WALO

1588 Words
♣Vribon♣ Nasaan na kaya ang babaeng Jeorin na yon, hindi ko na nga naabutan kahapon tapos maaga nanaman umuwi ngayon, tsk, hindi ko man lang siya natanong kung okay lang ba siya dahil nabalitaan ko yung nangyari kahapon. "Vribon, diba kaibigan mo si Jeorin?" Sino ba itong babae na ito at tinatanong ako. "Oo bakit? At bakit ganiyan itsura mo?" Puros pasa kasi yung mukha niya. "Gusto ko sanang tulungan mo akong makalapit sa kaniya, hihingi lang ako ng tulong." Anito. "Ha? Tulong saan? Sa taong may gawa niyan sayo? Pero hindi ugali ni Jeorin--" "Parang awa mo na, siya lang naiisip kong makakatulong sa akin dahil alam kong maiintindihan niya ako." Sabi niya nang umiiyak. "So ako hindi kita maiintindihan? Sorry pero hindi ko hahayaang mapahamak yung kaibigan ko, at isa pa, may PSE tayo rito kaya ba't sa kaibigan--" "Please Vribon, hindi porket may kapangyarihan ang mata nila ay may kakayanan na silang--" "Oo, may kakayanan talaga sila dahil--" "Konektado sa police yung May gawa sa akin nito at konektado yon dito sa school kaya gusto ko sanang--" "Pero maagang umuwi si Jeorin, 4 hours na siyang wala." Ani ko sabay silip sa relo ko. "No, what is it?" OMO, nag teleport ba itong si Jeorin? Bigla bigla nalang kasing nasulpot. "Jeoriiinnn." Oa naman ng babaeng ito, makayakap sa kaibigan ko parang isang Diyos na ewan si Jeorin, tsk. Mabilis na ikinwento ng babaeng ito ang lahat kay Jeorin kaya ayon, nag lalakad na kami para puntahanan ang Inspector of Police na siyang gumahasa sa babae. Oo, ginahasa siya with bugbog. "So ano, papatayin mo ang police na yon Jeorin? PSE lang ang--" "You idiot, kung konektado ang PSE sa kanila, sa tingin mo ba hahayaan nilang madumihan ang pangalan ng mga tao na siyang kinikilala ngayon na tagapagligtas at mag lilinis sa pilipinas? At kung pwede ko lang siya patayin ay gagawin ko pero hindi ako killer, ipasisibak ko sa trabaho ang lalaking Inspector of Police na yon." Wah, namangha ako sa mahabang speech ng kaibigan ko. It's her first time na maging palaban at kung tutuusin parang hindi ko na siya kilala. "Paano mo mapapasibak yon eh isa lamang tayong--" "Student? Lang? Huwag nila tayong maliitin dahil walang age na benabasehan sa pagkuha ng justice, at paano malilinis ang Pilipinas kung ang mismong nasa mataas na position ang nag nanumber uno sa crimen. Kaya hindi umuunlad ang bansa dahil imbes na mag ingay ay pinipili nating manahimik. Kahit 1% lang ang chance na manalo tayo, huwag nating kalilimutan na walang imposible sa Diyos, lalaban tayo hangga't pareho tayo ng tinatapakang lupa." Hays, may magagawa pa ba ako eh desidido na ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa isang dark room dito sa school ay nag simula nang kumilos si Jeorin. Akala ko pa naman din e pupuntahan agad namin yung police na yon, tsk. "Teka, ano ba ito at kailan pa nagkaroon ng ganito sa school--" "Kahapon lang, pinagawa ko ito kay Eilgo dahil ito ang mag sisilbing tulong ko para mapanood lahat ng kilos ng mga students at kung sino pang tao rito sa school." The h, nang matapos siyang mag salita ay inopen niya lahat ng mga monitor na meron dito. Actually, puno na ata ng monitors ang loob pero may pinakamalaki na siyang parang pang cine ang laki rito at yon ang tinutukan ni Jeorin. Akala ko ba school lang pero halos buong Pilipinas ata mapapanood mo ang kilos mula sa mga screens. "Ano naman ang maitutulong--" "Vribon, paupuin mo nalang yang babaeng yan at panoorin niyo nalang ako sa gagawin ko." Ang lakas ng loob mang utos. Pero agad ko naman siyang sinunod. "Gusto kong hindi tayo o ako makilala ng Inspector of Police at kung sino pa na kunektado rito sa school dahil ayaw kong manganganib ang buhay ng mga kapatid ko so ihahack ko ang cctv sa bahay ng Inspector na yon at yon ang gagawin kong ebidensya." Nakakalula ang ginagawa niya, ang daming numbers at kung ano pa ang nakikita ko sa malaking screen. Nabanggit kasi sa amin nitong humingi ng tulong ay dinadala raw siya sa bahay ng Inspector at may cctv doon at para siguradong magkaroon siya ng ebidensya dahil may possible na burahin ng Inspector ang cctv records nito ay nag lagay siya ng iba pang cctv na siyang konektado sa cellphone nitong biktima at yung cellphone na yon ay naiwan sa bahay ng Inspector, shonga diba. "So after mong makuha lahat ng records or footage edi anong next--" "Ipadadala ko lahat sa monitor sa lahat ng police station, at isisingit ko sa tv sa kahit anong channel sa oras na makuha ko na ito, para walang ligtas ang police na yon." Yung Eilgo na yon ang sarap pasabugin, turuan ba naman ang kaibigan ko sa mga ganito. "Bingo!" Sigaw na naeexcite ni Jeorin. "Buksan niyo ang tv at panoorin ang pag bagsak ng Inspector." "Paano ako--" "Wag kang mag alala dahil pang japan version ang lahat ng makikita sa tv, nakablurred ka pwera lang sa police na yon. After nito, sasamahan ka ni Vribon sa police station dahil sa mga oras na'to... In three..two... One....lahat yan mag iingay." Waaaaaahhh! Ang astig, may bente atang telephone rito at lahat yon ay nag si tunog kasabay ng pag singit ng CCTV footage sa tv. "Paano nangyaring--" "Sa mga police ko lamang ibinigay lahat ng number dito at pumili ka nalang kung sino ang sasagutin niyo para tumulong sa kaso mo, pakibilisan lang ang pag sagot dahil pwede nilang makita ang location natin so in 1 minute papatayin ko lahat dito... Have a good day and don't ever mention about me and this is for your safety dahil i can kill you right away." Matapos mag banta ay lumabas na rito si Jeorin. What a crazy lady. "So ano, pili ka na sa mga telepono habang meron pang pinanonood ang mga tao sa tv at we have 1 minute lang." "O-okay." ** ♠Jeorin♠ First mission down. Si Eilgo lahat nag turo sa akin na mag hack at kung ano pa, pero kung magaling na ako ay mas magaling pa rin ang parents ko dahil sa lahat ng mga tao ay sila lang ang hindi ko mahack yung location nila, hindi ko rin sila makita sa mga CCTVs dahil they got me, nakikita ko sila pero sa lahat ng lugar merong imahe nila na ibig sabihin nililinlang ako ng parents ko, hindi ko alam kung alin sa mga yon ang totoo kung nasaan talaga sila ngayon. "You, the girl who talking to her self." Someone's in my back calling me like I'm a crazy one. Talking to my self daw eh hindi ko nga ibunubuka ang bibig ko at higit sa lahat sa isip ko lang kinakausap ang sarili ko. May mind ready na ata-- "oh, you're PSE right?" Hindi ko siya pinagaksayahan na lahadan ng kamay. Lumalakad na siya paharap sa akin kaya naman binalik ko na paharap ang katawan kong binaluktot ko para lang tingnan siya, husme. "I'm Xiphea--" "I'm not asking." Agad kong tugon. Kita sa mukha niya ang pagkainis. "Just tell me, ikaw ang ang nag paingay sa bansa diba" She's talking about the CCTV footage na bigla kong pinalabas sa tv. "What are you talking about." Nag patuloy na ako sa paglalakad dahil wala akong oras makipag usap sa kaniya. "Malalaman ko rin naman, babantayan ko ang kilos mo... Jeorin." Sa lahat ng taong pwedeng magkainterest sa akin bakit siya pa. Kaya pala sinabi ni Mrs. Pecita na wag ko siyang pansinin dahil weird nga siyang babae. What a pathetic. "Jeorin." May isa nanaman ang siyang humarang at nang istorbo sa akin sa pag iisip. It's Phergon. "What." Cold ko. "Bakit nag bago ka, bakit ganiyan ang suot mo at yang mukha mo..." "Psshh, Bakit? Masama na ba mag bago?may mali ba sa suot ko at hindi naman masama ang itsura ko, buti nga hindi ko ginawang Coloring book ang mukha ko. At isa pa, buhay ko ito, ba't ba nangengealam ka." Sinubukan kong humakbang pero hindi niya ako hinahayaan. "Isa akong PSE, iniisip ko lang ang---" "So, trabaho na pala ng PSE ang mangealam sa buhay ng iba, sa buhay ko? Sa pagkakaalam ko, criminal ang hinuhuli niyo at hindi ang isang tulad kong namulat na sa katotohanan." Sa sinabi ko ay naitanggal niya ang kamay niyang kapapatong palang niya sa balikat ko. "Nag tataka lamang ako--" "Alam mo, tumigil na ako sa pangungulit sayo kaya naman sana lang... Wag ka na mag pakita pa sa akin, naiirita kasi ako sa tuwing nakikita yang pagmumukha mo." Binangga ko siya para makadaan ako, wala akong pakealam kung sumusobra na ako, kulang pa yon sa lahat ng ginawa niya sa akin. "Bakit nagkakaganyan ka?" Tanong niyang nag patigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko siya nilingon pa sa halip ay ngumisi lang ako. "Why don't you ask your self? You're my reason behind this at Phergon, ito na ang huling babanggitin ko ang pangalan mo dahil mula ngayon, tatanggalin na kita sa ala-ala ko." "Oh, Jeorin, tara na, sabay na tayo!" Masaya akong salubungin ni Eilgo at kita kong napatingin siya sa taong nasa likod ko. "Don't mind him, free ka ba mamayang gabi? Aalukin sana kita mag lakad lakad." "Oo naman, kailan ba ako tumanggi sayo." "Pfft, oo nga.. bilisan na nga natin." Nakipagtawanan ako kay Eilgo habang magkasabay na naglalakad at bago kami lumiko ng hallway ay nakita ko sa side peripheral vision ko si Phergon at pinanonod kami nito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD