Chapter 14: Decade

2694 Words
CHAPTER 14 Decade “I will just take a bath,” paalam ni Sacha sa kanyang mga kaibigan. Tingin naman niya ay nagawa na niya ang kanyang part kaya pwede na siyang magpaalam. Kailangan na niyang maligo, marami pa naman din siyang nilalagay sa kanyang katawan para mapanatili itong smooth at maputi. Maarte ang kanyang ina, konting galos lang sa kanyang balat ay mapapagalitan na ito sa kanya. Kaya naman habang nandito siya ay kailangan niyang alagaan ang kanyang balat kung hindi ay sermon ang aabutin niya pagkauwi. Kung morena ang balat niya ay kailangan pantay na morena ito pero dahil maputi siya ay kailangan pantay ang kanyang kaputian mula ulo hanggang sa kanyang paa. Ganon ka-istrikto ang kanyanng ina dahil dati itong beauty queen, too bad hindi niya nakahiligan ang ganoon pero hindi na siya pinilit ng kanyang ina dahil nakikita niya kung gaano siya ka-career oriented. Ayos lang naman iyon sa kanyang ina dahil ang kanyang pinsan na si Sheena, ang sumunod sa yapak nito. Kaya para na rin silang magkapatid ni Sheena dahil malapit ito sa kanyang ina. Mas gusto niya iyon para lalong lumawak ang kanilang business at hindi ito mapagbagsak ng nino man, kaya naman kahit ibenta pa siya sa isang tao na hindi naman niya ganon kakilala ay walang pakialam ang kanyang mga magulang dahil mas mahalaga sa kanila ang business at ang future nito. Habang naglalakad siya paakyat ng hagdan ay nasulyapan niya si Vanz na nakatingin ngayon sa kanya, nakangiti ang binata dahil kausap niya ang iba nilang kaibigan na nasa sala pero umismid lang si Sacha tiyaka siya nagpatuloy sa pag-akyat. Mabuti nga at nakayanan niyang matulog kagabi kasama si Vanz sa iisang kwarto, sa iisang kama. “Do you like that man?” pagtatanong ni Vanz habang nakahiga sila sa kama. Nakatalikod si Sacha sa lalaki habang diretso lang pagkakahiga ni Vanz. Alam niyang hindi pa tulog ang dalaga lalo na nang maramdaman niya ang mabigat na paghinga nito sa kanyang tabi. “It’s none of your business, Vanz,” tamad na sagot ni Sacha tiyaka niya sinubukan pumikit dahil nagbabakasakali siya na sa kanyang pagpikit ay makatulog na siya at nang sa gayon ay matakasan na niya kung saan man hahantong ang pag-uusap nilang dalawa ni Vanz. “Apparently, it is also my business,” seryosong wika sa kanya ni Vanz kaya naman napasinghap si Sacha. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Vanz dahil sa kung ano man ang nangyari kanina na pinagsisihan niya kung bakit ba bumigay ng ganon kadali ang kanyang mga labi sa lalaki. “What are you saying?” pagtatanong niya kay Vanz na tila ba hindi niya maintindihan kung ano man ang pinapahiwatig nito kahit na ang totoo ay malinaw sa kanya kung ano man ang ibig sabihin ng binata. Bahagyang natawa si Vanz dahil sa pagtatanong ni Sacha, halata sa dalaga na nagmamaang-maangan siya na hindi niya mawari kung ano man ang sinasabi ni Vanz at nagiging in-denial siya sa kung ano man ang nararamdaman nito. “You know what I’m saying, Sacha.” He firmly said. Gusto niyang iparamdam sa dalaga na desidido siya kung ano man ang pinasok niya kanina. Sa pagkakataong ito ay si Sacha naman ang nagpakawala ng mahinang tawa para maibsan ang kabang nararamdaman niya at para asarin si Vanz sa kung ano man ang iniisip niya. “I didn’t know what you’re saying, Vanz!” Umiiling-uling na wika ni Sacha habang nakahiga pa rin sa kama. Mariin siyang tiningnan ni Vanz dahil hindi niya nagugustuhan ang pagdedeny ni Sacha sa kanyang nararamdaman kahit na obvious na obvious naman ito. Naramdaman ni Sacha ang masasamang tingin sa kanya ni Vanz kaya muli niyang pinikit ang kanyang mata, nagbabakasakali na makatulog na siya nang sa gayon ay hindi na siya mahirapan na iwasan si Vanz. “Come on, hindi na tayo bata!” halos nawawalan na ng pasensya si Vanz sa dalaga. Ang ayaw pa naman niya ay natatapakan ang kanyang ego at dahil sa pagiging indenial ni Sacha ay ramdam niya ang pananapak ng dalaga sa kanyang ego. Para bang isang malaking kasalanan na mayroon pang nararamdaman sa kanya si Sacha. Para bang isa siyang nakakadiring lalaki para iwasan ni Sacha ang kanyang nararamdaman. Kumuyom bigla ang kanyang kamo dahil sa huling salita na tumakbo sa kanyang isipan. Iyon ba ang dahilan ni Sacha kung bakit ayaw na niyang makipag-relasyon pa sa kanya? Alam naman na iyon ang naging dahilan ng paghihiwalay nila bago sila tumuntong noong college pero hanggang ngayon pa naman ay hindi niya makalimutan ang nakaraan? Hanggang ngayon pa naman ay pasan-pasan niya pa rin ang nangyari noong gabing iyon? “You’re right,” Sacha mumbled. Tama naman si Vanz na hindi na sila mga bata. “We’re not kids anymore. Can’t you just accept that our relationship didn’t work? It’s been a decade and years but you’re still bringing up the memories of ours.” Tumiim ang bagang ni Vanz dahil sa sinabi ng dalaga. “Isang dekada na ang lumipas. Labing-tatlong daan na ang nagdaaan. Ang dami na nating napagdaanan na magkakahiwalay pero bakit pilit mo pa rin binabalikan ang taon na gusto na nating makalimutan hanggang sa mabaon tayong lahat sa hukay?” pagtatanong ni Sacha dahil para sa kanya ay hindi nag mamake-sense. “Bata pa tayo non, patawarin na lang natin ang sarili natin,” walang buhay na sabi ni Sacha dahil alam niyang iyong salitang iyon ang palaging nagpapatulog sa kanya gabi-gabi. Dahil kung hindi niya ipapaalala ang salitang iyon ay hindi niya alam kung gaano kaitim o kabigat ang eyebags sa ilalim ng kanyang mata. Hindi niya maiwasan na baliin ang chopstick na hawak niya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Sacha. Talagang excuse pa nila na bata pa sila gayong lahat sila ay nasa wastong edad na? Nasa wastong edad na para makulong! “But you kissed back,” pagtatangis ni Vanz dahil hindi niya maintindihan kung bakit humalik pabalik ang dalaga kung wala siyang balak na balikan ang kanilang nakaraan. Dahil nang mga oras na iyon ay handa ng ipaglaban ni Vanz si Sacha. “I did,” pag-amin ni Sacha dahil baka iyon pa ang maging dahilan kung bakit hindi makatulog si Vanz. “I kissed back,” pag-uulit pa ni Sacha para ipakita kay Vanz na wala lang sa kanya iyon. “What? Are you still affected? Come on, Vans!” “You’ve kissed different women, in different times, in different years, or maybe you’ve kissed women at the same hour of the day,” tamad na wika ni Sacha para iparamdam kay Vanz na wala siyang panahon na alalahanin kung ano man ang namamagitan sa kanila noon. “It was just a kiss and so what if we’ll do s*x? We’re not teens anymore, we’re in our thirties.” “You are still exploring. I am reserved but until then, I could still explore with other men. Do not make yourself special just because I kissed back. I already kissed several men in the club,” iyon ang naging dahilan ng pagkasira ng ego ni Vanz. Kaya imbis na makipagtalo pa siya kay Sacha ay padabog siyang tumayo sa kama tiyaka siya dumeretso palabas ng kanilang kwarto dahil kailangan na niyang buksan ang mga beer na dala niya. Bumuntong hininga si Sacha nang maramdaman niya ang pagbagsak na pagsara ng pinto ni Vanz. Naramdaman na niya ang pag-alis nito sa kama at dinig na dinig niya kung paano binagsak ni Vanz ang pinto kaya alam niyang lumabas na rin io sa kwarto. Napailing na lang si Sacha dahil iyon lang ang tangi niyang magagawa keysa sa sundan niya ang binata at lumalala lang ang sitwasyon nilang dalawa. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa bedside table para tingnan kung anong oras, alas diyes na ng gabi. Pinatay niya rin ang kanyang cellphone tiyaka pumikit para makatulog na siya dahil maaga pa silang gigising bukas. Malalim ang pag-iisip ni Vanz habang iniinom ang pangalawang can ng beer. Ang bilis niya itong inubos na para bang varsity player na uhaw na uhaw sa tubig. Hindi man lang nasaktan ang kanyang lalamunan sa sunod-sunod na pag-inom niya ng beer. Gusto man niyang buksan ang mga dala pa nilang alak ang kaso lang ay napagkasunduan ng lahat na sabay-sabay nilang iinuin iyon. Ayaw naman niyang madagdagan pang muli kung ano man ang mga bagay na kinaiinisan sa kanya ng kanyang mga kaibigan lalo na si Joanne na para bang konting galaw niya lang ay sasabog na sa inis. Napailing siya dahil kay Joanne ay muli niyang inaalala ang nakaraan na nakatago na sa kanyang utak at hindi na kailanman sumagi sa kanyang isipan pero ngayon ay sumasagi na ito dahil siguro sa pag-aawaw nila kanina. Tama si Sacha, bata pa sila non. Kailangan niya ring patawarin ang kanyang sarili. Bata pa sila at hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila. Hindi nila namalayan na maling-mali na pala ang nagawa nila. Para lang silang natauhan nang magising sila kinabukasan kung ano ang nangyari. Pinilig niya ang kanyang ulo dahil ayaw na niyang maalala pa ang gabing iyon, alam niyang ayaw rin niyang maalala ng mga kaibigan niya dahil baka kamuhian siya ng lahat. Napag-usapan na nila noon pa man bago sila mag hiwa-hiwalay na kalimutan na nila kung ano man ang nangyari nang gabing iyon, ang nangyari bago sila nag-graduate. Mukhang tagumpay ang pag-uusap nila tungkol doon kung kaya naman kampante siya na wala ng manghuhukay pa ng matagal na nilang binaon sa lupa. Walang mangangahas na maghukay dahil alam niyang sa oras na lumantad iyon sa media ay lahat ng pangalan nila ay madadawit at lahat ng pangalan nila ay masisira. Hindi lamang iyon dahil alam niya na lahat sila ay may posibilidad na makulong. Kaya sinong mangangahas na bumuhay sa isang bangkay na ikasisira ng lahat? Napatigil si Jefree dahil hindi niya inaasahan na dadatnan niya sa ganoong ayos si Vanz. Mukha itong problemado dahil sa kanyang itsura at stress dahil halos malukot na niya ang can pagkatapos niyang iumin ang laman nitong beer. Ipinagpatuloy ni Jefree ang pagpasok sa kusina para kumuha siya ng tubig. Nauhaw kasi siya kaya naisipan niyang uminom bago siya matulog. Tinapik niya sa balikat si Vanz bago siya naglikas ng tubig sa kanyang baso. Hindi niya kaagad ininom iyon sa halip ay kinuha niya ang kanyang baso na may lamang punong tubig tiyaka siya naupo sa harapan ni Vanz, hindi man lang inangat ni Vanz ang kanyang ulo at nanatili siyang masama ang tingin sa mga can na wala namang ginagawa sa kanya. “Vanz,” pagtawag ni Jefree sa kaibigan. Pakiramdam niya kasi ay kailangan ni Vanz nang kausap. “When did you realize you wanted to be a priest?” Natigilan si Jefree dahil imbis na siya ang magtanong ay si Vanz bigla ang nagtanong. Ang akala niya ay hindi magsasalita ang binata pero mukhang nagkakamali siya. “When I graduated senior high school,” Jefree answered honestly. Iyon ang totoo, ang buong akala niya noon ay magiging journalist siya dahil iyon ang hilig niya ang kaso nga lang ay dahil sa isang pangyayari ay napagdesisyunan niyang maging pari. “Wow,” wala man lang emosyon na sambit ni Vanz. Tiningnan niya ang hawak-hawak niyang walang laman na can sa kanyang kamay na ngayon ay pinaglalaruan na niya. Seryoso siyang nakatingin doon na tila ba mabibigyan kasagutan lahat ng kanyang tanong sa isipan sa can na iyon. “Hindi ka makatulog?” pagtatanong ni Jefree kahit na obvious namang nandito si Vanz at umiinom ng beer, walang balak na matulog. “How could I sleep when I’m thinking about what happened decades ago?” umawang ang labi ni Jefree sa sinagot ni Vanz, ibig bang sabihin? “How could Sacha dump me just like that?” natigil ang kaisipan ni Jefree sa isang pangyayari dahil sa pagdugtong ni Vanz sa kanyang sinabi. “Why?” pagtatanong na lang ni Jefree. Siguro ay mas magaan naman ito kesa sa mabigat na pangyayaring iyon pero aaminin niya na naging impluwensiya ang pangyayaring iyon kung nasaan man siya ngayon at kung ano man ang ginagawa niya ngayon. “She said what happened between us decade ago must stay in that year,” of course, hindi ganun ang sinabi ni Sacha pero parang ganun ang gusto niyang ipahiwatig sa dami ng sinabi niya kanina. “You really love her,” komento ni Jefree dahil kahit na maloko si Vanz, nagiging matino ito kapag si Sacha na ang usapan kaya. Kagaya na lamang ngayon na ang lakas pa rin ng epekto ni Sacha sa kaibigan niyang nasa harapan niya ngayon. “Of course… I do…” sagot ni Vanz pagkatapos ay binuksan muli ang can na may beer para makainom siya roon. Ang gusto niya lang ay medyo tipsy siya para pagbabalik niya sa kanilang kwarto ay inaantok na siya at makatulog niya dahil wala siyang tiwala sa kanyang sarili kung ano pa ang sasabihin nito kay Sacha. “She’s my first love,” dagdag pa niya dahilan ng pag-awang ng labi ni Jefree. “Wow,” punong-puno ng adorasyon na sambit ni Jefree hindi katulad ng komento kanina ni Vanz na walang kabuhay-buhay. “I know that you love her but not that long,” dagdag pa niya. Sanay naman siyang makipag-usap ng ganito lalo na kapag may mga nangungumpisal sa kanya kaya kahit na wala sila sa simbahan ay pinapakinggan niya pa rin ang kanyang mga kaibigan at bibigyan niya ito ng mga payo. “Of course, you won’t even know that hour passed by if you’re busy,” pambawi kaagad ni Vanz dahil mukhang patay na patay naman siya kay Sacha. Oo, totoong gustong-gusto niya ang dalaga, ang kaso nga lang hinindian niya ito kani-kanina lang. Alam niyang walang sinabi si Sacha na pinapalayo niya ito sa kanya pero kung daramdamin masyado ang kanyang mga salita ay iyon na ang kahulugan. “You know, I am willing to sacrifice everything just to have her but she rejected me,” nagkibit-balikat si Vanz sa sinabi niya. Wala siyang ibang alam kung hindi respetuhin kung ano man ang gusto ni Sacha. “Ang dami ko ng nakausap na kapareho ng pinagdadaanan mo,” wika ni Jefree. “At mukhang nagsisismula na akong maniwala sa first love never dies,” hindi mapigilan ni Jefree ang mahina nitong tawa. “Pero baka hindi kayo ang para sa isa’t-isa. Wala naman tayong magagawa kung hindi tanggapin iyon lalo na kung mahal natin,” kumunot ang noo ni Vanz dahil sa sinabi ni Jefree. “You know you should pray to Him, and maybe that will be the reason if she’ll open her heart for you.” natawa ng mahina si Vanz dahil sa sinabi ni Jefree. “Hindi ka ba kinalibutan habang sinasabi mong magdasal ako?” Vanz said, mocking Jefree a bit. “Sa tingin mo ba tatanggapin pa Niya kung ano ang hihilingin ko sa kanya?” dagdag na tanong niya pa habang umiiling dahil hindi siya makapaniwala sa kayang kaibigan. “Oo naman,” sagot ni Jefree dahil alam niyang nalayo lang si Vanz sa kanyang landas pero kahit na ganon ay alam naman niyang maririnig pa rin ang hiling niya. “Anak ka pa rin ng Diyos kaya pwede mo pa rin namang gawin iyon,” pagpapayo ni Jefree kay Vanz. “Anak ng Diyos…” paulit-ulit na nagplay sa kanyang utak. Hindi niya maiwasan na mainis o ‘di kaya ay durahan ang dalawa habang nag-uusap. Grabe ang konsensya nila. Walang-wala sa pinakamakapal na bagay sa mundo. Lalo siyang nagalit dahil para bang wala na sa kanila kung ano ang nangyari sa taong iyon. Wala lang iyon sa kanila pero buhay na buhay at sariwang-sariwa pa iyon. Hindi niya kayang patawarin ang isa man sa kanila. The wound that inflected a decade ago was still fresh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD