>.<
After ng palabas ko kanina sa school ay umuwi na ako sa bahay ng maaga, that horny guy na sinet up ko ay naipakulong ko na, kung alam niyo lang kung gaano ako kagaling para sa pangalawang show ko para lang tuluyan siyang maipakulong.
"Ate, ba't ngumingiti ka nanaman mag isa?" Si bunso naabutan akong nakangiti rito sa sofa sa baba kaya naman pinag-iisipan ako ng masama.
Totoong nag bago na ako, pero yung ugali ko as how ako makitungo sa mga kapatid ko ay hindi ko binago, ako pa rin naman ito.
"Masama bang ngumiti--"
"Oo, basta ikaw." Sabat ni kuya sa akin.
Bwisit talaga ang dalawang ito, hinagisan ko ng tig-iisang unan ang dalawa pero bumalik ang mga ito sa akin at sa mukha ko lahat tumama, calm down self, kapatid mo ang mga yan.
"Ah, nga pala bunso.." bigla nalang naging mabait yung itsura ni kuya tapos naging malambing yung boses.
Nako, alam ko na ito. "May kailangan yan sayo Qin kaya ganiyan yan."
Sa sinabi ko ay kunot noo niyang tiningnan si kuya. "Ano nanaman ba ang kailangan mo kuya?"
"Actually, nakuha ko na ang kailangan ko."
Pareho kaming nag taka at sabay na napatanong ni Qin. "Ha?!/ha?!"
"Yung chocolate mo kasi sa--"
"Don't tell me kuya, binigay mo sa..... Halimaw kaaaaaa!" Agad na nag tungo sa ref si Qin at kita naman sa itsura niya yung sagot kung nandon pa ba, nung una pinalaki niya ang boses niya until tumili siya na muntik na atang ikasira ng eardrum ko.
"Ano ba bunso! Tanggalan kita ng ngala-ngala---"
Palamunin ba naman ako ni kuya ng remote, napatigil tuloy ako sa pagsasalita.
"H-hoy! A-anong gagawin mo bunso?!" Mapaglarong mga matang nakatangin at nag tanong si kuya kay Qin dahil tumutuslok lang naman sa selpon si bunso at alam ko na ang meaning nun.
"Tatawagan si mama para sabihing nakasampung babae ka na ngayong linggo--"
Tumalon si kuya para lang makarating agad sa pwesto ni Qin at nang makapunta na siya ro'n ay binasag niya ang selpon ni Bunso.
Kita kong umuusok na yung ilong ni Qin at nakayukom na yung kamao.
"Hoy hoy! Tama na yan at baka mag p*****n kayo--"
"Papatayin kita kuya! Alam mo bang treasure ko ang selpon ko tapos binasag mo lang?" Si bunso sinabunutan na si kuya at bago pa maisipang patulan ni kuya ito ay pumagitna na ako pero masiyadong hype si Qin kaya pati ako nadamay.
"Tama na sabi! Kuya wag ka pumatol!"
Kasasabi ko lang na wag pumatol pero sinabunutan din sa Qin, jusme, nag buhol buhol na ata ang mga kamay namin saktong nasa gitna pa ako.
*Someone's knocking*
Hindi agad namin pinansin yung kumakatok pero nang bumukas ang pinto ay natigil ang rambulan ng dawang ito.
Hawak ko sa buhok ang dalawa at dalawa silang nakahawak ang tig-iisang kamay nila sa akin while yung isa pa nilang kamay ay sabunot ang isa't isa, kita ko rin mula sa salamin na tayo tayo at gulo gulo na buhok namin na parang nakidlatan na ewan.
"Ah a-anong nangyari sa inyo? O-okay lang ba kayo?" Nakangiwing tanong ni Eilgo sa amin at may bitbit itong pagkain.
"Ay nako, normal sa aming magkakapatid ito, maupo ka muna---"
"Hindi pa ako tapos sayo kuya! Papatayin talaga kita sa ginawa--"
"Ano'ng akala mo sa akin? Hindi papatol? Hoy! Hindi porke't bunso at babae ka kailangan babaan ang pride, hoy kakalbuhin kita."
Nayuyugyog yung ulo ko dahil sa dalawa, kulang nalang lumipad ang mga ulo namin sa sobrang lakas ng mga ito, parang walang tao kung mag sabong ang mga chonggo.
"Ahm, may steak akong dala, diba favorite mo yon, kuya at Qin." Susme, si Eilgo lang pala ang makapagtitigil sa dalawa.
Lumipas ang ang ilang minuto ay imihain na ni Eilgo ang dala niya sa lamesa.
Yung itsura nung dalawa kong kapatid na magkatabi ngayon ay hindi maganda, para silang pinasabugan, hindi ko na napigilan pa ang hindi matawa dahil sa mga itsura nila, sabayan pa kung paano sila kumain.
Nagutom ata sa away.
Si Eilgo ay tumabi sa akin. "Kumusta nga pala? Hindi ako nakapasok dahil kailangan ako ni mom sa hospital."
"Oh i see, tagumpay ang plano ko, salamat nga pala sa tulong mo sa pag kabit ng mga CCTVs pero hindi ko yon nagamit." He is the one na katulong ko sa lahat.
Actually parang kapatid ko na siya, hindi siya nag sasawang tumulong sa akin.
"So, magiging okay ka na dahil wala na ang bangungot mo."
I stunned eating nang marinig siya, ang hindi niya alam, iniisa isa ko ang mga taong nagkasala sa akin at binabalak ko na maging trouble maker sa school dahil gusto kong magalit ang PSE, kung dati ay fan ako ng mga ito kahit hindi pa sila napapangalanan pero ngayon, nang malaman kong isa si Phergon sa kanila, nawala ang pag hangang iyon.
Nawala na ang pagmamahal ko kay Phergon narealize ko na ang lahat, na hindi nga talaga niya akong kayang mahalin at wala siyang balak.
Lahat ng ginaawa niyang hindi maganda sa akin ay bumaon lahat sa puso ko kaya yung love ko for him ay napalitan ng galit, puot at kung ano pang pwede negative na itanim sa puso. .
"Excuse me, mag babanyo lang ako." Banyo ang paalam ko pero dumiretso ako sa kwarto, well, may cr naman ako kaya hindi nila maiisip na palusot ko lang yon.
**
Gumising ako nang masakit ang ulo ko, but I don't mind it.
Tinatamad man akong pumasok pero kailangan, gusto ko kayang mag pakasaya since im not done yet sa school na'to.
"Mag aral ka ng maayos ha, sabay ka na sa akin umuwi mamaya." Hinatid ako ni Eilgo rito sa Classroom bago dumiretso sa office niya.
Sorry pero.. hindi ko na kailangan mag aral, sa dining area--- hmm? Mukhang may gulo ro'n mapuntahan nga.
Sakto lang din ang direksyon ng mga taong nagkakagulo rito dahil papuntang DA ito at nang makalapit agad ako ay isang unfamiliar face ng babae ang nakita kong sinasabunutan yung isa pang girl.
"Anong gulo ito?" They didn't pansin me so inulit ko ang question ng pasigaw. "Sabing anong gulo ito!?"
Kahit mismong gumagawa ng gulo ay napatingin sa akin, yung mga tinginan nila ganu'n pa rin, kung paano nila tingnan ang dating ako, well, in that case, babaguhin ko na yan.
"Ay shaks, siya nga pala yung nanalo kahapon over Phergon pero diba bobo yan?" Bulong ng isang student na halos rinig na rinig ko.
"Baka kasi palabas niya lang ito para mapansin na talaga siya ni Phergon." Sabi pa nung isa na ikinalingon ko rito at umiwas ng tingin sa akin.
"Excuse me?.." panimula ko at dahan-dahang nilapitan ang student na bumulong nun. "Para sa kaalaman niyo, matalino na talaga ako, hindi ko lang pinapakita dahil ayaw ko ng attention niyong lahat pero ngayon? Mag hintay lang kayo dahil baka hindi lang ako rito sa school sumikat... Baka sa buong mundo." Mayabang kong sabi saka pumunta sa direksyon ng bully na babaeng ito.
"A-anong ginagawa mo? Hindi mo ba ako nakikilala--"
"Makilala man kita ay wala akong pakealam... Pero, sino ka nga ba? Sikat na bully rito? Transferee ba na bully agad ang ginawa para sumikat?" Kinuha ko mula sa kamay niya ang babae na kulang nalang tanggalin niya ang ulo nito sa sabunot.
"Can you please mind your own business?" Hindi ko gusto yung tono ng boses niya, masiyadong maarte at hindi bagay sa mukha niya.
"Bakit? Mag iinvest ka?" Pabiro kong sabi na ikinaurat niya.
"Kung ayaw mong matikman ang--"
"Kamay mo? Bakit? Masarap ba yan? Kaya ko rin kasing tapatan yan lalo nang mas malaki ang kamay ko sa putot mong kamay." Patawa kong sabi sa kaniya.
Kumuha siya ng pwedeng maipang hampas sa akin pero unfortunately, tumunog yung phone ko so nag sign muna ako na pause muna itong away. Mabilis kong tiningnan yung phone ko.
From: Bunsong tiktik
Ate, si kuya... May babaeng dinala rito sa bahay.
Bwisit talaga yung matandang Ghorn na yon, ang lakas ng loob mag dala ng babae ro'n, number 1 rule ko pa naman ang sinuway niya.
"Teka lang, mamaya na natin ipagpatuloy itong away... Wala na akong oras sayo--"
"No hell.." alam kong ihampas niya sa akin ang hawak niyang kahoy pero hindi ako umilag dahil alam kong may sasalo nun.
I knew it, it's Phergon.
"You're late. Mr. PSE." ani ko sabay walk-out pero hinila niya ako pabalik.
"You came back to be a trouble maker? Sorry Jeorin but you need to come--"
"Come to office and Face this mess? Sorry rin pero hindi ako sasama sayo sa office ng head ng school kapag hindi mo pa nakikita ang CCTV. Wala akong ginagawang masama at kahit hawak man lang sa hibla ng buhok niyang impaktang babae na yan ay hindi ko ginawa... So labas ako rito, excuse me." Malakas kong binawi ang braso ko sa kaniya.
Kailangan kong basagin ang mukha ng kuya ko, makikita niya ang hinahanap niya.
*
Para akong may super power sa sobrang bilis kong makarating dito sa bahay, pero nang makatungtong ako sa bahay ay natigilan ako dahil nakita ko na yung babae.
It's not like because i know her pero, ang ganda niya kasi.
"Ate, si ate Jilsey." Pinakilala ni Qin ang babaeng yon sa akin, umupo ako sa katapat nitong sofa at tintigan siya ng kaduda duda.
"Why are you looking at?" Tanong niya na ikinatawa ko.
"Nililigawan mo ba si kuya?" Balik tanong ko sa kaniya na siya naman ngayon ang natawa. Sakto lang din dahil kararating lang ni kuya galing market.
"Oh Jeorin, uwian niyo na?" As if namang papansinin ko siya.
Nag dekwatro yung babae pero pang maarte ha. "sorry pero...Ako pa talaga ang manliligaw?" Natatawa niyang tanong.
May mali ba akong naitanong. "Eh pero kasi... Dinaig pa ni kuya yung pagong sa pagtatago sa bahay nito sa sobrang torpe at takot sa babae."
"Jeorin!" Sinigawan ako ni kuya.
"Ate? Si kuya torpe at takot? Eh diba nga pang sampung libo na itong si Ate Jilsey sa--"
"Sige bunso! Ituloy mo yang sasabihin mo!" Lalong nagalit si kuya kaya naman biglang tumabi sa akin si Qin.
"Hoy kuya, ito na ba yung final mo or temporary--"
"Jeoriiiiiiiiin!!!" Hala, nakataas ang hawak ni kuyang kutsilyo kaya naman tumakbo na kami palabas ni Qin.
"Ate, tama bang iwan natin ang dalawa ro'n?" Hingal na tanong ni bunso sa akin..
Teka, napaisip din ako sa tanong niya pero... "Hayaan mo na yon, malaki na yon si kuya, kaya na niya sarili niya."
"Eh ate saan naman tayo pupunta--"
"Kain tayo sa favorite na restaurant ni kuya, painggitin natin ang shongang yon." Para akong baliw na tumatawa habang nag lalakad kami ni bunso.
Nung una ay nakitawa rin si Qin pero kalaunan ay biglang napalitan ng poker face yung mukha niya.
"Ate diba nasa kaniya yung black card niya kaya pwede rin siyang kumain doon after niya sa babae edi paano natin siya mapapainggit kung--"
"Charaaaan!" Inalabas ko mula sa bulsa ng blazer ng uniform ko ang card ni kuya. "Dinukot ko ito nung pumasok siya sa bahay kanina at saktong sa lakod ko siya napadaan kaya walang ipangbibili yon. Ito na rin yung gamitin natin, tago mo lang yang black card mo."
"Umaandar nanaman yang kademonyohan mo ate, pero sige, at isa pa palang pero ate.." kumamot sa ulo si bunso at tiningnan ko lang siya para hintayin yung sunod niyang sasabihin.
"Pwede ba nating take-outan yung aso ng kapit bahay?" Yan nanaman siya sa aso ng kapit bahay namin.
Napatigil ako sa pag lalakad at nag iisip. "Ano?! Bakit kasi hindi ka nalang bumili ng sarili--"
"Eh ate, takot ako mamatayan ng sariling alaga kaya nga yung--"
"Fine fine fine, pero samahan mo muna ako."
"Saan ate?"
"Basta!"