“FOUR-TIER cake, fondant finish, gumpaste flowers on top. Gusto ng bride, kamukha ng bouquet niya ang itsura ng mga bulaklak. Since package deal na naman ito, si Scarlett ang florist. Kayo na ang mag-usap tutal close din naman kayo. Oo nga pala, kausapin mo nga iyang si Scarlett. Baliw na baliw sa isang lalaki, hindi naman siya pinapansin. Baka sakali sa iyo, makinig ang luka-lukang iyon.”
“Naghahabol ng lalaki si Scarlett?”
“Oo. Iyong associate ng father niya, O’Hara daw ang last name. kaya hayun, nabaliw na. bagay daw na iyon ang mapangasawa niya para maging Scarlett O’Hara siya. You know, iyong bida sa Gone With The Wind. Teka muna pala, back to business tayo. Nagkausap na kami ni Scarlett tungkol sa itsura ng bouquet na gagawin niya. Talagang dapat kayong mag-usap. Siya na mismo ang mag-e-explain sa iyo kung ano ang itsura ng bouquet. I’ll tell her na magdala ng sketch or mismong picture,” mahabang sabi sa kanya ni Eve sa telepono.
“Four-tier cake,” ulit ni Geraldine. “Wait, puti ang icing?”
“Anong icing? Okay ka lang, Dindin? For this season, puro fondant cake ang pinapagawa ng mga wedding couples. Lumilipad yata ang isip mo?”
“No,” tanggi niya. “Naglilista nga ako, eh. Nakaligtaan ko lang iyong coating. Di ba, gumpaste flowers?”
Inulit ni Eve ang sinabi. “Okay na? Malinaw na?”
“Oo. Mahirap gawin ang mga bulaklak, Eve. Lalo na iyong request na replica nu’ng bouquet.”
“Aware na sila sa extra cost. Now tell me, ngayon lang yata nangyari na absent-minded ka?”
“Hindi, ah!”
“Magde-deny pa raw. Ano ang problema mo, Geraldine?” tila ate na arok nito.
She sighed. “Di ba, sinabi ko sa iyo nu’ng isang araw, nanahi ako ng istorya tungkol sa fiancé ko? Nu’ng gabi ring iyon, tumawag si Mamang. And before I knew it, grabe na. Grabe na ang mga pinagsasabi ko tungkol sa Matthew Beltran na iyon.”
“Tactless ka kasi,” kantiyaw sa kanya ni Eve.
“Actually, hindi iyon ang problema. May… lalaki dito sa café. Matthew ang pangalan.”
Humalakhak si Eve. “And so? Alam mo, sis, biblical name iyan at natural lang din na maraming may pangalang ganyan. Classic name iyan, eh.”
“Sis,” ganti niya. “Iyong Matthew Beltran na pangalang sinabi ko, di ba sa isang resibo ko kinuha? What if, iyon pala ang Matthew Beltran?”
“Wala akong makitang problema.”
Natahimik siya. Actually, wala nga rin naman siyang makitang problema. Ang problema niya, she was bothered. And puzzled. And confused. “Guwapo iyong Matthew dito—”
“That’s it! For the very first time, natulala ka sa isang lalaki. And let me guess, you’re wishing na iyan sana ang Matthew Beltran?”
“Yes and no.”
“Uh-oh! Parang sign na iyan ng in love.”
“Hindi ako naniniwala sa love at first sight,” pakli niya. “Well, puzzled lang ako.” Hindi na siya nag-atubili at ikunuwento kay Eve ang encounter nila ni Matthew.
“Disappointed ka kasi basta nagpasalamat lang at hindi ka niya inayang mag-coffee,” komento ni Eve.
“I shouldn’t feel that.”
“But that’s what you exactly feel.”
“S-siguro.”
“Siguro ka riyan. Maanong aminin na.”
“I’m bothered. What if siya nga si Matthew Beltran?” And she felt she was crazy. Kanina lang ay nasabi na niya ang bagay na iyon. pero iyon sa ugali niya bukod sa pagiging tactless paminsan-minsan. May tendency na maulit ang mga sinasabi na lalo at hindi pa niya iyon nahahanapan ng kasagutan.
“Kung si Matthew Beltran na inimbento mo sa pamilya mo at ang Matthew na nagkakape kamo diyan sa Sweet ay iisang tao at liligawan ka, di mabuti! Ayaw mo ba niyon, parang na-ESP mo ang isang tao na dumating sa iyo.”
“I’m confused.” At napahinga na naman. “Ah, basta! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I don’t know what I exactly feel buhat nang makaharap ko ang lalaking iyon.”
“Uy! In love si Dindin,” tudyo nito.
“I don’t think I am. And I wish I won’t kung sa lalaking iyon,” mabilis na sabi niya. Pero siya rin ang nakadama na parang nais niyang bawiin ang huling tinuran.
“Tsk! Malaki ang problema mo, Din. And I understand you. Sabi mo confused ka, puzzled and more. That’s a sign of strong attraction. And believe me, sis. Romantic Events deals with people in love. Magkakaiba ang antas, magkakaiba ang kayang ipakita sa madla.
“But love is definitely around. Sometimes it was flaring I felt I would burn. But sometimes, it was just simmering gently. And I’m very sensitive at that. And in case you’ve forgotten, I got married twice at sa magkaibang lalaki.
“The love I felt for my first husband was very different from the way I felt for Ryan. Saka magkaiba rin ang simula. Iyong sa amin ni Ramil, we have started the usual way. Attraction, ligawan, you know. Iyong sa amin ni Ryan, it’s kinda explosive. My love for him evolved in mysterious ways. Mabuti na lang si Ryan, from the very start alam na niya kung ano ang nangyayari. Oh, dear,” sambit ni Eve.
“Ano na ba ang mga sinasabi ko? Basta nauwi sa amin ng asawa ko, aabutin na tayo ng bukas! Basta ganito lang, sis, ha? Relax ka lang diyan. Para nakakita ka lang ng guwapo na Matthew ang pangalan, nataranta ka na. Marami ka pang cake na gagawin, ‘no? Baka bukas, kapag inimbitahan ka na niyang magkape, himatayin ka na?” sabi pa nito.
HINDI KA hihimatayin. Hindi ka hihimatayin.
That was Geraldine’s chant to herself nang makita si Matthew na papasok sa kanyang shop. Nagbibigay siya ng instruction kay Maita na siyang nakaupo sa kaha nang matanawan niya ito.
Nakasuot ito ng light yellow sport shirt na nakaparagan sa brown slacks. Hindi niya matandaan kung ano ang suot nito ilang araw na ang nakakaraan buhat nang makilala niya ito pero sa palagay niya ay kagaya rin ng porma nito ngayon.
Nothing special. Maliban sa kanya mismo.
At tila ngayon lang lubos na natanto ni Geraldine ang malakas na atraksyon niya sa lalaki. Nang magtagpo ang kanilang mga mata at ngumiti ito sa kanya, kulang na lang ay kiligin siya na animo high school.
“Hi, Geraldine. Good morning,” he greeted warmly, ang tila lalanggaming ngiti ay nasa mga labi pa rin. Mas matamis pa yata iyon sa sugar flower na ginagawa niya para sa isang cake na pi-pick-up-in bukas.
“Good morning,” ganti niya at gayon na lang ang tuwa niya nang mabosesan ang sariling tinig na buo at walang halong tensyon. It was a wonder dahil mukhang tama si Eve sa binitiwan nitong salita sa kanya na malamang na himatayin siya. Oh, god! Hindi pa siya nakaramdam ng ganito sa kahit na kaninong lalaki!
“I’d like a brewed coffee and ham and cheese croissant,” order nito kay Maita. “Nag-breakfast ka na, Geraldine?” baling nito uli sa kanya.
“Hindi pa.” At inisip niya kung tama nga bang naging honest siya sa isinagot niya. Baka akalain nito na gusto kong ayain niya ako?
Then she heard him saying: “Why don’t you join me?” sinserong imbita nito. “Come on, noong isang araw, nakapagkape ako dito ng libre. This time it’s my treat.”
Hindi siya makasagot agad. “Am, hindi yata tama na kumain ako sarili kong café na ibang tao ang pagbabayarin ko.”
“Oh, wala naman yatang batas tungkol doon kaya bakit hindi magiging tama?” he coaxed.
“Saka I don’t dine with my customer.”
“Then dine with me as your new friend. Okay na bang excuse iyon?” he said charmingly.
“Oo nga, ma’am, okay lang iyon,” sabad ni Maita.
Napatingin siya sa kahera. Hindi niya alam kung bibigyan niya ito ng raise o patatalsikin. At naisip niya, bibigyan na lang niya ito ng isang kahong ensaymada kapag umuwi na ito mamaya.
“On one condition,” saad niya. “On the house ang croissant at kape mo.”
Napasipol si Matthew. “Wow! Ang agang umulan ng blessings ko ngayong araw na ito. Libre na ang almusal ko, may makakasalo pa akong pretty lady.”
Hindi niya alam kung maaaliw o magtataas ng kilay? Gusto niyang mainsulto dahil hindi siya sinabihang beautiful. Pero bakit ba siya mangangarap? Dapat nga ay magpasalamat siya dahil hindi bolero si Matthew. Alam din naman niya na hanggang cute at pretty lang ang kategorya ng taglay niyang mukha.
“Sandali lang, ha?” sabi niya kay Matthew. Siya na mismo ang naghanda sa tray ng almusal. Dinagdagan niya ang order ni Matthew ng cinnamon rolls at café latte bilang drinks niya. Pero inunahan din siya ni Matthew na magbitbit ng tray. Hinintay din nitong mauna niyang tunguhin ang mesang ookupahin nila at saka ito sumunod.