Nakatingin lang ako sa inorder kong kape at slice ng strawberry cake. Ang awkward ng atmosphere, hindi ko makapa iyong tamang salita. Ano bang dapat gawin? Sabihin para sa intro? Siguro, mga 15 minutes na rin kami rito sa loob ng Tine's Coffee Shop. Naging national meeting place na itong shop na 'to. Maganda naman kasi ang ambiance sa loob, saka makakapag-usap naman talaga kayo ng maayos. Inayos ko ang salamin ko at inabot ang kape para sumimsim. Ako na ba ang magfi-first move? Pasimple ko siyang sinulyapan. Nang makita kong nakatingin ito sa labas, naisip ko na ako na lang siguro ang magfi-first move kaso bigla naman siyang nagsalita. "Nakuha mo na ba 'yong lessons?" He said coldly. 'Yong mga mata niya parang nababalot din ng yelo. Sa ngayon, dapat ay hindi ko muna ito isipin. Right,

