CHAPTER 32

2451 Words

Ang maraming araw na lumipas ay patuloy sa pagsibol at paglubog sa silangan at kanluran. Lumipas na ang tag-init at ang tag-lagas. Nagdaan pa ang maraming buwan. Ngunit ang mga pangyayaring naganap sa buhay ni Pyrus ay tila bangungot na parang kahapon lamang nanyari. Bagamat mag-iisang taon na buhat nang maghiwalay silang dalawa ni Malik ngunit ang kanyang pagmamahal sa lalaki ay hindi man lang nabawasan. Sa kanyang pagtulog at paggising sa bawat araw sa silid kung saan siya ikinulong ng prinsipe magpakasahanggang ngayon, ang kalungkutan at kawalan ng kanyang puso ay tila sumpang naipon sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga luha bawat gabi ang tanging karamay niya sa apat na sulok at madilim na silid ng toreng kinasadadlakan. Patuloy na umiikot ang mundo, ngunit taliwas iyon sa nadarama n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD