DEBORAH Kinamumuhian ko si Trevor. Oo. Hanggang ngayon ay labis labis ang aking pagkasuklam sa kanya. Hindi ko akalain na basta basta na lang niya akong sipain palayo sa landas niya gayong kapwa alam naming dalawa na kami ang nakalaan para sa isa't isa. Hindi niya pwedeng baliin ang kasunduan ni Haring Yuwan at ng aking ama na magpapakasal kaming dalawa pagsapit ng nakatakdang panahon. Alam ko naman na sa simula pa lang, ramdam ko na walang pagtangi si Prinsipe Trevor sa akin. Kahit na! Walang ibang nararapat na pakakasalan niya kundi ako lang. Ako ang nag-iisang prinsisa ng aming angkan, ibig sabihin nakatakda akong maging reyna ng Windsor. Mangyayari lang iyon, kapag papakasalan ako ng prinsipe. Anong nangyari? Nagulat na lang ako isang araw nang makatanggap si ama ng imbitasyon par

