Nang matapos ang araw ay agad akong lumabas ng school, mula kanina ay hindi na muna ako nag pakita kay Phergon dahil sa kahihiyan ni hindi nga ako kumain eh.
"Here she is!" Kilala ko ang boses na yon, gusto ko mang hanapin kung saan nanggagaling yon pero umaangat ang gutom ko kaya binalewala ko na yon nang may humila sa akin.
"Ano, uuwi ka nalang nang hindi hinaharap ang kasalanan mo?" Sabi ko na nga ba eh, kaibigan ni Phergon ang narinig ko at siya rin itong humila sa akin.
"Gusto mo bang makabawi sa ginawa mo?"
Kumunot ang noo ko kay Phergon dahil ibig bang sabihin nito ay hindi na siya galit pa sa akin? Nawala ang naramdaman kong gutom at umukit nanaman sa mukha ko ang saya, kilig at kung ano pang positive na pwedeng maramdaman.
"Pero hindi nga sa akin galing--"
"Whether it's you or not kasalanan mo pa rin because you're the one who gave it to me right?" May point nga siya.
Sumang-ayon nalang ako.
"So paano ako makakabawi--"
"We have a night party kasi, i want you to be my partner and if it's okay with you it's my--"
"Y-yeah! Okay lang sa akin, okay lang ba nakapants?--"
"Duh, pants? You're so cheap, ipapahiya mo ba ang kaibigan namin?" Sulsolero talaga ang kaibigan niyang palaka, ang sarap pasabugin yung mukha.
"Fine, is there a theme ba? Color theme--"
"White tayong dalawa, and i don't care if you gonna wear a manang outfit or a cosplay. The important is you."
Sobra sobra na ang pagpapakilig niya sa akin, after ng date este ng party mamaya pwede na ako mamatay, it's my dream to be with him. (^^)
"Let's go."
Umalis na sila at naiwan akong mag isa rito sa ground, this time, feeling ko na sa akin lang umiikot ang mundo, worth it ang pag hihintay ko.
Parang dati lang nahihirapan akong lapitan siya pero ngayon, feeling ko magiging asawa ko na siya. Nahanap ko na ata ang meant to be kooooo--- ackkk, naubo ako after parang may bumara sa lalamunan ko. Partida, nag iisip lang ako pero in real life nabilaukan ako.
Umuwi na agad ako, pero bago ako tuluyang makatungtong sa bahay ay nakakita ako ng mga sexy dress kaya naman binili ko lahat at napasobra ata ako. Dumating ako sa bahay na halos puno ng paper bag ang kamay ko.
"We always scolded by her but look, she almost bought the whole store." Kontrabida talaga ng buhay ko ang kuya ko, nakaabang silang dalawa ni bunso sa akin sa pinto.
"Hehe, bunso." Since, tinext na ako ni Phergon kung anong oras ang party and malapit na ang oras na yon ay hihingi na ako ng tulong sa kapatid ko.
"What ist it? Are you gonna ask me a favor for your date?" Halatang pabiro lang niyang sabi pero tumango ako at nung una dineadma lang niya ang sagot ko pero biglang nanlaki ang mga mata niya at pinagsisisilip ang paper bags na dala ko.
"Kuya, babae na ba si ate? And look, hindi na pang manang ang damit na binili niya--"
"Alam ko bunso, kita ko sa logo ng paper bags." Kumakain lang si kuya habang pinagmamasdan si bunso na silipin ang mga bitbit ko.
Ano ba kasing manang sa pants ang laging suot? Buti kung nakabistida ako.
"So ano bunso, tutulungam mo ba ako?"
Wala pang dalawang segundo nakangangang tumango ang kapatid ko. Tinulungan na rin niya akong buhatin ang mga ito at nang madaananan ko si kuya at mapansin ang kinakain niya umatras ako pabalik para harapin siya.
"Bakit, gusto mo ba?" At inalok pa ako ng kupal.
Nag aabang ako ng sunod niyang sasabihin at plastic itong tumawa. "Ano ka ba, minsan na lang ako makakakin ng burger."
"Burger?" Quinestion ko pa ang sinabi niya dahil hindi lang basta basta burger ang kinakain niya.
"Fine,Lusso's Demi Pound Burger, alam mo bang masarap ito, hindi ka talaga mag sisising bumili dahil worth it ang price tapos.......yon lang. Hehe." Prinomote pa talaga ang burger na yan sa akin as if namang may pake ako.
"Kuya, alam mo bang worth 1k or 2k ang burger na yan..."
"Jeorin." Nag pout ang mukhang kutong lupa sa akin.
Huminga akong malalim at ningitian siya. "Okay, i will consider this tonight but ihatid mo ako sa--"
"Antok na ako, may kotse ka at gamitin mo yon." Itulak ba naman ang mukha ko at mabilis na umakyat sa kwarto niya.
Wala talaga akong aasahan sa kuya ko, ni hindi man lang nag aalala na baka may mangyari sa akin.
Nag tungo agad ako sa kwarto at niready na pala lahat ni Qin ang lahat ng gamit na kailangan ko.
"Are you ready ate?" Hawak ni Qin ang pang kulot ng buhok at naglalarong kilay ako nitong tinanong.
Gosh, hinatak niya agad ako paupo at nag simula na akong ayusan.
30 minutes lang ang naconsume namin at sobrang expose ng dress na pinasuot niya sa akin.
"Qin, ganito talaga ipasusuot mo sa akin?" Reklamo ko habang tinatakpam ang likod, braso, hita at kung ano pang balat na hindi ako sanay na pinapakita ko.
"Ate, remember this.... It's your fault dahil you bought it, it's your choice." Tama siya, kasalanan ko nga kaya wala akong karapatan mag reklamo.
Hays, ba't ba kasi may pacleavage ito eh, pero infairness ang ganda ko.
"Bigla atang lumakas ang hangin ate, isara ko lang yung bintana mo."
Grabi naman si papaG. Pinahanginan pa kami rito, hmmff.
"Hoy Jeorin, may nag hahanap sayo!!!" Sigaw ni kuya mula sa baba.
"Oo nga ate, may kotse sa tapat."
Sino kaya yon, agad akong bumaba at pagsilip ko sa pintuan ay si Eilgo ito.
"S-sir.. i mean Eilgo, a-anong ginagawa mo rito?" Nahiya ako bigla dahil sa suot ko kaya naman kinuha ko yung towel sa gilid at tinakpan yung cleavage ko. Natawa pa siya sa ginawa ko.
"I-it's not like what you think, ano lang kasi ahm nahihiya--"
"No, naiintindihan ko Jeorin, the reason why i am here because i just wanted to invite you for dinner pero mukhang may lakad ka at gusto kong sabihin na katapat niyo lang ako." Nakaturo siya sa katapat ng bahay namin, ibig ba niyang sabihin dito niya napiling place na tumira? Pero why? Marami kayang bahay na malapit sa school kaya--- never mind.
"Sir ng ate ko, may pagkain po ba sa bahay niyo?" Biglang sumingit dito si bunso at mukhang susunod pa si kuya.
"May masarap ba at mahal?"
Aish, magkapatid nga talaga sila.
"Kuya, bunso, gusto niyo bang istorbohin ko sina mama at papa sa trabaho nila?" Tamang tama lang pala na ginamit ko ang panakot na yon dahil nag sspy ang parents namin sa ganitong oras eh.
Kulang nalang ay isumpa nila ako sa titig nila sa sobrang inis.
"No, it's okay Jeorin, si mom kasi nag padala ng mga foods from her restaurant." Mukhang may bago nang kakampi ang mga kumag kong kapatid.
I have no choice kundi ang plastic na ngitian ang mga kapatid ko dahil sabi nila, bawal daw tanggihan ang blessings lalo na ang pagkain.
"Kung gayo'y maiiwan ko na kayo--"
"Gusto mo bang ihatid na kita Jeorin?" Pag alok nanaman ni Eilgo.
"No, i can handle my self. Just.. Update mo ako kapag may kabalastugan na gagawin ang dalawa." Lumabas na ako at kita ko mula sa labas na nakasunod lang sila ng tingin sa akin.
Yung towel nasa dibdib ko pa pala, hinagis ko ito sa loob na agad na nasalo ni kuya at tuluyan na akong nakalayo sa bahay.
"Manong, alam niyo po ba kung saan ito?" Pinakita ko pa ang picture ng labas ng venue na sinend sa akin ni Phergon at tumango naman si manong, isang kanto nalang pala at makakarating na ako. "Salamat po."
Lumalakas ang kabog ng dibdib ko dahil tatlong hakbang nalang ay nandon na ako.
Here we go, rinig ko na yung malakas nilang tugtugan sa loob at nang bubuksan ko na ang maliit na pinto rito ay may kung sino ang kararating lang din na lalaki at sumabay ito sa akin pero pinauna ko siya dahil naiilang ako.
Sobrang dilim din ng entrance.
"Sige na, mauna ka na kuya." Tumabi talaga ako para paraanin siya pero nakastop lang din talaga siya, since wala na siyang balak na mauna ay ako nalang ang mauuna.... Nang hampasin niya yung pwet ko.
"Ang laki niyan, eh yung sa harap? Pwedeng--"
Dahil sa takot ay nasapak ko sa mukha ang lalaking ito. Hindi ko alam na ang haba pala ng entrance bago tuluyang makapasok sa loob, hinahabol niya ako, sumigaw man ako nang napakalakas ay walang makakarinig sa akin dahil malakas ang tugtugan sa loob.
"Why are you running away from me?"
Gasp.
Napigilan niya ako sa pag takbo at saka mahigpit na hinawakan sa pala-pulsuhan ko.
He pushed mo padikit sa pader at nang maididikit na niya ang labi niya sa leeg ko ay binayagan ko siya pero malakas siya kaya kahit nasaktan siya ay nahila pa rin niya ako at sinuntok sa tiyan.
"Manyakis kang lalaki ka! B-b-bitawan mo ako!" Pilit akong pumapalag pero nanghina na talaga ako nang suntukin niya ako sa sikmura for the second time.
"Galingan mo bro ha." Someone's come here at nag vivideo ito.
"Tanggalin niyo yan, kung ayaw niyong pagsisihan itong ginagawa niyo sa akin!"
Mas nagulat ako nang punitin ng lalaking ito ang telang suot ko sa bandang hita ko kaya kitang kita na ang underwear ko at muntik na niyang mahawakan ang private part ko buti na lamang ay dala ko palagi ang ibinigay ni mama sa akin na spray.
Protection yon na meron kaming magkakapatid.
Pati yung nag vivideo ay inisprayan ko na rin saka hinubad ang sandals ko at tumakbo palabas.
"Bumalik ka rito babae! Hindi pa tayo tapos!"
Bago pa niya ako mahabol ulit ay mas binilisan ko ang takbo ko nang maaninag ko na ang pintuan na siyang lalong nag papaasam sa akin na makalabas untill...
Paiyak akong bumagsak na lumabas, tumayo agad ako at si Phergon....
Nakita niya ako pero wala man lang gulat ang siyang umukit sa mukha niya, wala na akong pakealam pa kung hubad hubad na ako ngayon ang importante ay makauwi ako.
Nag hahanap ako ng taxing masasakyan but thanks to god dahil may isang sasakyan ang huminto sa harap ko at nang ibaba nito ang bintana ng kotse ay si Eilgo ang nakita ko.
"Sumakay ka na." Aniya kaya naman sumakay na agad ako.