"Bigyan mo, ako ng anak. Sisiguraduhin mong lalaki ang magiging anak mo kung hindi ay papatayin ko ang sanggol," ang pagpapatuloy ng prinsipe. Pautos ang kanyang sinabi ng walang halong pag-alinlangan na tila napakadali lamang para sa kanya ang bagay na inihayag. Natigalgal muli si Pyrus dahil sa kanyang narinig. Nalaglag ang kanyang panga! Tila sandaling huminto ang kanyang utak dahil tila hindi kaya nitong iproseso ang sinambulat ng kaharap. Pilit niyang sinasabi sa kanyang isipan na mali ang kanyang naririnig mula sa mga salitang nagmumula sa loob mismo bibig ng kamahalan. Ngunit nagkakamali siya. Muling nagwika ang prinsipe," Isang prinsipe ang kailangan ko, Pyrus. Isang batang lalaki na maging susunod na hari ng Windsor. Kung babae ang magiging anak mo, mamatay siya. Nangangahuluga

