Sabado na ngayon. Ngayon kami magkikita ni Kobie at gagawa ng mga visuals at iba pang kailangan para sa pagiging teacher-kuno namin. Medyo kinakabahan ako dahil makakasama ko siya ngayon, baka isang buong araw pa... at sa condo niya pa. Pero mas nangingibabaw pa rin naman ang excitement ko kaysa sa kaba. Wala namang kakaibang nangyari kahapon, okay lang din naman, as usual hindi kami nagpapansinan ni Kobie, makulit pa rin si Blake at Owen, tahimik pa rin si Wayne at si Dice ay may nililigawan na. Good for him. Isa-isa na silang nagkakaroon ng love life. Noong gabi ng Thursday, nagdinner din pala kami kasama ang mga Villarreal, syempre pinag-usapan namin iyong about sa kasal, wala naman akong imik habang nag-uusap at ganoon din si Code. Mukhang siguro na talaga siya sa desisyon niya. N

