CHAPTER 13
Confusion
“Oh my gosh!” hindi maiwasan na mapalundag sa kaba ni Sheena, nasa balikat pa niya ang white niyang towel dahil nga mag-shower na siya pero dahil sa ID na nakita niya ay napahinto siya sa kanyang gagawin. Para bang napahinto rin ang kanyang mundo dahil alam niya na kung may isang taong nakakaalam ng kanyang sikreto ay pwede itong kumalat sa ano mang oras. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran para na rin maitago ang ID na natanggap niya kung kanino man.
“Why?” nagtataka siyang tiningnan ni Isiah dahil bigla itong nagulat nang binuksan niya ang pintuan. Hindi niya tuloy alam kung papasok ba siya o hindi dahil nakita niya rin ang takot sa mata ng kanyang kaibigan. Kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan niya ang reaksyon ni Sheena, para bang nakakita o nagparamdam sa kanya ang isang multo. Pasimple niyang tiningnan ang kanyang kamay na nasa likuran nito na tila may tinatago.
“No-nothing, I was just shocked,” naiilang na tumawa si Sheena sa kanyang kaibigan na ngayon ay nagtataka na ang pagkakatingin sa kanya ni Isiah. “Bakit ka ba kasi nanggugulat?” sinubukan na tarayan ni Sheena ang kanyang boses nang sa gayon ay hindi mawerduhan sa kanya si Isiah pero huli na ang lahat dahil nagtataka na ang binata sa kinikilos ng kaibigan niyang dalaga.
“I didn’t,” pagtanggi ni Isiah sa paratang sa kanya ni Sheena na ginulat niya ito dahil ang tanging ginawa niya lang ay binuksan ang pintuan dahil nakalimutan niya ang kanyang cellphone sa may bed side table. Nagpapasa kasi si Vanz ng iba pang kanta sa kanya para maging rock lalo mamaya ang party. “I only open the door,” paliwanag pa ni Isiah, nasa may pintuan pa rin siya ngayon at hawak-hawak ang pinto dahil baka hindi magiging komportable si Sheena kung papasok siya bigla lalo na sa itsura niya ngayon.
“Ye-yes!” sang-ayon ni Sheena dahil wala na siyang alam na isagot, alam niyang binuksan lang naman ni Isiah ang pinto, ang kaso nga lang ay hindi niya maiwasan na magulat dahil kinakabahan siya na baka makita ni Isiah ang ID na nakita niya at malaman ni Isiah kung ano man ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan. Isang malaking kahihiyan iyon! “You should knock!”
“I’m sorry.” Tinaas ni Isiah ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko dahil mukhang hindi papatalo sa kanya si Sheena. “I thought you locked the door but when I tried to open it, it was unlocked,” pagpapaliwanag niya, marahan na tumango si Sheena para hindi siya maging weirdo o OA sa pagrereact dahil lang sa pagbubukas ni Isiah ng pintuan.
“It’s okay,” agap ni Sheena. “Do you need something ba?” pagtatanong niya dahil kung wala na siyang kailangan ay isasara na niya ang pinto nang sa gayon ay makaligo na siya.
“I need my phone,” tinuro ni Isiah ang kanyang cellphone na nasa bed side table, nilingon iyon ni Sheena gamit ang kanyang ulo at hindi ginalaw ang kanyang katawan dahil baka makita ni Isiah kung ano man ang tinatago niya. Umawang ang labi niya nang masulyapan ang cellphone ng binata na katabi lang kanina kung saan nakalagay ang ID na natanggap niya.
Hindi niya maiwasan na umawang ang kanyang labi dahil kung nauna pala si Isiah na umakyat at pumasok dito sa kanilang kwarto ay makikita niya ang ID na nasa tabi lang mismo ng kanyang cellphone! Kung mangyari iyon ay mababasa niya kung ano man ang tinatago niyang sikreto. Para siyang nakahinga ng maluwag dahil sa kaisipan na siya ang naunang umakyat sa kwarto kung hindi ay baka hindi na niya kayang harapin pa ang kanyang mga kaibigan dahil sa kahihiyan.
Habang pinagmamasdan mabuti ni Isiah ang reaksyon ng kanyang kaibigan, para bang may tinatago ito sa kanya lalo na ang mga kamay niyang nanatili lang sa kanyang likuran. At masyadong halata sa kanyang reaksyon na may tinatago ito, bakas ang kaba na tila hindi pa siya nakaka-move on kung ano man ang nakita nito at hindi na niya iyon natago pa. Masyadong halata ang kanyang kilos na para bang may kung anong nangyari bago pa pumasok si Isiah sa kanilang kwarto.
“Ah! Okay!” mabilis na sagot ni Sheena tiyaka siya ngumiti sa kanyang kaibigan lalo na noong nagsimula na siyang obserbahan ni Isiah. Napansin na niya ang pagkilatis ng mga mata ng kaibigan sa kanya na at sinusubukan niyang tingnan kung ano man ang hawak-hawak niya sa kanyang likuran, pasimple niyang inipit ito sa kanyang short pagkatapos ay tinabunan niya iyon sa suot niyang shirt. “Ligo na ako,” paalam ni Sheena kay Isiah pagkatapos ay nilagay na niya ang kanyang kamay sa harapan na kaagad namang dumako ang mata ni Isiah sa kanyang dalawang kamay na nagkumpirma na kanina pa nga siya ino-obserbahan ni Isiah.
“Paki-lock na lang paglabas mo ang pinto,” sambit ni Sheena tiyaka na siya nag martsa papasok sa banyo, mas sanay kasi siyang magbihis sa kwarto keysa sa loob ng banyo lalo na’t maliit lang ang banyo na iyon dahil baka mahulog pa sa baba ang kanyang damit at madumihan.
“Okay,” sambit ni Isiah tiyaka niya pinagmasdan ang kaibigan niya papasok sa banyo. Kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan niyang naglalakad si Sheena papasok sa banyo, tiningnan niyang mabuti ang likuran nito dahil hindi siya pwedeng magkamali na para bang may tinatago ito sa kanya.
At hindi nga siya nagkamali, kahit na nakatago na iyon sa kanyang likuran ay napansin niya pa rin na mayroong nakaipit sa kanyang short. Hindi niya tuloy maiwasan mag-isip kung ano iyon at ganon na lang ang gulat pati na rin ang takot sa mukha ni Sheena nang nadatnan niya ito sa loob ng kwarto.
Pagpasok ni Sheena sa loob ng banyo ay para siyang nakahinga ng maluwag dahil hindi na niya kailangan magpanggap at itago ang takot na nararamdaman niya. Napasandal siya sa pinto ng banyo tiyaka siya huminga ng malalim. Isa… dalawa… tatlo… tatlong sunod-sunod na paghinga ang kanyang pinakawalan dahil pigil hininga siyang naglalakad kanina papasok sa banyo. Kinakabahan na baka mahulog kung ano man ang inipit niya sa kanyang likuran.
Kinuha niya ang ID na inipit niya sa kanyang likuran para pagmasdan ang kanyang pangalan maging ang kanyang litrato doon. Hindi naman siguro magkakamali ang nagpadala sa kanya noon dahil unang-una ay nandoon ang buong pangalan niya maging ang kanyang litrato at kung ano man ang nabasa niya sa ibaba ng kanyang pangalan.
Inalala niya kung sino ang pwedeng gumawa non sa kanya, inalala niya rin kung sino man ang nakasagutan niya sa mga nakalipas na araw. Pero parang napaka-imposible naman kung ang ibang kasama niya sa trabaho o ‘di kaya ang mga kasa-kasama nila ng kanyang coach dahil paano nila nalaman na nandito siya? Yes, sinabi niya na magbabakasyon muna siya sa Batangas pero paano nila nalaman ang eksaktong address? Sa laki ng Batangas, paano nila malalaman ang eksaktong lugar kung nasaan siya? At isa pa, nasa sulok na sila ng Batangas, ilang kilometro ang susunod na bahay sa kanilang tinutuluyan. Kung hindi kabisado ang lugar na papunta dito ay maliligaw sila panigurado lalo na’t puro puno lang ang makikita mo.
Kaagad niyang pinilig ang kanyang ulo nang may pumasok sa utak niya kung sino ang pwedeng may kagagawan nito. Hindi, imposible nama. Imposible naman na ang mga kaibigan niya na kasa-kasama niya dito sa malaking bahay ang may kagagawan, hindi ba? Imposibleng ang mga kaibigan niya na kasa-kasama niya simula noong nagsisimula na siyang mamulat sa mundo, noong unang araw pa lang niya sa high school hanggang sa huling taon niya sa senior high school ay sila-sila ang kasama niya. Kaya naman imposible ang kanyang iniisip, hindi ba?
