s**t, ano bang ginagawa ko kanina? Nakakainis naman kasi 'yong babae! Grabe kung makatingin kay Kobie, attracted na ba agad 'yon? Tss. Ewan ko sa mga tao ngayon, ang haharot. Teka, nagseselos ba ako? No, no. It's not that. Hindi ako nagseselos. Ba't naman ako magseselos? Pwede ko rin namang tingnan 'tong mukhang paa na 'to kahit buong araw ko pang gustuhin – wait, what? Saan ba mayroong tinda pa rito ng arts and crafts? Iyon lang kasi 'yong alam ko, hindi naman kasi madalas sa mall na 'to, kung sakaling may kailangan man ay kadalasang si Mom na ang pinapabili ko. "Saan na tayo?" Inip na tanong ni Kobie sa likod ko. Saan na nga ba kami bibili niyan ngayon? Sasabihin ko bang hindi ko alam? Pero tiyak na aawayin ako nito at sasabihing kasalanan ko dahil umalis-alis pa kami roon sa isang

