Part 6

1307 Words
HINDI matiyak ni Geraldine kung ano ang talagang naramdaman niya—gulat, pagtataka, takot o tuwa. What a coincidence. Ang lalaking ginawan niya ng imahe sa pamilya ay hindi nalalayo ngayon sa lalaking kaharap niya. Buhay, humihinga, nakatunghay sa kanya. And he was Matthew Beltran. Tila kay rami ng emosyong nagsabay-sabay sa pagdamba sa dibdib niya. For a while, she couldn’t think. Hindi niya alam kung saan itutuon ang isip. Tila may anghel na nagdaan sa pagitan nila at napipilan silang kumibo ga-piyok man. “Something wrong?” tila gising nito sa kanya. And she wanted to laugh aloud. For some days, binagabag siya ng posibilidad na ang Matthew na nakaharap niya at ang Matthew Beltran na ginawan niya ng kuwento ay iisa. At kahit hindi siya mapakali ay hindi rin naman niya nahanapan ng paliwanag kung ano nga ba ang dapat niyang ipangamba. And now he was asking if there was something wrong? Gee, hindi rin niya alam ang sagot doon. “W-wala naman,” sa huli ay sagot niya. And she silently prayed na sana nga ay wala talagang problema. “Akala ko, may problema na naman sa pangalan ko, eh. Alam mo bang kumuha ako ng NBI clearance dati, may kapangalan pala ako at may kaso pa? Murder pa. Mabuti na lang at naayos na iyon. I didn’t expect na may kapangalan ako. Hindi naman sing-dami ng Cruz at Santos ang mga Beltran, di ba? But then, meron nga. Nandoon sa Bilibid.” “Regular customer ka na namin dito sabi mo?” “Dito sa café at pati diyan sa internet.” “Saan ka nakatira?” “Diyan lang, a few meters away.” Magkahalong residential at business district iyong lugar na iyon. Ang mga bagong building ay kumbinasyong residential at business space. Siguro, kagaya din niyang negosyante ang lalaki. Tutal ang porma nito ay kagaya rin naman ng karaniwang respetadong negosyante. “Puwedeng ako naman ang magtanong?” He grinned. “Of course. Kung prangka kang katulad ko, magkakasundo tayo. I won’t mind any question. Fire away, Din.” Din! Hindi Dindin! Sandali niyang nakalimutan ang balak itanong. Sa ilang minutong paghaharap nila sa mesang iyon ay naging kumportable siyang kausap ito. Prangka pero hindi bastos. He knew how to ask some considered personal question na hindi offensive sa tinatanong. And he was easy to talk with. Kanina pa nga niya napansin na kusa nang lumalabas sa bibig niya ang mga sagot sa tanong nito. And now he was calling her Din? Hah, parang close na sila. “ANONG gusto mong malaman? Mukhang nagdadalawang-isip kang itanong,” nakangiting wika ni Matthew sa kanya. “All right, I’ll tell something about myself. Kung hindi ka satisfied, ask later.” Before she knew it, napabungisngis na siya. “You will tell me something about yourself,” ulit niya. “Para kang aplikante. Pero sige, let me hear.” “I’m thirty-two years old, single and available. I’m neither romantically nor emotionally involve to any woman as of the moment.” He paused and rose his brow a fraction na parang gustong malaman ang reaksyon niya sa tinuran nito. It was very well said. Lalo na’t isa iyon sa mga impormasyong interesado siyang malaman tungkol dito. Pero nakakasiguro ba siya? Paano kung sanay na sanay na nga ito sa linyang iyon? But he sounded sincere. At tila dikta ng puso niya na maniwala sa tinuran nito. “You’re in doubt,” wika ni Matthew. “I’m not perfect. I have flaws. Pero hindi kasali roon ang pagiging sinungaling.” “Wala pa naman akong sinasabi pero nagdedepensa ka na,” sambit niya. “Dahil madali namang mabasa sa mukha mo ang iniisip mo. Besides, iyon namang sinabi ko ay hindi palaging pinaniniwalaan. That is, kung hindi madaling maniwala ang kausap ko.” “At hindi ako madaling maniwala?” “Let’s say you’re only cautious.” “M-malamig na ang kape mo,” iwas niya. “Gusto mo ba ng panibago?” “No, uubusin ko lang ito.” At sumulyap sa relo. “I enjoy my breakfast, Dindin. Pero mas nag-enjoy ako dahil kausap kita. I hate to leave but I have something to attend to. Kung alam ko lang na makakasalo kita sa almusal, I won’t commit this morning to anyone.” “Okay lang,” mabilis na sagot niya. “May gagawin din naman ako. I’ll bake.” “Are you free tonight?” “Bakit?” “May I invite you to dinner?” “Bakit?” He smiled. “Dalawang beses mo na akong tini-treat. This time, I want to treat you.” “May gagawin ako, eh.” “How about tomorrow night? O kaya ay sa susunod na araw?” insistent na tanong nito. Hindi niya alam kung matutuwa. “Kung may gagawin pa rin ako, you will wait until the day na hindi ako busy?” “Yes. And meanwhile, ako ang mapapadalas lalo dito sa Sweet and I hope I will see you every time possible.” “I could be somewhere else.” Ikinibit nito ang balikat. “Sabi mo, hands-on ka dito. I will see you for sure. Huwag kang mag-alala, I won’t bother you kung busy ka. Just a look at you, maligaya na ako.” “Hindi ka ba aware na corny na ang sinasabi mo? Para ka nang bolero.” “Walang corny kung totoo ang sinasabi. Saka hindi ako bolero. Ang bolero, kapatid ng sinungaling.” “Bagong kasabihan iyan, ah? Ang alam ko, magnanakaw ang kapatid ng sinungaling.” “Baka tatlo silang magkakapatid,” sagot nito at pareho na lang silang natawa. “You’re pretty, Dindin,” pagkuwa ay wika nito. “I like you.” “Hindi ko alam kung ano ang definition mo ng I like you. But I’ll take it at face value, meaning liking between new friends.”  Banayad itong tumawa. “Okay. Friends.” And he looked at her intently. “Muna.” Kunwa ay hindi niya narinig ang pahabol na salita nito. Ibinalik na niya sa tray ang tasa at platito. Ganoon din naman ang ginawa ni Matthew. “Let me,” ani Matthew. At kasabay ng pagdampot niya ng tray ay ganoon din ang ikinilos nito. Her hands were sandwich between the edge of the tray and his large, warm hands. The contact was unexpected yet so unexpectedly pleasurable. The warmth of his hands seemed to travel to her veins. At sa halip na maasiwa ay kabaligtaran pa niyon ang nadama niya. “Ako na lang,” aniya na hindi gustong ipahalata sa kaharap ang saglit niyang pagkapatda sa nangyaring iyon. “May schedule ka pa, di ba? Saka hindi naman self-bussing dito.” Ginawa pa niyang pabiro ang tono. Bumitaw si Matthew. “Sige,” aniya at humakbang na. Ibinaba lang naman niya iyon sa isang corner kung saan mayroon na siyang assistant na mag-aasikaso niyon. Pagpihit niya, mismong sa dibdib ni Matthew siya bumangga. “Sorry!” “Easy,” he said gently at hinawakan pa ang mga braso niya. Hindi siya makapagsalita. Kung kanina ay kamay lang nila ang nagkadaiti, ngayon ay mga dibdib na nila. At noon lang din niya natanto kung gaano ang pagkakalapat niyon. At malamang ay mananatiling ganoon sa mga susunod pang segundo sapagkat ang paraan ng pagkakahawak sa kanya ni Matthew ay tila upang hindi siya agad na lumayo. Her insides were doing the rumba: heart pounding, lungs heaving, stomach clenching. It felt frightening yet amazing. At pinili niyang mas tanggapin ng isip ang una kaya sinikap niyang makawala sa pagkakahawak nito. “H-hindi ko napansin na sumunod ka,” aniya kay Matt. “Gusto ko lang magpasalamat uli sa libreng almusal. And Dindin, I hope you have a free time this week. Gusto kitang imbitahang lumabas.” “T-titingnan ko.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD