Bagamat estranghero para sa prinsipe ang pakiramdam na masaya ngunit nang matanaw niya ang kanyang reyna sa labas ng selda ay naglulundag sa tuwa ang kanyang puso. Lahat ng sakit at kirot na nadarama ay tila isa isang umurong. Ang saya niya! Ang kanyang dibdib ay nagtatambol sa labis na kagalakan! Hindi niya inaasahan na masilayan muli ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Ang pagkalugod na umalingawngaw sa ilalim ng kanyang dibdib sa sandaling iyon ay kagaya noong sa simula pa lamang nang masilayan niya ito sa kagubatan ng Ekron. Mahal niya si Pyrus! Makatotohanan iyon. Kaya lang sadya siyang makasarili. Dahil sa kagustuhang maangkin ang lalaki ay hindi niya namalayan napinsala na niya ito ng lubos. Ngunit hindi niya iyon sinasadya. Uhaw ang prinsipe ng isang pagmamahal na sa simula

