Part 13

1826 Words
“I’M SORRY, babe,” wika sa kanya ni Matthew. Sa wari ay inaabangan nito talaga ang paglabas niya ng silid. Ang kuwarto niya ng ibinigay ni Nancy dito. At dahil gusto nga ni Nancy na tabi silang matulog, doon siya sa kuwarto ni Nancy. Lumabi siya dito. “Minsan naman, dahan-dahan kang magsalita,” ingos niya dito. “Sorry na. Nagkamali ako doon. Am I forgiven?” Itinaas niya ang kilay. “Okay, forgiven na kung forgiven. Basta huwag ka nang uulit.” “Dindin, ex mo siya, di ba?” Bumuntong-hininga siya. “Ex nga, Meaning, tapos na. Finis!” “Hindi ka nag-imbento ng fiancé just to save face?” “Of course not!” mariin niyang tanggi. “Nasabi ko na sa iyo, di ba? Hindi ko rin naman pinlano ito. Basta lumabas na lang sa bibig ko hanggang sa lumaki na nga.” “May LQ kayo ni Bayaw, Ate?” ani Nancy na papanhik sa apat na baitang hagdan ng bahay nila. “Kanina lang, daig ninyo pa ang bagong kasal, ah?” “Hindi, ah,” mabilis niyang sagot. “Tara na doon sa ibaba. Ia-assemble ko pa iyong stand ng cake.” Nang bumaling siya kay Matthew ay nasa mukha na rin niya ang lambing. “Matt, kung gusto mo magpahinga ka na lang muna. Tatawagin na lang kita kapag nandiyan na sina Papang. Hayaan mong kami na lang ni Nancy ang magtulong sa pag-aayos nu’ng cake. Matagal ka ring nag-drive.” At bago pa nakasagot si Matthew ay tumingkayad pa siya ng kaunti at hinalikan ito sa sulok ng bibig. “Sa ibaba lang kami.” “Ang sweet ninyo, Ate. Grabe!” kilig na kilig na wika ni Nancy nang humakbang na sila. Sa pagliko nila, nakita niyang hindi pa tumitinag si Matthew. She just smiled at him at ibinuhos na rin niya ang atensyon sa kapatid na matagal rin niyang na-miss. FLOATING ang estilo ng cake na ginawa niya para kay Nancy. Hangga’t hindi pa niya iyon naiaayos sa table sa reception ay hindi pa iyon talaga tapos. Mamaya pa ang final touch doon kapag dinala nila sa restaurant na venue ng reception. Nagbilin na lang sila sa kasama sa bahay na huwag gagalawin iyon. “Ate, doon tayo sa terrace. Tingnan mo ang mga cactus ni Mamang doon, grabe ang dami. At puro collector’s item, ha?” Patungo na sila doon nang may matanaw ito. “Brem! Join us.” Nginitian din naman niya ang lalaki. Galing ito sa restaurant upang tiyakin ang preparasyon doon. Mabilis itong nakalapit at tila awtomatiko na rin ang paghalik kay Nancy. “Nasaan ang fiancé mo?” baling nito sa kanya. “Nasa itaas. Pinagpahinga ko muna. Mahaba rin ang biyahe, eh,” “Ate, kayo muna ang magkuwentuhan tutal kayo ang halos magkasingtanda. Kabisado ko na ito, eh. Tiyak, magpapatimpla ito ng kape. Ikaw, ‘Te, gusto mo rin bang kape?” “Ayoko. Mamaya na lang after dinner.” Nang maiwan sila ni Nancy ay ilang sandali ring namagitan ang katahimikan sa pagitan nila ng lalaki. “I’m sorry, Dindin,” wika nito na siyang unang kumibo. “Sorry sa nakaraan natin?” tugon niya. Banayad itong tumango. “Alam kong nasaktan kita. Kaya lang iyon ang kailangan kong gawin noon. Ayokong iwan ka na umaasa. Kung hindi kita magagawang balikan, mas masasaktan kita.” “Bremond, huwag na nating pag-usapan,” malumanay na sabi niya. “Nakaraan na iyon. Totoo, nasaktan ako pero naka-recover na ako.” “Noong umuwi ako, ikaw ang una kong hinanap. Ang balak ko, humingi ng tawad sa iyo at manghingi ng isa pang pagkakataon. But I saw Nancy. Iyong batang makulit noon, dalagang-dalaga na pala.” Napangiti ito. “Mahal ko ang kapatid mo, Dindin.” Napangiti na rin siya. “Kaya nga huwag na nating pag-usapan ang nakaraan, Bremond. Kayo na ni Nancy ngayon. At masaya ako para sa inyong dalawa. Come to think of it, naging daan pa nga iyon para mahanap ko talaga ang gusto kong gawin.” “Si Matthew?” tudyo nito. “Iba naman siya. Ang ibig kong sabihin, iyong business ko. Siguro kung hindi ako nasaktan noon at umalis, hindi malayong pagiging empleyada rin ang naging buhay ko.” “Oo nga pala, ipinagmamalaki sa akin palagi ni Nancy ang mga cake mo. Talaga bang masarap? Baka mamaya bukas, kapag nagsubuan kami ng cake, makalimutan ko na ang iba pang wedding rituals sa sobrang sarap!” Napahalakhak siya. Sa birong iyon ni Bremond, alam niyang napalis na rin ang pangambang nasa mukha nito. Nakabuti ang pag-uusap nilang iyon. “Dindin.” Ang seryosong anyo ni Matthew ang nalingunan niya. “Matt!” Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi na bumaling siya dito. “Akala ko’y namamahinga ka? Nainip ka siguro. Tara, join us.” “May problema doon sa closet, eh. Ayaw bumukas doon sa susi na ibinigay ni Nancy kanina.” Seryoso din ang tinig nito. “Iyon lang ba?” Mabilis siyang lumingon kay Bremond. “Paki-sabi na lang kay Nancy, pumanhik kami.” “Sige, pare,” matabang namang paalam ni Matthew bago siya nito hinila. “NABUBUKSAN naman, ah?” wika ni Geraldine nang sinubukan niyang pihitin ang susi. “Nasaan ba iyong damit na isasabit mo?” “Akala ko ba, aayusin ninyo ni Nancy iyong cake? Bakit iyong lalaking iyon ang kasama mo?” sa halip ay sagot nito. Tiningnan niya ito at nasulyapan din ang mga damit nito na nakalatag na sa kama. “Hindi pa naman agad matatapos iyong cake kasi may style pa iyon. Mamayang gabi, kapag dinala iyon sa restaurant ay saka pa lang iyon matatapos ayusin.” Habang nagsasalita ay inaayos na rin niya sa closet ang damit nito. She realized how intimate it was. Inaayos niya ang damit ni Matthew na tila ba mag-asawa sila. Napangiti siya. “Pagkatapos ng hapunan daw dadalhin sa restaurant iyong cake. Malapit lang naman iyon dito. Mga ten minutes drive. Ano, sasama ka?” tanong niya dito. “Alangan namang magpaiwan ako dito?” pabalang na sagot nito. “Matthew!” Kumunot ang noo niya. Kanina pa niya napapansin na ang kilos nito ngayon ay walang ipinag-iba sa pagiging short-tempered nito kapag nasa teatro. At nakadarama na rin siya ng iritasyon. Maaari ngang nagpapanggap sila pero wala sila sa teatro? O baka naman basta pag-arte ang pinag-uusapan ay likas talaga itong perfectionist? “Bakit ka ganyan? Kung maririnig ka nila—” “Guguho ang ilusyon nila na magalang ako. Na bugnutin pala ako at wala sa katwiran,” patuyang sabi nito. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Dindin. Bakit ang lalaking iyon ang kasama mo? Akala ko ba, tapos na ang nakaraan ninyo? Ang sarap ng tawanan ninyo, ah.” Mas matindi ang sarkasmo sa tono nito. “Nagseselos ka ba?” mataas ang tinig na tanong niya. “Natural lang iyon! Fiancé mo ako!” Mas mababa sa tinig niya ang sagot nito pero mas mariin naman. “We’re just pretending! Alam nating pareho na hindi totoong engaged tayo. Don’t overdo it.”   “Oh, yeah?” he sneered. “This, I want to overdo this.” His mouth came crashing down on hers. The contact was brutal and punishing. Isang ungol ng pagtutol ang umugong sa lalamunan niya subalit walang pag-asa na makakaalpas sa mga labi niya ang tunog na iyon. Walang epekto kay Matthew kahit ang pagpipiglas niya. Sa isang kilos ay nagawa nitong pigilan ang nagwawala niyang mga kamay habang patuloy naman sa tila pananalasa ang bibig nito sa kanya. She felt the probing of his tongue against her lips. He thrust its way into her mouth just like an angry, ravishing intruder. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hindi na nagtangka pang lumaban. She gave in to his doings pero gumiti rin ang luha sa sulok ng mga mata niya. “Oh, God!” he groaned. “Dindin.” Umakyat ang isang kamay nito at hinaplos ang kanyang mukha. Nang magmulat siya ng mata ay lalo pang dumaloy ang kanyang mga luha. “Oh, damn. I’m…” “Sorry?” malungkot niyang wika at tila walang lakas na pinalis ang kamay nito. “Pang-ilang beses na iyan sa pagitan lang nang wala pa yatang isang oras?” Napailing siya. “P-parang gusto kong magsisi na tinanggap ko ang alok mo, Matthew. Siguro, mas mabuti pang mag-isa na lang akong nagtungo dito at—” “Totoong nagseselos ako,” mahina ang tinig na agaw nito. Isang mabilis na paghinga ang ginawa nito at saka siya tinitigan. “I want you so much, Dindin. Paparating pa lang tayo ay nakita ko na kung paano mo titigan ang mapapangasawa ng kapatid mo. And I raged inside dahil sa nakikita ko. Hindi ako makapaniwala na gagamitin mo ako sa lalaking iyon.” “Hindi totoo iyan!” gilalas na wika niya at parang nilipad ang sama ng loob dito. Hindi niya tiyak kung ang pag-amin nito na nagseselos o ang pag-akusa sa kanya ng panggagamit ang nakapagpataas sa tinig niya. Pero naisip niyang ginagamit din naman nga niya itong talaga. “S-sinabi ko na sa iyo kanina, he’s just a part of the past. Past!” “I’m deeply sorry, babe,” he whispered. Tumaas uli ang kamay nito sa kanya at dinama ng isang daliri ang mga labi niyang ngayon lang niya namalayang namamaga dahil sa bruskong paghalik nito. “Hindi kita ginagamit dahil lang sa isang lalaki, Matthew,” she quivered. “Mababaw nga lang siguro ang dahilan ko dahil nagsinungaling ako sa kanila at nag-imbento ako ng fiancé pero hindi ko iyon ginawa para lang kay Bremond. Si Nancy na ang mahal niya. At nakikita ko naman iyon. Kung… kung ngayon pa lang ay hindi mo na kaya ang palabas na ito, iwan mo na ako. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Madali na lang sigurong sabihin na may importante kang tawag sa Maynila at maniniwala na sila dahil na nakilala ka na naman ni Nancy at Bremond. Kaya ko nang maka-survive hanggang bukas. At itong singsing, d-dalhin mo na rin,” she sobbed. Alam naman niya kung bakit hirap na hirap ang kalooban niya na sabihin ang mga salitang iyon. She was hurt. At talagang nakakasakit sa kanya na kahit ang katuparan ng ilusyon niya sa halos dalawang araw na pagpapanggap ay hindi rin pala mangyayari. “Shut up, babe,” he hissed softly. “Ano ba ang sinasabi mo? I won’t leave you.” Masuyo siya nitong kinabig at saka niyakap. “Sabay tayong dumating dito, sabay din tayong uuwi. The show will go on.” Napaiyak pa siya lalo. At hindi na rin niya maintindihan kung ano ba talaga ang dahilan ng luhang iyon. She wanted to be in his arms. It felt good to be locked in his embrace. Kung sana ay hindi hanggang sa palabas lang ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD