Ang nag-iisang pag-ibig ng haring araw ay masayang tinatanglawan ang kadiliman ng gabi. Bilog na bilog ang buwan sa kalangitan sa sandaling ito. Mariing nakatitig ang dalawang pares na mga mata ni Pyrus sa kagandahang taglay na nakikita niya sa kalawakan mula sa balkonahe ng silid ng prinsipe. Ang kanyang hubad na balat ay niyayapos ng malamig na hangin dahilan upang yakapin niya ng mariin ang kanyang sarili. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang paglingkis ng mga kamay ng kamahalan sa kanya. Niyayakap siya nito mula sa kanyang likuran. Mas lalong nanginig ang kanyang mga kalamnan ng mabasa ang kanyang balat mula sa tumutulong malamig na tubig mula sa buhok ng prinsipe. Dagdagan pa na basa rin ang buong katawan nito na lumalapat sa kanyang balat. Katatapos lamang ng pagpapaligo nito sa kani

