APAT

2034 Words
♠VRIBON♠ "Kuya, anong oras na ba't hindi pa rin bumababa ang kaibigan ko?" Kanina pa ako rito sa baba, sinubukan ko na rin siyang akyatin pero sarado yung pinto ng kwarto niya kaya i have no choice to stay here and wait for her. "Malay ko, tanong mo sa kaniya." Si kuya talaga puro online games ang inaatupag ni hindi man lang nag aalala sa kapatid. "Aish, nasaan ang susi ng kwarto niya kuya at sapilitan kong bubuksan--" "Nasa kaniya, kinuha niya yon kagabi habang nakapatay lahat ng ilaw." Medyo nakatunog na ako, ano kayang magandang gawin. "Kuya, sino ang huling kasama niya kahapon, kagabi or basta.." lumapit ako sa pwesto ni kuya para mag hintay ng sagot pero halos tanggalin na niya ang ulo sa sobrang lakas niya kumamot. "Bwisit Vribon! Defeat tuloy!" Hinagis niya yung selpon palabas ng bahay dahil sa inis. "Edi kung ayaw mo akong tulungan sa broken kong kaibigan edi--" "Broken? Sinong broken? Si Qin ba or si Jeorin? Pero mas mataas ang chance na mabroken si Qin kaysa sa kapatid kong si--" natatawa-tawa pa siyang pag isipan ng gano'n yung kaibigan ko, kumuha ako ng brief niya na nakalapag lang sa tabi at pinasok yon sa bunganga niya. "What a stupid brother." Mag wawalkout na sana ako nang mahawakan niya ako sa wrist para pigilan. "Sasama ako, hindi ako papayag na may manakit sa kapatid ko." Sa wakas at naramdaman ko na ang pagiging kuya niya. "Yeah, i think i need you. Kanina kasi napadaan ako sa school and then may grupo ro'n ng mga lalaki na nag tatawanan at narinig ko yung pangalan ng bestfriend ko pero ang kasalanan ko ay hindi ko inalam kung why nila pinag-uusapan ang kapatid mo." Sumulyap ako sa hagdan bago punitin ang telang nakuha ko nalang kung saan. "Umalis si Jeorin kagabi dahil may date ata siya sa.... Ano nga ulit pangalan--" "Phergon." Ani ko. "Ah oo Phergon, pero nung sinabi kong sundan ni Eilgo ang kapatid ko ay sumunod naman ito tapos bago kami nakapasok sa bahay ni Eilgo ay nagulat nalang akong bumalik agad siya rito with Jeorin." Tumayo na si kuya at kinuha yung susi ng kotse niya. "Mukhang nakuha ko na." Lumabas na ako sa bahay nila pero bago yon ay napansin kong hawak-hawak ko pa pala yung telang pinunit ko kanina at shongak, damit ni kuya ito kaya bago pa siya makalabas ay itinapon ko sa basurahan yung napunit ko. "Tara na, gagamitin ko kotse ko." Magkahiwalay kami ni kuya na pumunta sa school namin ni Jeorin at nang makarating kami ay nakita ko agad ang unang papatayin ko. Nakita kong nakababa na rin si kuya sa kotse niya kaya nag lakad na ako towards on this guy. "Mr. Fek na makapal ang mukha, how are you." Pameke kong bati sa lalaking alam kong may tunay na kasalanan sa kaibigan ko, ang sasaya pa nilang nag kekwentuhan dito ha. "Yes, you are--" "Bestfriend of Jeorin na alam kong binastos mo kagabi, i checked your backround and ilang beses ka palang naireklamo sa head ng school dahil sa pag mamanyak mo sa iilang babae." With my tablet, hinampas ko sa ulo niya ito na nakalagay sa backround niya ang screen ko. "Hangal--" "Sinong hangal?" Sinalo ni kuya Ghorn yung kamay ni Fek na tatama sana sa ulo ko. "At sino naman ito? Butler mo--" "Do i look butler to you? Anak ako ng assassin baka gusto mong--" Kinurot ko sa tagiliran si kuya dahil chismoso kaya yang kaharap niya at baka kumalat sa buong school ang kasinungalingan niya. "Kuya, spy ang parents mo at hindi assassin." Bulong ko lang dahil bawal may ibang makaalam nun. "Diba parang ganun na rin--" "Ewan ko sayo kuya, paniniwala mo lang yan. Balian mo na nga ng buto yan at nang maka punta na tayo sa next target." Tinulak ko siya dahilan para masubsob sa dibdib niya si Fek at nag simula na silang mag kagulo rito. Hindi nila alam na magaling sa karate at Taekwondo ang kuya ni Jeorin kaya ayan, anim silang nakahilata sa lupa. "Hindi mo naman sila binalian--" "Of course, mga daliri lang