CHAPTER 15
Uneasiness
“Kung talaga kayo ang para sa isa’t-isa, ipagkakaloob din sa inyo ang magandang katapusan,” wika ni Jefree. Napailing si Vanz dahil hindi siya naniniwala sa kasabihan na iyon, paano kayo magkakaroon ng magandang katapusan kung inaasa lamang lahat sa itaas at wala ka man ginagawa para maging kayo?
Alam niyang may ginagawa siya para magkabalikan sila ni Sacha ang kaso nga lang ay mukhang wala namang plano ang dalaga na tulungan siya para mag-work ulit ang relasyon nilang naudlot isang dekada na ang lumipas.
Tumayo si Vanz tiyaka niya kinuha ang sampung bote ng beer na nainom niya tiyaka niya iyon tinapon sa trash bin. Nagpaalam na siya kay Jefree na aakyat na siya para makatulog dahil panigurado tulog na si Sacha pagbalik niya. Napahinto lang siya nang nakasalubong niya si Michael na mukhang kakagaling lang sa labas at paakyat na rin siya.
“Where did you go?” nagtatakang tanong ni Vanz sa kanyang kaibigan. Mag aa-alas onse na ng gabi kaya hindi niya alam kung ano pang gagawin ng kanyang kaibigan sa labas sa ganitong kalalim na ng gabi.
“Smoke,” tipid na sagot ni Michael tiyaka na siya nagpatuloy sa pag-akyat para makapasok na rin siya sa kanilang kwarto.
Kumunot ang noo ni Vanz dahil sa kakaibang kinikilos ng kanyang kaibigan na si Michael pero pinagkibit-balikat na lamang niya iyon dahil may party pa sila bukas at kung dadagdag pa iyon sa kanyang isipin ay baka hindi na talaga siya makatulog ngayong gabi. Sumunod na rin siya sa pag-akyat para pumasok na rin sa kwarto nila ni Sacha.
Kahit na anong pikit ni Sacha ay hindi siya makatulog kahit na gustong-gusto na niyang matulog para matakasan kung ano man ang susunod pang sasabihin ni Vanz. Alam niya na kapag tulog na siya ay hindi na siya guguluhin ng binata. Pero aaminin niya na gumugulo pa rin sa kanyang isipan ang mga sinabi ng binata kanina, parang meron sa parte niya na gusto niyang subukan ulit pero kaagad niyang pinilig ang kaisipan na iyon dahil alam niyang hindi rin papayag ang kanyang mga magulang.
Yes, Vanz’ family was powerful but then her dad hated politicians and she wouldn’t think it’s a good idea to marry Vanz because of what happened in the past. Her mom will faint when she knows what happened back then especially if she made Vanz as her boyfriend again.
Gusto niyang magsimula muli, gusto niya na tuluyan na niyang makalimutan ang nangyari noong gabing iyon dahil pakiramdam niya kapag nakalimutan na niya ang nangyari noong gabing iyon ay mawawala na ang nararamdaman niyang kakarampot kay Vanz. Siguro ay tama nga ang naiisip niya na kaya ganito kahigpit ang kanilang samahan ay dahil sa nangyari noon.
Muling bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Sacha kaya nagpatuloy na lang siya sa pag-akyat ng hagdan. Sinara niya rin ang kanilang pintuan dahil maliligo na siya. Hindi niya maiwasan na mawalan ng tiwala kay Vanz dahil sa nangyari noon. Saglit siyang natawa sa kanyang isipan dahil parang kagabi lang ay gusto niyang subukan muli ang pagmamahalan nilang dalawa pero paano niya muling susubukan kung wala na siyang tiwala sa binata?
Pinilig niya na langa ng kanyang iniisip tiyaka siya pumunta sa cabinet para kuhanin niya ang kanyang red na two piece pati na rin ang kanyang white cardigan. Nilagay na niya sa kama ang kanyang susuotin pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang kulay puting towel sa rock. Bago siya pumasok sa banyo ay naisipan niya munang tingnan ang kanyang cellphone sa bedside table sa pag-asang baka nagkaroon ng signal at nakatanggap siya ng email.
Pero naningkit ang kanyang mata nang makita kung ano ang nakapatong sa itaas ng kanyang cellphone, isa iyong ID. Kinuha niya iyon para tingnan dahil wala naman siyang natatandaan na may nakapatong roon noong iniwan niya ang kanyang cellphone kanina. Nang makita niya kung kanino iyon ay nabitawan niya ang ID sa sahig tiyaka siya napaatras dahil sa takot.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili dahil matinding gulat at takot ang bumalot sa kanyang sistema. Muli siyang lumapit sa may bedside table tiyaka siya naupo para makuha muli ang ID na nakita niya. Bumuga mula siya ng hininga bago siya nagdesisyon na basahin muli kung ano ang nakasulat doon.
Licensed for Failure
Sacha Ortiz - CEO
Ang kaninang takot na gulat na nararamdaman niya ay kaagad na napalitan ng galit dahil nabasa niya kung ano man ang nakasulat sa ibaba non. Alam niyang hindi lang ang mga magulang niya ang madidismaya sa kanya kung hindi pati na rin ang kanyang mga kaibigan. Hindi lang iyon dahil baka ma-boycott pa ang kanyang business sa oras na kumalat ito sa social media. Hindi niya alam kung paano nalaman ng nagbigay sa kanya ang issue na iyon, alam niyang malinis ang kanyang ginawa dahil binayaran niya rin kaagad ang kanyang mga empleyado para hindi lumabas sa labas ng opisina iyon.
Kumunot ang kanyang noo nang matapat ito sandali sa ilaw dahil meron pang nakasulat sa pinakababa. Kaagad niyang inabot ang kanyang cellphone para sindihin ang flashlight nito tiyaka niya iyon tinapat sa ID na hawak niya. Umawang ang kanyang labi habang binabasa niya sa kanyang isipan ang nakasulat doon.
Dulce pesadilla
Naningkit ang kanyang mga mata at pilit niyang inalala ang kahulugan non, alam niyang salitang espanyol iyon. Napag-aralan nila ang lenggwaheng ito noong college pa lamang sila kaya muli niyang inalala iyon. Hindi naman niya madalas na gamitin ang espanyol kaya medyo nakakalimutan na niya at ngayon lang bumalik sa kanyang ala-ala ang kahulugan ng mga salitang iyon sa salitang Ingles.
Sweet nightmare? Pagtatanong niya dahil hindi niya maintindihan kung ano ang kinalaman non sa kanyang pangalan ana nakasulat sa ID at sa picture niyang naka-imprinta doon.
Muli niyang naisip ang pinag-usapan nila ni Vanz kagabi at siya lang ang kasa-kasama niya sa kwarto. Posible kayang si Vanz ang may kagagawan ng ID na nakapatong sa kanyang cellphone? Nagtiim ang kanyang bagang dahil mukhang bina-blackmail siya ng lalaki. Siya lang ang nakakaalam na pumupunta siya sa psychiatrist noong senior high school pa lang sila at anong sweet nightmare? Balak niya rin bang i-blackmail siya sa kasalanan na ginawa niya mismo sa gabing iyon?
Nakarinig siya ng sunod-sunod na katok kaya mabilis niyang tinago sa kanyang palad ang ID na natanggap niya. Siguro ay pagkatapos na lang ng party niya kausapin si Vanz dahil gusto niyang mag-enjoy kasama ang kanyang mga kaibigan. Deserve niya ang pahinga na ito sa kanyang trabaho pero bakit parang hindi siya binibigyan ng pahinga ni Vanz dahil gumugulo ito sa kanyang isipan?
“Ate?” pagkatok ni Sheena sa pintuan dahil pagbaba niya pagkatapos maligo at mag-ayos ay tinanong niya kaagad kay Vanz kung nasaan ang kanyang pinsan.
Isang tao lang ang mapagkakatiwalaan niya sa bagay na nakita niya kanina, iyon ang kanyang pinsan. Dahil silang dalawa lang ang magka-dugo at alam niyang matutulungan siya ng kanyang pinsan para tingnan kung sino man ang nagpadala noon sa kanya. Hindi niya maiwasan na mag-panic dahil ang tagal niyang pinangarap na lumaban sa Miss Universe pero sa isang iglap lang ngayon ay mawawala ang lahat ng paghihirap niya sa training.
Mabilis na lumapit si Sacha sa pintuan para pagbuksan ang kanyang pinsan. Ang buong akala niya ay si Vanz iyon, kung si Vanz man iyon ay alam niyang sasalubungin niya ito ng magkabilang sampal dahil sa ginawa niya.
“Sheena?” pagtatanong niya sa kanyang kaibigan na kanya rin namang pinsan. Tinaasan niya ng kilay ang kanyang pinsan dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kaagad na niluwangan ni Sacha ang pagkakabukas ng pinto kaya kaagad na pumasok si Sheena at siya na mismo ang nagsarado ng pinto. Taka siyang tiningnan ni Sacha, padabog pang naupo sa kama ang kanyang pinsan.
“What is your problem?” agad na tanong ni Sacha dahil ganitong-ganito ang mukha ng kanyang pinsan kapag may problema siya o may pinoproblema siya. Huminga ng malalim si Sheena pagkatapos ay pinakita niya ang kanyang palad na kung saan nakalagay doon ang ID na natanggap niya kanina.
“I received this out of nowhere,” stress na sabi ni Sheena habang pinapakita niya sa kanyang pinsan ang kakaiba at ang ID na makakapag pasira ng tuluyan sa kanyang career.
“Damn it,” mura ni Sacha dahil mukhang tina-trap siya ni Vanz para pumayag siya sa kanyang gusto dahil maging ang kanyang pinsan ay binigyan niya ng ganoong ID, nabasa niya rin kung ano ang nakasulat sa ilalim ng kanyang pangalan. Alam na niya iyon dahil iyon ang pinagkakaabalahan ng kanyang ina kapag lalaban na si Sheena.
“Why?” nagtatakang tanong ni Sheena sa kanyang pinsan dahil ang buong akala niya ay magugulat din siya katulad na lamang ng reaksyon niya kanina pero sa halip na magulat ay mura ang narinig niya sa kanyang pinsan at mukhang galit na galit ito. Mukhang alam niya kung sino man ang may nagpadala sa kanya ng ID na iyon.
Pinakita ni Sacha ang kanyang palad kung saan hawak-hawak niya rin ang ID na kakatanggap o kakakita niya lang ngayon. Umawang ang labi ni Sheena sa gulat dahil buong akala niya ay siya lang ang nakatanggap ng ganon. Hindi niya inaasahan na mayroon din palang nagpadala sa kanyang pinsan.
“Who do you think gave us these?” pagtatanong ni Sheena tiyaka siya tumayo at lumapit sa kanyang pinsan para matingnan niya nang malapitan ang ID nito, pinagdikit niya ang kanya at ang kay Sacha at alam niyang isa lang ang gumawa noon dahil parehong-pareho ang design. Nagkaiba lang sa pangalan at sa nakasulat sa ibaba ng kanilang pangalan.
“I think it was Vanz,” pagod na wika ni Sacha. Kumunot ang noo ni Sheena dahil hindi niya maintindihan kung ano man ang pinapahiwatig ng kanyang pinsan.
“Vanz? Bakit naman niya gagawin ito? Tiyaka bakit ganito naman ang nakasulat? Licensed for Failure? Tiyaka bakit naman niya alam ang mga bagay na tayo lang ang nakakaalam?” sunod-sunod ang pagtatanong ni Sheena sa kanyang pinsan.
“I rejected him last night,” bumuntong-hininga si Sacha pagkatapos niyang sabihin iyon. Alam niyang hindi man niya sinabi ng diretso kay Vanz na ayaw na niya pero alam niyang alam ni Vanz na lahat ng sinabi niya kagabi ay paraan ng pagtanggi niya dito.
“You told him our secrets?” hindi makapaniwala na tanong ni Sheena. “Kung nag-away kayo, why did he include me?” hindi maiwasan na mainis ni Sheena ang habang tinatanong niya iyon sa kanyang pinsan dahil kung problema lang pala nila bakit kailangan pa siyang idamay?
“I don’t know how did he knew but you know how powerful his family are,” stress na sagot ni Sacha tiyaka niya mabilis na pinasadahan ang kanyang buhok. “I don’t know, maybe he’s blackmailing me since he knew that we treated each other as siblings… sisters.” pagsagot pa ni Sacha sa isang tanong ng kanyang pinsan.
“My God!” hindi maiwasan na pasadahan din ni Sheena ang kanyang buhok dahil sa stress. “Ate, it’s my dream! No, Miss Universe is not just my dream, it is also yours and tita’s dream. It is our dream!” hindi mapigilan na magpanic ni Sheena habang sinasabi niya iyon sa kanyang pinsan nagbabakasakali siya na maintindihan ni Sacha ang kanyang pinupunto.
Tumango-tango si Sacha tiyaka niya hinawakan sa magkabilang balikat ang kanyang pinsan para pumirmi siya dahil mukhang hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung anong ikikilos niya pagkatapos niyang malaman iyon at alam niyang natatakot lang ang kanyang pinsan na sa isang pikit ay mawawala ang pinapangarap niya. This is Sheena’s last chance to join the Miss Universe since she’s turning twenty nine next year and she’s already overage.
“Kumalma ka muna, hindi mangyayari iyan, okay?” pagpapakalma ni Sacha sa kanyang pinsan. Huminga ng malalim si Sheena para kahit papaano ay mapakalma niya ang kanyang sarili.
“I thought it was Isiah but it turns out it was Vanz? What is he planning?” hindi mapigilan na ibulaslas ni Sheena kung ano man ang tumatakbo sa kanyang isipan, kumunot ang noo ni Sacha sa sinabi ng pinsan.
“What made you think it was Isiah?” tanong niya dahil hindi pa naman siya sigurado kung si Vanz nga ang nagpadala ng ganon kaya gusto niyang malaman kung ano ang opinyon ng kanyang pinsan dito.
“Because he was the only one who can enter freely in our room,” pagsagot ni Sheena kahit na walang kwenta ang kanyang dahilan ay iyon ang naisip niya kanina dahil wala naman siyang nakitang ibang kaibigan niya na pumasok sa kanilang kwarto.
Tumango si Sacha na para bang naintindihan niya si Sheena dahil iyon din ang isang dahilan ni Sacha kung bakit niyang naisip na si Vanz, pero pwede naman siyang pumasok sa kwarto nina Sheena nang patago diba?
“For now, act like you didn’t receive anything. Enjoy the party and we’ll figure it out after the party tonight, okay? Do not act obvious in front of our friends. Act normal,” sambit ni Sacha habang hinahaplos niya ang balikat ni Sheena para pakalmahin niya ito. “I will ask Vanz after the party, we will reach our dreams. Keep that in mind. No one can take your dreams away,” marahan ang pagtango ni Sheena na tila naintindihan niya ang kanyang pinsan.
“Good. For now, give me that ID of yours, I will keep it. Go downstairs, act like nothing happened. Does anyone know where you went here?” pagtatanong ni Sacha, tumango si Sheena kaya tumango rin si Sacha. “If they ask you what you do here, tell them you forgot one of your lotions and I lend you mine.”
Pumayag si Sheena sa gusto ng kanyang pinsan kaya binigay niya ang kanyang ID tiyaka na siya lumabas ng kwarto. May tiwala siya sa kanyang pinsan at kapag sinabi niyang aalamin nila pagkatapos ng party ay aalamin talaga nila.
Kaagad na tinago ni Sacha sa kanyang bag ang dalawang ID para walang makakita roon. Natatakot siya na mayroon pang iba na makaalam sa sikreto nilang magpinsan. Dahil sa stress niya ay natagalan siya ng ilang minuto sa shower, iniisip niya kung paano niya kakausapin si Vanz pagkatapos ng party tungkol sa ID na natanggap nilang dalawang magpinsan. Hindi niya maiwasan na mainis dahil hindi niya inaasahan na magagawa iyon ni Vanz sa kanya.
Ang tanging plano niya ngayon, kung tama ang hinala niya na si Vanz nga ang nagpadala noon sa kanila ay wala siyang magawa kung hindi pumayag sa gusto nito hanggang sa makalaban si Sheena sa Miss Universe, pagkatapos ng laban ng kanyang pinsan ay tiyaka niya na lamang iiwanan ang binata. Pero paano kung hindi siya?
Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya at naglagay ng mga cream na kailangan ng kanyang balat. Sinuot niya rin ang white niyang cardigan na makikita mo pa rin naman ang kanyang suot lalo na matingkad ang kulay ng kanyang swimsuit. Bumaba siya na may ngiti sa labi habang sinalubong niya ang ilan niyang mga kaibigan na paakyat dahil amg-aayos na rin.
Lahat ng mga nakatanggap sa ID ay pinagmamasdan ang kilos ng isa’t-isa, kung sino sa kanila ang may kakayanan na gawin iyon at kung sino ang pumupuslit para mailagay ang mga ID na natanggap nila. Kahit na nagtatawanan at nag-aasaran sa sala ay maingat pa rin si Sacha, Sheena, Hermes, Brandon, at ang iba pa para tingnan kung sino sa kanila ang impostor.
Natutuwa siya habang nakikita niya kung paano kumilos ang magkakaibigan ngayon, mukhang unti-unti na silang hindi nagiging kumportable sa isa’t-isa dahil alam nila na isa sa kanila ang magtatraydor. Tama nga siya at hindi nila masyadong minadali dahil napapaglaruan pa nila ang mga isipan ng lahat at maging ang kanilang mga emosyon.
Hindi man nila nahahalata pero habang pinapanood niya sila ay kilos hindi na sila kumportable sa isa’t-isa. Hindi na siya makapaghintay na sumapit ang party, may surpresa na nakahanda para sa kanila.