Paano magagawa ng isa sa kanilang padalhan sila ng ganon kung pamilya na ang turingan nila sa isa’t-isa? Imposible.
Inalala niya ang mga ginagawa ng kanyang mga kaibigan habang kasama niya sila, simula pa lang noong homecoming pero wala naman siyang nakitang kakaiba. Bahagya siyang natawa dahil sa naisip na para bang nasisiraan na siya ng ulo para pagbintangan niya ang kanyang mga kaibigan para gawin ang bagay na iyon. Alam niyang nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan madalas pero ganun naman ang isang pamilya, hindi ba? Tiyaka kaagad din nilang naayos na para bang wala man lang nangyari.
Because they have the strongest bond compared to the other section. So, it is impossible that one of them sent this ID card to her.
Hanggang sa matapos maligo si Brandon ay iniisip niya pa rin ang ID na nakita niya kanina. Tahimik lamang siya habang nakaupo sa kanilang kama at pinapatuyo ang basa niyang buhok gamit ang kanyang puting towel. Nakasuot na rin siya ng polo na hindi pa niya nabubutones at nakasuot na rin siya ng short.
Nakatingin lang siya sa lapag habang malalim ang kanyang iniisip. Iniisip niya kung paano nangyaring may ID na nasa loob ng kwarto. Ilang beses nang nagtitiim ang kanyang bagang habang iniisip niya ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan. Kasing lalim ng iniisip niya ang kanyang mga paghinga na kung makikita mo siya ay kaagad mong makikita na mayroon siyang problema.
Tumayo na siya dahil baka magtaka na ang kanyang kasintahan kung bakit ang tagal niyang maligo, muli niyang pinasadahan ang kanyang buhok sa kanyang towel bago niya ito nilagay sa rack na pinaglalagyan nila ng kanilang mga towel para matuyo na rin ito. Pagkatapos ay nagdesisyon na siyang bumaba na para bang walang nakita o nabasa man. Nasa bulsa niya ang kanyang wallet para hindi iyon makita ng kanyang kasintahan at maging ang kanyang mga kaibigan.
Kahit na nawewerduhan si Isiah sa reaksyon ng kanyang kaibigan ay wala na siyang magawa kung hindi ipagkibit-balikat na lamang niya iyon. Mukhang maayos naman siya at mukhang wala naman kahit anong galos sa kanyang kamay o ‘di kaya ay sugat sa kanyang katawan kaya in-assume na niya na maayos lang si Sheena, baka may iniisip lang ito kaya ganon ang kinikilos niya.
Lumapit na siya malapit sa bed side table kung saan nakatayo kanina si Sheena, napatingin siya sa lapag pero wala namang anong bakas na kakaiba roon. Pinilig niya muli ang kanyang ulo dahil baka nag-overthink lang siya sa kinikilos ng kanyang kaibigan. Kinuha na niya ang kanyang cellphone na nakalagay sa bedside table, aalis na sana siya para bumaba ang kaso nga lang ay dahil hindi maingat ang pagkakakuha ng kanyang cellphone ay may nalaglag na isang bagay.
Napataas ang kanyang kilay tiyaka siya naupo para pulutin niya iyon sa sahig. Ganon na lamang ang pagsasalubong ng kanyang kilay nang makita niya ang kanyang mukha at pangalan dito.
Licensed for Failure
Isiah Villanueva - CEO of V Construction Supply and Company
Halos bumaon ang kanyang palad sa higpit ng kanyang pagkakahawak nang mabasa niya kung ano man ang nakalagay sa ibaba ng kanyang pangalan. Pumikit siya ng mariin para makapag-isip ng mabuti kung sino man ang pwedeng may kagagawan non. Kailangan niya rin makapag-isip ng mabuti para hindi siya mapahamak o ‘di kaya ay masira ang samahan nilang magkakaibigan dahil sa kanyang pagdududa.
Sheena. Ang pangalan ng dalaga ang biglang nag-pop sa kanyang isipan. Napatingin siya sa pinto ng banyo na para bang nakikita niya ang dalaga. Siya lang ang kasama niya sa kuwarto at siya lang din ang napansin niyang kakaiba ang kinikilos kanina. Muling bumaba ang tingin niya sa ID na hawak-hawak niya.
Si Sheena ba ang naglagay kaya ganun na lamang siya kakabado kanina? At mukha siyang takot. Mukha siyang nahuli sa akto, ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit gulat na gulat ang dalaga kanina kahit na binuksan niya lang naman ang pintuan? Siya ba talaga ang naglagay ng ID na ito sa ilalim ng kanyang cellphone, may tinatago pa ba siya? Ang daming mga katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan.
At ang tanong na gusto niyang mabigyan ng kasagutan kung si Sheena man ang naglagay noon sa ilalim ng kanyang cellphone ay bakit niya naman ito gagawin? Anong kasalanan niya kay Sheena para pa-imbestigahan o ‘di kaya ay pasundan pa siya nito. Alam niyang walang makakaalam non, alam niyang malinis iyon.
Hindi nagkakaroon ng sense sa kanya kung bakit gagawin ni Sheena iyon. Muling nagtiim ang kanyang bagang sa naisip niyang rason kung bakit ganun na lang bigla ang kinilos ni Sheena. Posible rin na siya ang unang nakakita sa ID at nabasa niya kung ano man ang nakasulat doon, kaya ba ganun na lang ang takot niya? Kaya ba ganun na lang ang tingin nito sa kanya?
Huminga siya ng malalim dahil para siyang mababaliw sa dami ng katanungan na tumatakbo sa kanyang isipan. Sa huli ay kinuha na lang niya ang kanyang wallet tiyaka niya pinasok ang ID niya doon kaya muli siyang tumayo tiyaka tumingin sa banyo kung nasaan si Sheena. Nagtaka siya kung bakit wala pa siyang naririnig na pagdaloy ng tubig gayong kanina pa nasa loob ang kanyang kaibigan. Bumundol ang kaba sa dibdib niya na baka may nangyaring masama sa kanyang kaibigan kaya mabilis siyang pumunta sa tapat ng pinto ng banyo tiyaka niya ito kinatok.
“Sheena?” pagtawag niya sa kanyang kaibigan tiyaka sinundan pa niya ng tatlong magkakasunod na katok. Hindi niya maiwasan na mag-alala sa dalaga dahil sigurado siya na mayroong tao ang nasa likod ng pagpapadala ng ID na iyon.
Parang natauhan si Sheena sa pagtawag sa kanya ni Isiah pati na rin ang magkakasunod na katok nito kaya napaayos siya ng upo. Hindi niya maiwasan na mapaupo kanina habang nakasandal sa pinto dahil sa panghihina sa lahat ng naiisip niya. Kaya ganun na lamang ang gulat niya ng katukin siya ni Isiah sa kwarto.
“Maliligo na ako, bakit?” Sigaw niya mula sa loob, ayaw na niyang buksan ang pinto. Napatingin siya sa istura niya sa salamin, mukha siyang stress dahil sa dami ng mga sumasagi sa kanyang isipan kaya tama lang ang desisyon niya na huwag niyang buksan ang pinto para hindi siya makita sa ganoong ayos ng kanyang kaibigan.
“Akala ko napano ka na,” rinig niyang sambit ng kanyang kaibigan. Nakahinga ng maluwag si Isiah nang marinig niya ang boses ng kanyang kaibigan na si Sheena, sunod niyang narinig ang pagsindi ng shower kaya inurong na niya ang kanyang isang paa pagkatapos ay nagpaalam na kay Sheena. “Baba na ako, I will lock the door now.”
“Okay!” Sigaw ni Sheena galing sa loob kahit na binuksan niya lamang ang shower at nakatitig lang siya sa tubig na pumapatak dito. Binitawan niya ang ID na natanggap niya sa lababo habang dinadama niya sa kanyang palad ang patak ng shower.
Isiah. Sambit ng kanyang isipan sa pangalan ng kanyang kaibigan na lalaki. Siya lang naman ang kasama niya sa kwarto at sila lang ang naglalabas-pasok dito. Posible kayang galing sa kay Isiah ang ID? Hindi niya napansin kanina ang binata kung pumasok ba siya kanina sa kanilang kwarto dahil busy na rin siya sa pagtulong sa kanyang mga kaibigan na babae sa pag-aayos sa may pool area. Hindi na niya napansin ang iba na nasa loob ng bahay. Imposible namang may papasok na ibang kaibigan nila sa kwarto, ‘diba? They value each other's privacy too. That is why it is impossible for them to crash into each other’s room.
Bakit naman gagawin ni Isiah iyon sa kanya? Wala siyang matandaan na pinag-awayan nila ni Isiah. Maayos naman ang pakikitungo nila sa isa’t-isa, kaya bakit?