Mabagsik at nakakabingi sa pandinig ang hanging tila kulang nalang ay liliparin ang kanyang katawan. Ngunit pursigido si Malik na magtungo muli sa palasyo kung saan nakakulong si Pyrus. Hindi na siya makapaghintay pa na muling mayakap at mahagkan ang lalaking mahal niya. Masyado siyang nanabik sa binata. Bagamat hindi hayagang sinasabi sa kanya ni Pyrus na mahal rin siya nito, ngunit ramdam niya na mahal din siya ng binata. Laging sumasagi sa isip niya ang paulit ulit na ginawang pagsanib ng kanilang nga maiinit na labi noong gabing patago siyang pumanhik sa toreng kinaroonan ni Pyrus. At hindi na siya makapaghintay pa na makasama muli ang lalaki ngayong gabi sa silid nito sa palasyo. Alam niyang delikado ang ginagawa niyang ito ngunit anong magagawa niya gayong punong puno ng pananabi

