CHAPTER 41 PART 2

1638 Words

Ang kanyang mga sugat sa katawan ay unti-unti na ring maghilom ngunit naroon pa rin sa maputi niyang balat ang mga bakas ng kanyang pagdurusang naranasan sa malupit na kamay ng Windsor. Bawat pagpikit ng kanyang mga mata, bagamat patuloy na humahabol sa kanya ang mga bangungot ng nakaraan ngunit ang mga yakap at halik ni Malik ang naging sandata at kalasag niya upang unti-unting mabura sa kanyang panaginip ang mga pasakit at pagdurusa na iyon. Malaya na si Pyrus. Malaya na siya mula sa mga malupit na kamay ni Trevor. Bagong buhay na ang kanyang tinatahak kasama ang lalaking tunay niyang mahal. Ito ang pinangarap niya. Natupad na sa wakas ang kanyang mga dalangin. Masaya siya! Oo! Napakasaya niya! Ngunit... Ngunit bakit parang may kulang? Bakit pakiramdam niya ay may kung anong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD