Continuation of flashback.
Iyon na ang huling pag uusap ng dalawa, lumipas ang ilang linggo bago ulit mangulit si Jeorin sa binatang si Phergon ngunit sa hindi inaasahan ay nag bago ang Phergon dahil sa hindi na ang mga kaibigan nito ang kasama niya kundi mga babae.
"Ba't ako mag seselos, bakit, inakbayan ba niya? Kiniss ba niya? At higit sa lahat... Girlfriend ba niya ang mga yon psh.." nakapout na kinakausap ni Jeorin ang sarili habang nag lalakad at bitbit ang pagkain na ibibigay niya kay Phergon.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon balance itong equal ng debit at credit sa trial balance, as long as tama itong pagkakalagay niyo sa journal analysis..." Nakatayo sa tabi si Phergon habang sinasagot ang tanong sa kaniya ng dalawang babaeng taga kabilang section.
Nang makarating si Jeorin sa pwesto ng mga ito ay sinubukan niyang sirain ang discussion ng mga ito pero hindi sila nag patinag na para bang hindi nila naririnig si Jeorin lalo na ang binatang nag sasalita.
Sa totoo lang, hindi na nakikinig ang dalawang babae at sa mukha nalang ni Phergon nakatingin ang mga ito.
Nang makaramdam ng inis si Jeorin ay dumiretso na lamang ito sa classroom ni Phergon saka inilapag ang pagkaing niluto niya para rito at bumalik na agad siya sa classroom nila.
"Jeorin, sasali ka ba sa singing contest na gaganapin sa--"
"Hindi, kaya sumali ka na." Agad na sagot nito sa isang kaklaseng nag tanong.
"Eh sa Quizz bee?" Tanong pa ng isa niyang kaklase at nag simulang mag si tawanan ang buong kaklase nang marinig ang tanong ng isa sa kaniya.
Hindi naman ako bobo, hindi ko lang talaga pinapakita ang talino ko, kung makatawa sila parang ang tatalino nila. -pagkausap nito sa sarili.
"Ah hindi, alam niyo namang kasali ang crush ko kaya wala akong balak." Pilit na ngumiti si Jeorin sa kanila at hindi niya ipinakita sa mga kaklase na nasasaktan siya.
Patuloy lang sa pag tawa ang mga kaklase nito at natigil lang ito nang may professor na ang pumasok.
"Good morning everyone."
"Good morning po." Bati ng mga students sa prof.
Nag simula na sa discussion ang
Section ni Jeorin at sa kalagitnaan ng lesson ay nagising ang diwa nito nang marinig niya ang pangalan niya na tinawag.
"Pardon? S-sir Eilgo." Parang wala sa sariling tumayo sa kinauupuan si Jeorin at pinag tawanan nanaman siya ng mga kaklase.
"I said, isa ka ba sa mga taong takot mamatay?" Tanong nito sa dalaga.
"No sir, kung may dapat mang katakutan ay yung mga bagay na hindi mo pa nagagawa tapos mamamatay ka na, katawan lang po natin ang namamatay at hindi ang spirit na syang bumubuhay sa katawang tao natin kaya ba't po ako matatakot. Death is just a part of the circle of life." Sagot ni Jeorin sa prof na ikinatahimik ng lahat.
"Thankyou Ms. Jeorin."
Nag patuloy na sa discussion ang prof at lumipas ang dalawang oras ay natapos na rin sila.
Dismissal.
Kahit napapagod sa kahahabol ang dalaga sa binata ay wala siyang pakealam dahil naniniwala siyang lahat ng gusto ay pinaghihirapan at hindi agad agad nakukuha at nasa dulo ang saya.
FLASHBACK END
______°°______
_________________________
[Present 2022, August 3 months after]
♣Vribon♣.
Almost 3 months nang nakakulong sa kwarto si Jeorin, i don't know kung may balak pang pumasok yon after what happened to her.
Hindi naman siya nahuhuli sa lessons dahil there's Eilgo i mean prof. Eilgo ang siyang nag tuturo sa kaniya pero siya lang din ang tanging nakakapasok sa kwarto ng bestfriend ko.
Mas okay na ito, diba dapat maging masaya ako dahil hindi na siya mag mumukhang engot kahahabol sa lalaking Phergon na yon.
Matalino, gwapo, matangkad, maputi, player at mayaman pero wala lahat yon sa taong marunong mag appreciate ng tao. Para siyang robot na dinaig pa sa sobrang manhid.
Sa 3 months na yon, maraming nag bago sa school na hindi niya naabutan lalo na yung PSE na matagal na niyang inaabangan.
May napakilala nang dalawa, si Xiphea at Phergon.
Oo, kasama ang Phergon na yon at hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng tao rito sa pilipinas ay siya pa ang napili. Pero astig lang dahil mas marami pa siyang nahuling criminal kaysa ro'n kay Xiphea na maldita.
Kaklase pa ng kaibigan ko yung Xiphea na yon, siguro pag nalaman niya ang tungkol doon ay si Jeorin na siguro ang pinakamasaya sa lahat ng tao sa mundo.
Tsk, malalaman mo na isa silang PSE kahit transferee ka pa dahil iba ang uniform nila sa amin.
Kung kami'y nakasuot ng pangkaraniwang uniform pero may blazer lang na itim at puti yung pang loob namin pero may halong itim yung palda namin, ang mga PSE naman ay pure black, si Xiphea nakalongdress na may pabaloon manggas na actually pang filipiniana ang style at si Phergon naman ay tuxedo at pure black din ha, pero nakalaylay yung tie niya na parang ni-rape jusme.
Tapos may kulay yung mga mata nila blue na may pagkaviolet sa may baba banda, basta ang astig.
Sabi ni mom may rank daw sila, si Xiphea pang 1 raw at si Phergon is 3, hahanapin pa raw nila ang iba. Sana, ako yung isa hehe.
"S-si Jeorin ba yon?" Rinig kong sabi ng isang student.
"O-oo nga, a-ano ang nangyari sa kaniya?" Sabi pa nung isa.
Hindi ko sana papansinin ang bulungan nila pero nang masagip ng mata ko ang tinutukoy at dinuduro nilang babae na nag lalakad papunta rito ay laglag panga akong pinanonood ang kaibigan ko na mag lakad.
Yung mga nasa loob ng classroom ay nakasilip sa mga bintana at kaming mga nandito sa hallway ay naparalize lang sa kani-kaniya naming pwesto.
Lahat ay napatahimik at wala kang ibang maririnig kundi ang yapak ng sandal ni Jeorin na 4 inches ang taas.
Ito na ba ang new Jeorin? New friend at ang pag babalik niya.
Nag pagupit siya hanggang kilikili banda at medyo wavy sa may bandang baba and then, yung mahaba niyang palda ay umikli na, halos pinakita na niya ang hita niya at nakalight makeup then may curtain bangs siya.
Unbelievable.
Kung dati ay lagi ko siyang nakikitang nakangiti kahit walang dahilan, ngayon, nakasimangot na siya.
Sa sobrang tulala ay hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko.
"Vribon." Nanindig yung balahibo ko sa boses niya sa sobrang lamig.
"J-j-jeorin? Patawa ka ba? Mukhang nananaginip pa ako--"
"Ako talaga ito, pagod na ako sa pagiging idiot at walang ibang alam kundi ang obsession sa isang lalaking wala namang ambag sa buhay ko."
Teka lang, ngayon lang ata ako nagkaroon ng magandang panaginip--
Sinampal ko magkabilaan ang sarili ko bago pa gawin ni Jeorin sa akin yon dahil nakita ko yung kamay niya na papalapit sa mukha ko eh at sa ginawa ko ay napasigaw ako sa sakit.
"Totoo nga, ilang kandila ba ang gusto mong sindihan natin?" Kinuha ko agad yung phone ko at nang oorder na sana ako ng isang box ng candila ay pinigilan niya ako.
"Stop this annoying joke of yours Vribon, I'm not here for that." Nauna na siyang nag lakad na dati naman ay hindi niya gawaing iwan ako.
"Is this for real? Permanent? Or tempo--"
"Until i die." Aniya.
Ang bilis niya mag lakad kaya ako itong parang baliw na hinahabol siya habang hindi mawala ang pag titig ko sa mukha niya.
"Lumabas yung ganda mo, pero ba't ba--"
"Mamaya ko na ikekwento, nga pala, nabalitaan ko na lahat ng mga nag bago rito lalo na sa PSE, masaya ako."
Hala we? Masaya siya? Ni wala akong nakikita sa mukha niya na saya.
"Hindi nga pala tayo sa room didiretso--"
"Alam ko at hindi mo ba nakita ang name ko sa list ng participants sa Quizz Bee at debate?" Aniya na ikinasilip ko sa selpon dahil bawat student sinisendan ng schedules at kung ano pang agenda na meron ang school and oo nga, nandito nga ang pangalan niya.
"Pero makalaban mo si--"
"Phergon? Ready ako to beat him, i want to show on them the real and the new me." Singhal niya at mas lalong bumilis sa pag lalakad.
What on Earth is happening to her, mag papahanda talaga ako sa buong Barangay mamaya pag uwi since kapit bahay lang naman nila ako.