Part 5

1106 Words
MATTHEW held back his grin. The body he was watching moved was definitely his weakness. Maliit na bewang at bilugang balakang, mga biyas na katamtaman lang at hindi katulad ng mga taglay ng modelo na tila walang katapusan. Geraldine was wearing capri pants, at sapat na sa kanyang masilayan ang maliit na bahagi ng binti upang isiping ang buong haba niyon ay kasing-haba at kasing-ganda rin ng nakikita ngayon. “Dito na lang tayo?” she asked. He nodded quickly at kumilos na. nang ibaba niya sa mesa ang tray ay inunahan na siya ni Geraldine na iahon ang pagkain sa tray. Tahimik nilang sinimulan ang pagkain. Sinikap niyang kunwa ay abala sa pagkain kahit na nga ba mas malaki sa atensyon niya ang disimuladong pagmamasid sa kaharap. Her eyes was innocent-looking. Ang mga kilay ay natural ang pagkakaarko. Ang ilong ay katamtaman lang ang tangos and her pink lips was neither full nor thin. Wala ring nakapahid na kosmetiko kung hindi manipis na pulbos. Ang mahabang buhok ay nakatirintas. Ang taglay na ganda ni Geraldine ay ang tipo na hindi niya pagsasawaang titigan kahit wala nang iba pang maaari siyang pagbalingan ng tingin. she head the pleasant face that was graceful and appealing. He could see how creamy and luminous her skin was. At kung pagbabatayan niya ang magkaparehong kinis ng mukha at braso nito na litaw sa eyelet sleeveless blouse, mabilis na ring mabubuo sa isipan niyang buong katawan nito ay ganoon kakinis. Humigop siya ng kape at saka tumikhim. “Bakit ngayon lang kita nakita, Geraldine? Ilang buwan na akong halos araw-araw ay laman nitong café mo.” She smiled at humigop din muna ng kape nito. When her tongue darted to her lower lip to lick a drop of liquid there he almost groaned aloud. He wished it was his tongue that did the act. And the thought was definitely erotic. Tila nakadama siya ng pagkauhaw. Ang kapeng nasa harapan niya ang pinakamabilis na solusyon bagaman hindi iyon makakasapat na tumighaw sa damdaming napukaw sa kanya. Nilagok niya iyon kahit mainit pa. Nang mapaso ang dila, maski paano ay nagkaroon ng ibang mapagbabalingan ang takbo ng isip niya. “Baka nagkakataon lang na wala ako dito kapag napupunta ka,” narinig niyang wika ni Geraldine. “Hands-on ako dito sa business ko. Siguro nasa kitchen lang ako o nasa opisina. O kaya naman, nandiyan sa kabila.” “You mean, sa iyo din ang internet rental?” “Yes,” kaswal na sagot nito. “Pero mas nakatutok ako dito sa bakeshop. Iyong internet, kayang-kaya ng assistant ko na i-supervise ang operation niyon. Pero dito sa bakeshop, ako mismo ang nagde-develop ng mga products namin. Saka minsan din, maghapon akong nasa kitchen lalo na kung may tanggap akong specialty cake. Tinatawag lang nila ako kung importante.” Ang atensyon niya ay buong-buong nakatuon sa pagsasalita ni Geraldine. Habang ina-absorb ng utak niya ang mga sinasabi nito, nakamasid naman siya sa bawat pagbuka ng mga labi nito. It was moving the most natural way pero iba ang epekto sa kanya. Every move of her lips seemed to convince him that it was delectable and inviting him to kiss them. “Sa iyo pala mismo ang credit ng lahat ng paborito ko dito?” sabi niya at mabilis na itinulak sa likod ng isip ang ibang andar niyon. Tumango ito. “May baker ako pero sa akin ang recipe. Ang talagang tinututukan kong gawin ay mga wedding cakes. Iyon din naman ang majority ng order sa akin sa cakes.” “Wedding cake,” ulit niya. “Inspired kang gumawa ng wedding cake?” She nodded again. “Doon naman talaga ako nagsimula. Itong bakeshop, parang showroom ko lang ito dati ng mga cake na ginagawa ko. Then naisip ko, sayang naman iyong puwesto. Nag-raise ako ng pera then naitayo ko na nga itong bakeshop. Tapos lucrative din naman ang internet kaya nag-venture ako uli. Pinakahuli itong café. I have the bakeshop and internet, di mag-serve na rin ng snack and drinks para mas maganda.” “Sa iyo lang ang mga business na ito? Wala kang partner?” “Wala.” And she smiled with pride. “I didn’t build these businesses overnight. Painot-inot lang. Ang malaking factor lang sa akin ay itong puwesto. Sa parents ko ito. I urged them na commercial space na lang ang ipagawa kaysa ipa-renovate ang lumang bahay. Pumayag naman kasi naisip na pera ang iaakyat ng upa ng commercial spaces. Kahit ako ang umokupa ng mga puwesto, nagbabayad din naman ako ng upa pero siyempre, mas mababa sa normal rate. Parang pang-maintenance lang din dito. Iyong itaas, iyon ang bahay ko.” “Bahay mo? Mag-isa ka lang?” “Nasa probinsya sila. My father is a vet at teacher si Mamang. Iyong younger sister ko, teller sa rural bank. Asthmatic kaya kung hindi rin lang talaga importante, hindi lumuluwas. Hindi niya kaya ang polusyon dito sa Maynila.” “You’re not married?” he asked bagaman parang alam na rin niya ang sagot doon. And he was glad. “No.” Just what I thought.  “Ilang taon ka na? If you don’t mind my asking.” “Twenty-eight. And I don’t mind your asking. Hindi naman ako kagaya ng ibang babae na ayaw nang lumagpas sa twenty-five ang isinasagot na edad kapag may nagtatanong.” “Hindi kamukhang twenty-eight. Twenty-three siguro,” sinserong sabi niya. Talaga namang mas bata itong tingnan kaysa sa sinasabi nitong edad nito. She laughed gracefully. “You flatter me.” “No. Prangka lang din akong tao. May I ask again?” “Sige. Kapag kaya kong sagutin, sasagutin ko.” “Kailan mo balak mag-asawa?” At nakita niyang ikinagulat nito ang tanong niyang iyon. “Masyado bang personal ang tanong kong iyon?’ he said in a light tone. “I don’t think so. Nagkataon lang siguro na bago lang kitang kakilala pero itinanong mo na agad ang tungkol diyan. But this not the first time. Actually, iyan ang tanong na madalas ibato sa akin pero hanggang ngayon hindi ko kayang sagutin.” He liked her answer. “Geraldine…” “Dindin. Call me Dindin. Hindi ako sanay na tinatawag sa buo kong pangalan.” “Dindin,” he obeyed at pagkuwa ay ngumiti nang maluwang. “Tama. Mas bagay sa iyo ang Dindin. A pretty name for a pretty lady. Ako, ever since I’m Matthew to everybody. Bihira ang tumatawag sa akin ng Matt. You can call me Matt if you want.” Tinitigan siya nito. “A-ano ang full name mo, Matt?” “Matthew Beltran.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD