Ang mga tala sa kalangitan ay unti-unting nagtago sa umagang iyon nang dahandahang sumikat ang haring araw sa silangan. Ang nakakabulag na sinag nito ay pumupuno sa bawat sulok ng kaharian. Ang mga bulak na ulap ay tila nahihiyang sumisilip sa kulay bughaw na kalangitan. Ang hanging habagat na nagmumula sa karagatan ay masayang humahaplos sa mga puno at isinasayaw ang mga dahon ng mga halaman. Tila isang napakamaaliwalas na araw ang pumayani sa buong lupain. Isang magandang araw para sa isang mahalagang kaganapan para sa kaharian ng Windsor. Mahalaga para sa mga dugong bughaw ang araw na iyon, ngunit sumpa para sa mga aliping nasasakupan. Dumating na ang nakatakdang araw. Ang araw na uupo sa trono bilang bagong hari ang crown prince ng Windsor. Gising na gising ang lahat ng mga taong n