hehe." Pinatunog niya ang mga daliri niya sabay akbay sa akin. "Where and who's the our next target?" Singhay muna sabay turo using may lips si Phergon na naglalakad papasok sa building with his friends. "Oh Vribon." Bati ng kupal kong ex na si Dein na kaibigan ni Phergon. I didn't mind him, what a brat. "What did you do to Jeorin?" Cold kong tanong kay Phergon but hindi man lang siya nag abalang tingnan ako. "I didn't do anything to her so what is this for?" Kung cold akong nag tanong sa kaniya mas may ikacocold pa siya sa akin. Nasa Philippines kami pero ang lamig dito, dinaig pa ang lamig sa Antartica. "I know you knew what happened, don't act like an innocent, sabi ko na nga bang hindi ka makakapagkatiwalaan like my ex." Sa sinabi ko ay napasinghal si Dein. "So ano Vribon, kakatayin na ba natin--" "No kuya, we're wasting our time." "Yeah, wala rin akong balak sirain ang mukha niya, gwapo kasi." Dagdag pasakit talaga ito si kuya Ghron, hinila ko na si kuya papasok sa building pero napatigil ako nang maisip yung nasa labi ni Phergon na nakita ko kanina so hinarap ko sila nang nakatayo lang rito sa pinaghintuan namin. "Kung sino man yang may gawa niyan, thanks to him or her, kulang pa yan." Nag patuloy na kami ni kuya, yung lalaking yon lagi ko nalang nakikitang may pasa o putok ang labi, siguro nambababae yon pero patago tapos yung pinapatulan niya ay may mga jowa na kaya ayan, napapaaway. "Saan na tayo pupunta Vribon?" Nakarating na kami sa kanina ko pa gustong puntahan.... Ang classroom ni Jeorin. "Kuya, siguraduhin mo na walang makakalabas dito ha, it's my chance na turuan ng leksiyon ang mga nang-api sa kaibigan ko rito sa section na'to." Sa kabilang pinto ako pumasok dahil nasa kabila naman na si kuya at para masiguro na walang makakalabas dito. Sakto lang din dahil lahat ng mga babaeng lapastangan na kinawawa ang kaibigan ko ay nandito. "Oh Vribon-- what's wrong with you!!!" Nagalit ang class president nila nang sapakin ko siya sa mukha. "Ay sorry, akala ko kasi kaya kong butasin ng kamao ko yung coloring book." "What the.." mas lalo siyang nagalit sa narinig. "Ay bakit?.." hinawakan ko yung face niya sabay kunwari na napaso ako. "Awts, mas makapal pa sa mantle ang makeup mo, teka, kuya!!.." masaya kong tinawag si kuya at kinawaykawayan pa ito habang nakakunot noo siyang tingnan ako. "Purihin mo ako! Nakahawak ako ng mantleeeee!" "Baliw." Rinig kong sabi ni kuya na abot hanggang dito, tsk, di man lang marunong sumakay. "How dare--"sinampal ko ang bibig ng president na'to dahil hindi pa ako tapos. "Kung napapaganda ng makeup yung mukha mo.... Kaya rin bang pagandahin niyan yung ugali mo?" I Smiled bago siya patulugin. Nag mana ata ako sa dad ko. After ko ro'n sa president ng section na'to ay inisa-isa ko na lahat ng mga babaeng paulit-ulit na kinakawawa ang kaibigan ko hanggang sa natapos na ako. "Opps, napasobra ata ako." Lahat sila napatulog ko, nabukulan at nalagyan ko ng pasa sa mukha ang iilan. Pag lingon ko sa pwesto ni kuya ay nakita ko ang mga lalaking kaklase ni Jeorin na nanonood pala sa akin mula sa labas. "Woy, tara na, baka mayari tayo niyan." Pagpapalapit sa akin ni kuya sa kaniya pero umupo muna ako da table. "Kuya, papasukin mo nga sila.." utos ko na agad niyang sinunod. "A-anong ginawa mo.." "Bakit ganiyan.." "Vribon.." "I can't believe.." "What on Earth..." Nag sign ako na tumahimik silang lahat at tumahimik naman sila agad. "Shhhhh! Hindi niyo naman ako ituturo diba?" Tanong ko sa kanila na may konting panakot na tono, tumango agad silang lahat. "Kung gayo'y nagkakaintindihan naman pala tayo soooo... Aalis na ako, tara na kuya." Ako lang ata ang masaya sa nangyari, si kuya na kasama ko palabas ay kanina pa tinatakpan yung mukha niya na parang nahihiyang kasama ako. Bahala nga siya, mauuna na ako. ** FLASHBACK 3 Months later THIRD PERSON POV. bigla dahil nandoon na ang kaibigan sa harap ni Phergon. "Tanga talagang babae." Facepalm na ani Vrib. "Ahm, Phergon..." "Dein, Hasni, kausapin niyo nga yan." Iniwasan agad ni Phergon si Jeorin at hindi pinagkaabalahang tingnan. "Pero Phergon, ikaw ang pinuntahan--" "Tara na guys." Iniwan na lang bigla ng binata si Jeorin at tinap lang ng mga kaibigan nito si Jeorin bago sumunod kay Phergon ang mga ito. Si Vribon naman ay nag madaling lapitan ang kaibigan. "Bestfriend, sabi ko naman sayo, mapili sa babae yon at isa pa, uniform na nga lang ang nag iisang mag papaganda sa atin dito sa school e pang manang ka pa manuot, look at your self, ano yan, daster?" Singhal nito sa kaibigan na bigla na lamang ngumiti. "Nako, Jeorin, alam ko na ang ngiti mong yan." "Hindi ako susuko dahil gusto ko.... siya ang sumuko sa katataboy sa akin." Parang killer kung makangisi si Jeorin. Next next next day. "Magugustuhan siguro ni Phergon ito." Maraming niluto si Jeorin para sa lalaking iniibig nito at dahil kanina pa siya nakikita ng kuya na nasa kusina nila ay nilapitan na siya nito. "Baon ba namin ni Qin yan? Pwedeng patikim--" "Kuya, subukan mo lang hawakan ang alin man dito... Hindi ka na makakalabas ng buhay rito sa bahay." Sinindak nito ang kuya niya na mabilis lumayo at umakyat sa kwarto. School* "Saan ba maganda ilagay ito, sa upuan or sa table? Pero baka kasi maupuan niya--- omo omo nandiyan na ang mga kaklase niya." Nang marinig na niya ang boses ng mga kaklase ni Phergon na papalapit na sa classroom ay nailapag na niya sa upuan ni Phergon ang pagkain at nag madaling lumabas sa room. "Hoy Jeorin, doon yung classroom mo kaya ba't nandito ka?" Pag salubong ni Vribon sa kaniya sa hallway. "Eh kasi.... Maya na tayo mag usap Vribon, salubungin ko lang si Phergon."agad na Iniwan ni Jeorin si Vrib at sinalubong sa hallway ang crush nitong nag lalakad kasama ang mga tropa. "Bro, si Jeorin--" "Pwede ba! Naiirita na ako sayo Jeorin! Can you please stop this kahibangan!" Paninigaw ni Phergon sa dalagita na ikinalingon ni Vrib sa kanila. Nang Naagaw niya ang attention ng mga students at nang pinagtitinginan na sila ay nakayukong nag walkout si Jeorin. Ilang linggo, buwan na ang nakalilipas pero walang pag babago sa ginagawa ni Jeorin, lagi niyang nilalagyan ng pagkain ang upuan ni Phergon sa tuwing papasok ito at tuwing uwian naman ay nag bibigay ito ng mga sticky notes na puro love letters ang laman. Like, i love you , i always love you, i will never give up to love you and chasing you... At kung anu-ano pang love letters. Pero wala ring pag babago kay Phergon, lagi niyang tinataboy ang dalaga at hindi inaappreciate ang ginagawa ni Jeorin para sa kaniya. Hanggang sa isang araw ay hinarangan nanaman ni Jeorin ang binata nang papalabas na ito sa scho at saktong wala sa mood ang crush nito. "Kumusta Phergon, hindi mo pa rin ba ako natutunang mahalin--" "That will never be happened dahil ayaw ko at wala akong balak, idiot girl." Patulak noo nitong pinatabi ang dalaga para makadaan but pinigilan siya ni Jeorin. "Mahirap ba akong mahalin? Matalino naman ako, sikat naman ako as singer dito sa school pero--" "Yan ba ang tingin mo sa love? Itatak mo ito sa makitid mong utak Jeorin.." tinulak niya ng isang beses using his index finger ang noo ni Jeorin. "If you are truly inlove with someone, there's no reason behind it, there's no reason why did you choose and why you love his/her dahil kung may dahilan ka, hindi ang taong yon ang mismong minahal mo kundi ang rason na meron ka at rason na ginawa mo." Saka tuluyang iniwan si Jeorin sa pwesto. Pinanood lamang ni Jeorin si Phergon na makalabas ng school hanggang sa mawala ito sa paningin niya. "Kung gayo'y, hindi ko pa alam ang salitang love... Yon ba ang ibig mong sabihin, Phergon." Pabulong na pagkausap ng dalaga sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD