CHAPTER 15

1671 Words

Chapter 15 Hindi makapaniwala si Pyrus nang matunghayang muli ang lalaking iniibig sa bungad ng bintana kung saan nakalambitin si Malik. Sumasayaw ang blonde nitong buhok dahil sa malakas na hanging nagmumula sa labas. Ang mga asul na mga mata nitong kumikislap ay mariing nakatitig sa kanya. Nakikita niya ang unti-unting pagsilay ng isang matamis na ngiti mula sa lalaking minahal. Ang ngiting iyon, ito lang ang tanging nagbibigay sa kanya ng pag-asa upang manatiling mabuhay sa mundo sa kabila ng lahat ng pasakit mula sa kahariang kinasasadlakan. Kumakabog ang kanyang puso dahil sa labis na saya! "Pyrus." ang nakangiting bungad ni Malik sa kanya, sabay dahan-dahang tumuntong sa bintana. Maingat na bumaba ang lalaki sa sahig habang si Pyrus ay nanatiling napako sa kanyang kinatatayuan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD