An: Hi. Dami po yatang silent reader nito. Click mo po yung VOTE or star bago mo basahin ha? Kahit offline ka pa click mo lang din. Salamat. Motivate me po through your comments or votes. Ang mga nagyeyelong luhang tumutulo mula sa kalangitan ay sa wakas ay hinay hinay na tumitila. Ang kadilimang dulot ng makapal na ulap ay dahan dahang itinaboy ng sikat ng araw. Ang mga niyebeng bumabalot sa buong lugar ay hinay hinay na natutunaw, hinahalikan nito ang dalampasigan ng dagat bago itinangay ng alon patungo sa karagatan ng Windsor. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagtatampong niyayakap ng mainit na kapaligiran. Isang normal na umaga para sa kaharian ng Windsor. Pagkatapos ng maraming buwang paghihintay ay dumating na rin sa wakas ang panahon ng tagsibol. Ang araw kung kailan nakatakdang

