagkakayakap ang pagmamahal ko sa kanya.
Nakapikit lang ako habang inisiksik ang aking ulo sa kanyang leeg nang may marinig akong pamilyar na kanta ang bigla nalang tumugtog.
Napamulat ako at doon ko binaling ang aking tingin sa likuran ni Omar.
"Mamang?" gulat kong wika ng makita ko si Mamang na nakatayo roon sa lumang radyo, siya ang nagpatugtog ng paborito kong kanta 'Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko' awitin ni Rey Valera.
Inalis ko ang pagkakayakap kay Omar at doon ako humakbang papalapit kay Mamang na lumalakad papunta rito sa aming pwesto.
"Anong ginagawa mo rito Mamang?" nakangiti at gulat kong wika sa kanya at doon nalang siya tumawa.
"Niyaya kasi ako nitong jowa mo para ipagdiwang ang isang taon niyong pagsasama, pasunod na rin ang Papang at ang Tito Franco mo dala-dala ang pagkain natin" tugon niya sa akin at doon nalang ako napangiti.
"Mamang naman" naluluha kong wika sa kanya at doon ko siya binigyan ng mahigpit na yakap "Mas lalo akong naiiyak" emosyonal kong segunda sa kanya habang yakap-yakap ko ito.
Sobrang swerte ko kay Mamang, sobra.
"Sabi ko naman sa 'yo diba na suportado kita sa lahat ng mangyayari sa 'yo, kaya ako nandito kasama niyo para ipagdiwang ang espesyal niyong araw. Para kapag nawala na ako rito sa mundo ay makikita ko na masaya ka kasama ang taong mag aalaga sa 'yo" tugon sa akin ni Mamang at doon ako mas lalong naging emosyonal.
"Mamang naman, wag ka namang ganyan" naluluha kong wika sa kanya.
Si Mamang ay may sakit, stage three bone cancer.
Ayaw magpagamot ni Mamang dahil sa personal niyang dahilan, ayaw niyang malalagyan ng kemikal o kung ano mang gamot ang kanyang pangangatawan.
Si Mamang din ang dahilan kung bakit ko gustong maging isang Doktor, para matulungan at malunasan ang mga katulad ni Mamang na may sakit.
"Nag sasabi lang naman ako ng totoo Anak, malay ba natin na baka bukas ay wala na ako rito sa mundo na baka mamatay na ako kaya nagpapasalamat ako da---"
"Wala pong mamatay Tita, wala pong mawawala Mamang" doon ko nalang nakitang nakayakap na rin si Omar sa gilid namin ni Mamang
Napangiti ako dahil sa aking nasasaksihan, napaka-swerte ko.
Binalingan ko ng tingin si Omar, doon ako mas lalong napangiti nang bigyan niya ako ng halik sa aking pisngi at pinunasan niya ang luhang umaagos sa aking mga mata.
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Omar habang doon siya kinakausap ni Mamang.
"Ipangako mo sakin na hindi mo iiwan ang anak ko Omar" wika ni Mamang kay Omar at doon siya tumango habang nakatitig sa akin.
"Pangako po Mamang, hindi ko po iiwan si Ian" kitang-kita ko ang sensiridad sa mga mata ni Omar.
Doon ko nalang nakita na ang pagkakayakap naming tatlo nila Mamang ay umiindayog na para sumabay sa kanta.
"Ipangako niyo sa akin na tatanda kayo nang magkasama at kahit na pumuti ang mga buhok niyo ay hindi niyo bibitawan ang mga pangako sa isa't-isa" napabaling ako ng tingin kay Mamang na hindi napuputol ang mga ngiti ko sa labi.
"Pangako po Mamang"
"Pangako Tita" sabay naming tugon ni Omar at doon siya napangiti ng mas malapad.
"Ipangako niyo sakin na aalagaan niyo itong bahay natin ha, dahil pamana pa sakin ito ng mga Lolo at Lola niyo. Mangako kayong dalawa"
"Pangako Mamang" nakangiti ko muling tugon kay Mamang at doon ko narinig ang tila isang magandang pag-awit na tugon ni Omar.
"Aalagaan ko po kayong dalawa ni Tito. Aalagaan ko po si Ian at aalagaan ko rin po itong bahay niyo Tita" damang-dama ko ang pagiging seryoso ni Omar sa mga salitang binanggit niya, dahilan para mas matunaw ang aking puso.
"Baka naman magtampo ang mga magulang mo niyan, sila rin dapat ay alagaan mo lalong-lalo na ang Nanay mo Omar, tumatanda na kami kaya kailangan namin ng pag-aalaga" wika ni Mamang at doon tumango si Omar.
"Dapat ang mga pangako niyo ay hindi mapapako dahil kapag nangyari iyon ay dadalawin ko kayong dalawa sa mga panaginip niyo, kapag nawala na ako dito sa mundo" segunda pa ni Mamang sa aming dalawa ni Omar.
"Mamang naman! Huwag mong sabihin 'yan!"
"Tutuparin ko po ang mga pangako ko sa inyo Mamang"
ㅡㅡㅡ
Nanindigan si Omar sa mga pangako niya kay Mamang dahil sino bang hindi matatakot kung sabihin sa inyo na dadalawin kayo ng isang multo?
Kaya pinanindigan ni Omar lahat ng mga pangako niya.
Lumipas ang panahon, lumipas ang taon ay magkasama kaming tumatanda ni Omar.
Minsan kaming hindi nagkakainitindihan na normal lang naman sa isang relasyon at minsan naman sobra-sobra ang pagmamahalan na nagagawa naming dalawa.
Sabi nga ni Mamang na may mga bagyo at unos na dumadating pero after that disaster may magandang kinabukasan ang ating haharapin.
Mamang passed away two years ago and i am so devastated that time dahil sino bang hindi mababaliw kung mawawalan ka ng espesyal sa buhay mo.
Ngunit tulad ng sinabi ni Mamang na may mga umaalis at may mga dumadating and I'm so lucky na si Omar ang dumating sa buhay ko.
Nawala si Mamang, may Omar naman ako.
May mga pangakong iniwan sa akin si Mamang na gusto at dapat kong tuparin tulad na lamang ng pagpunta ko sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng medisina.
"Ganito pala kasarap ano?" wika ng isang lalaki sa aking tabi.
"Anong masarap?" tugon ko sa kanya habang nakatitig parin sa aking librong binabasa.
Nandito kami sa ilalim ng puno ng mangga para tumambay at magpahinga, katatapos lamang namin magtanim ng mga pinya kahapon sa malawak na taniman sa harapan lang ng aming bahay.
Tinulungan namin si Tito Franco at ang ibang trabahador sa pagtatanim, payag na payag namin si Papang sa aking ginawang pagtulong kahapon.
Nakasuot ako ng pulang damit na may white stripe samantalang naka puting polo naman ang gwapong-gwapo kong kasintahan.
May rambutan din sa aking harapan na kinuha niya roon sa puno kanina.
Nakadapa ako habang nagbabasa dahil malapit na ang final week namin bilang fifth year student sa kursong medikal.
Samantalang nakahiga naman si Omar sa aking gilid habang doon nakatitig sa makulimlim na kalangitan at wala siyang ibang ginagawa kundi ang guluhin ako sa pagbabasa.
"I mean ganito pala ang feeling kapag kasama mo yung taong mahal mo, am i right Bal?" paglilinaw niya sa sinabi niya kanina at doon ako napatango.
"Bal?" taka kong tugon at doon ako bumaling ng tingin sa kanya.
Bumalikwas ng bangon si Omar at doon siya umupo sa gilid ko, gulat ako ng inalalayan niya ang aking katawan pahiga sa kandungan niya.
"Bal as in balance? Balingkinitan? Balcony? Balakubak?" natatawa kong wika sa kanya habang nakatingin sa taas kung saan doon ko nasisilayan ang gwapong mukha ni Omar.
Napailing nalang siya sa mga sinabi ko at doon niya sinabi ang Bal na wika niya.
"Bal means honey, endearment Bal nako-nako" natatawa niyang turan sa akin na ipinagtaka ko.
"Saan mo naman po napulot iyan? Pati kailan pa naging Bal ang Honey?" taka kong tugon sa kanya at doon niya ako sinagot.
"Ibig sabihin ng Bal sa Turkey ay honey, nabasa ko lang kanina sa internet" tugon niya sa akin at doon nalang ako napatango.
Medyo cheesy pala itong si Omar "Medyo cheesy ka pala Bal" nakangiti kong pang-aasar sa kanya kaya doon ako nakatanggap ng pagkurot sa aking tagiliran.
"Aray" daing ko sa ginawa niyang pagkurot sa akin.
"Inaasar mo na naman ako eh" natatawa at tila inis niyang wika sa akin kaya bumalikwas ako ng bangon at doon ko inlahad ang aking sarili para umupo sa kandungan ni Omar.
Inilingkis ko ang aking balikat sa leeg ni Omar at doon ko naramdaman ang pagkapit niya ng mahigpit sa aking likuran.
"I love you Bal" nakangiti kong wika sa kanya at doon ko inilahad ang aking ilong sa kanyang ilong at doon pinagdikit.
Madalas namin gawin ang bagay na ito lalo na kapag sinusuyo ko siya.
"Mahal din kita Bal" tugon naman niya sa akin at doon ako muling umayos ng tayo.
Umupo ako sa gilid ni Omar at doon ko idinantay ang aking ulo sa kanyang kaliwang balikat.
Diretso ang aming mga paa at doon pinanonood ang mga nagsasayawang puno sa aming harapan.
Tanaw na tanaw din namin dito ang bahay na nakatayo sa gitna ng pinyahan na bigay sa amin ni Mamang.
"Bal kita mo 'yang nakikita mo? Iyang malawak na kalupaan?" wika ni Omar sa aking tabi habang diretso lang kaming nakatingin doon.
"Hindi ako bulag kaya nakikita ko" tugon ko sa kanya na ikina-inis nito.
"Bal naman! Babanat kaya ako, panira ka!" nagtatampong wika niya sa akin at doon ko nalang siya binalingan ng tingin.
"Sorry Bal" tugon ko sa kanya at doon ko muling idinantay ang aking ulo sa kanyang balikat "Opo nakikita ko nga" segunda ko naman sa tanong niya kanina at doon niya itinuloy ang sasabihin niya.
"Isipin mo Bal na nasa gitna tayo ng taniman tapos pagod na pagod tayo sa pagtatanim ng mga pinya, tapos tatawagin tayo ng mga anak natin kasi kakain na tayo ng tanghalian" batid ko ang kasiyahan ni Omar sa kanyang pagsasalita.
Doon ako napatango sa kanyang mga sinasabi at ang aking mga kamay ay doon ko inilahad para hawakan ang kamay ni Omar.
"Pero hindi, mali pala. Dahil ako lang ang magtatanim at kakayod sa ating dalawa kasi ayokong mapapagod ang asawa ko" bumaling ako ng tingin kay Omar at doon ko lang siya kitang nakatingin sa paligid na tila doon iniisip ang mga bagay na sinasabi niya.
"Ang tanging gagawin mo lang ay aalagaan kami ng mga anak natin, ikaw ang magluluto, ikaw ang maglalaba ng mga damit natin lalo na yung mga ma-aasim kong brief at ikaw ang mag-aasikaso sa mga gawaing bahay" seryoso lang niyang wika sa akin at doon ako umiling.
"Asawa kita kaya lahat ng gusto kong gawin sa 'yo ay susundin mo lalo na kapag kantutan day natin, papagudin kita at babarurutin ko ang butas mo dahil asawa mo ako, iiyak ka sa sarap at doon mo isisigaw ang pangalan ko" segunda niya sa akin para makatanggap siya ng batok sa ulo.
"Diyan ka magaling! Puro s*x ang laman ng utak mo! Wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagudin ako!" inis kong wika sa kanya at doon ako muling dumantay sa kanya.
Iniisip ko kung paano kaya kung mag asawa na nga kaming dalawa, tiyak na mamatay ako ng maaga dahil sa mga kamanyakan niya.
Kung ngayon ngang magkasintahan kami ay inaraw-araw niya ako roon sa kama, paano pa kaya kung mag asawa na kaming dalawa.
"Bal ikaw lang naman ang laman ng utak ko. Ian, s*x, Ian, s*x, Ian at s*x lang ang laman nito" wika niya sa akin na ikina-kunot ng noo ko.
"Bal hindi s*x ang batayan ng relasyon, paano nalang kung hindi ko na maibigay sa 'yo yun?" baling ko sa kanya at doon ako nagulat sa kanyang sagot.
"Maghahanap ako ng iba" wika niya sa akin at doon siya nakatanggap muli ng batok.
"Gago kaba?" inis kong wika sa kanya at doon nalang siya tumawa.
Sa ilang taong pagsasama namin ni Omar ay doon ko pa nadidiskubri ang tunay na kulay at baho ng pesteng ito.
Bastos, manyak at minsan siyang gago kapag magkasama kaming dalawa.
Tahimik at hindi siya kumikibo kapag kaharap namin ang mga gago niyang kaibigan sa school.
Hindi siya nagsasalita kapag may mali siyang nagawa.
"Joke lang Bal! Hinding-hindi na ako makakahanap pa ng katulad mo!" pang-susuyo niya sa akin at doon ako pilit na niyayakap.
"Pati pupuntahan pa natin yung paborito mong lugar kaya hinding-hindi kita iiwan" segunda pa niya sa akin at doon lang ako seryosong nakatingin sa kanya.
Nandiyan si Omar sa tabi ko kapag malungkot ako, nandiyan siya kapag masaya ako at mayroon akong tinatawag na Omar kapag kinakailangan ko siya.
Ganun din naman ako dahil nandiyan din ako sa tabi niya kapag malungkot siya, kapag masaya siya at kapag may kailangan siya.
Lumipas pa ang panahon at doon kami gumigising ni Omar na magkasama, doon pa namin lubos na kinikilala ang isa't-isa.
Hindi ako nag-sasawa, hindi ako nag-sasawa.
Sa paglipas pa ng oras ay nagising nalang ako ng isang araw na parang may nagbago.
Bisyo? Barkada? Gago?
Umuuwi ng lasing.
Dumating sa puntong napagbubuhatan na niya ako ng kamay.
Nasabi ko sa sarili ko na 'Hindi ko na siya kilala, hindi na siya yung nakilala ko and he is now falling apart from the man the he promised for'
ㅡㅡㅡ