"KOBIE!" Boses babae. Napalayo agad kami ni Kobie sa isa't-isa at sabay na tumingin doon sa babaeng kakapasok lang. May katangkaran na halos magpantay na sila ni Kobie, maputi, ang buhok ay hanggang balikat at kulay brown ang mga mata. Halatang lumaki sa ibang bansa dahil sa accent nito. Nanatili akong nakatingin dito nang mapagtanto ko na siya ang girlfriend ni Kobie. Siya 'yong nasa kabilang linya no'n? Sa pagkakatanda ko ay may sinabi si Kobie roon na susunduin... siya ba 'yon? I bit my lower lip. My insecurities was eating me little by little. They would look good together... what was I? An extra? "Are you... Xia, Xia Valdez?" Parang nangangapa ito sa habang sinasabi ang pangalan ko. Kilala niya pala ako? Did Kobie mistakenly told her the story of us? No way. Maybe, he was jus

