Ano ang susunod na mangyari gayong nakapili na nga ang prinsipe ng babaeng magdadala ng tagapagmana ng Windsor? Nagdaan ang dalawang linggo at pagkatapos ng engrandeng sayawan na iyon, si Deborah, ang natatanging dugong bughaw ang napili ng prinsipe upang gawing punlaan ni Pyrus. Bakit si Pyrus gayong isa lamang siyang ordinaryong alipin? Dapat ang prinsipe ang gagawa sa bagay na iyon! Isang malaking kahibangan at pagtataksil sa sariling kaharian ang ginawa na iyon ng prinsipe! Pagkatapos ng sayawang iyon ay ipinag-uutos ng prinsipe ang pananahanan ng babae sa loob ng palasyo. Bagamat nagdadalawang linggo na ay hindi pa rin muling nasilayan ni Pyrus si Deborah, sapagkat sa bawat araw ay nanatili siyang nakakulong sa loob ng kanyang silid, sa tore kung saan siya inilagay ng prinsipe. Hi

