bc

Stubborn Squad

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
adventure
others
friendship
secrets
school
punishment
like
intro-logo
Blurb

Ang Harbord University ang pinaka sikat na paaralan sa buong bansa.

malinis ang reputasyon ng paaralan kaya naman sinong mag-aakala na may mga tinatago pala itong misteryo?

Iyan ang aalamin ng Stubborn Squad...

chap-preview
Free preview
Harbord University
Ang buhay ng college student ay hindi pala madali at hindi pala masaya katulad ng inaasahan ng fresh men college students ngayon. Noong Elementary palang sila ay hindi pa nila alam na may college pa pala pagkatapos ng Highschool. Noon namang senior highschool na sila ay masaya pa silang pinag-uusapan at pinagpla-planuhan ang mga kurso na kukunin nila kapag nag college na sila. pero ngayong college students na sila ay mali pala sila sa kanilang inaakala. Nakaka-stress, nakakapagod at nakakapangit pala ang pagiging college student. hindi pala masaya at talagang nakakapagod. Ito yung stage na magde-decide ka about should you study something about you love or should you study something about practical. mabuti na lamang ay hindi na nahirapan pang mag desisyon tungkol sa bagay na ito si Anna dahil first year highschool pa lamang sya ay nakapag desisyon na sya. kursong praktikal na, talagang hilig nya pa. Bachelor of Arts in Communication. "Good luck anak! proud na proud ang mama mo at ang papa mo sayo!" tuwang tuwang niyakap ng mag-asawa ang anak nilang si Anna "Thank you po sa inyo ma, pa. pangako ko po sa inyong dalawa na pagbubutihin ko po ang pag-aaral ko" naiiyak sa tuwa si Anna ngunit hindi nya parin maiwasang makaramdam ng lungkot dahil mahihiwalay sya sa mga magulang. Isang araw pa nga lang ay nami-miss nya na ang mga ito. Isang boarding school kasi ang pag-aaralan ni Anna. Mas maganda raw ang turo sa paaralang ito. yun nga lang ay medyo may kamahalan sa gastusin. mabuti na lamang ay nakatanggap ng scholarship si Anna dahil sa pagsisikap sa pag-aaral mula elementarya kaya naman ay may aasahan syang suporta. Hindi naman sya isang genius na mag-aaral. sadyang masipag lang sya at mapamaraan. Ang ina ni Anna na si Marisol Ellerbo ay isang mananahi lamang sa inuupahang pwesto. Ang ama naman ni Anna na si Alberto Alcantara ay isang construction worker. Gayunpaman, sinu-suportahan ng mag-asawa lahat ng gusto ni Anna. "Sige na po mama at papa. Aalis na po ako baka mahuli pa ako sa byahe namin. baka hindi pa matuloy ang pag-aaral ko" biro ni Anna sa mga magulang na ngayon ay umiiyak na sa lungkot. "Anna!" isang mahigpit na yakap ang naramdaman nya mula sa kaibigang si Ella. kasama ni Ella ang dalawa pang mga kaibigan ni Anna na sina Daniel at si Ralf na bitbit ang kani-kanilang bag. "Oh my God! excited na excited na ako! sino kaya ang makakasama ko sa kwarto?" kaagad syang binatukan ni Anna "Yan talaga ang inaalala mo?" natatawang tanong ni Anna. "Oo naman! anong malay mo doon ako makahanap ng ka-forever ko nuh?" "Yan lang ang dala nyo boys?" tanong ni Anna kay Daniel at kay Ralf na magkaakbay "Nopes. Of course not. our baggages are inside of the taxi " sabi ni Ralf na ingleshero sa kanilang apat na magkakaibigan dahil lumaki ito sa America. Kinuha ni Ralf ang bag ni Anna at hinila naman ni Daniel ang kulay pink nyang bagahe papasok sa loob ng nakaparadang taxi na may nakasakay na kalbong driver (tito ni Ella). Matapos magpaalam sa mga magulang ni Anna, excited na sumakay ng kotse ang apat na magkakaibigan. 2nd year highschool pa lamang ay pangarap na talaga nilang tatlo na sa Harbord University sila mag-aaral kapag nag college na sila kaya naman ay talagang nagsumikap ang apat na magkakaibigan. at ngayon, natupad na ang matagal na nilang pinapangarap. tiyak na mag e-enjoy sila. Habang nasa loob ng sasakyan, masayang nagkwentuhan ang apat "Malawak kaya? ano sa tingin nyo? mula ba sa bahay ko hanggang sa bahay ni Ella?" tanong ni Daniel "Syempre malawak ang Harbord University! kaya nga yan ang pinaka sikat na paaralan dito sa bansa natin eh!" chika naman ni Ella na nangangarap na nakatitig sa kawalan. "Siguro aabutin ng isang buong araw bago malibot ang buong Harbord University nuh?" tantsa naman ni Anna "Are you mad? one day is not enough! Harbord University is too wide! It's wider than the University in the America where I studied" tuwang tuwa namang sabi ni Ralf "Wait— search ko yan sa Google" excited na kinuha ni Daniel ang laptop Mula sa bag. sa kanilang magkakaibigan, si Daniel ang pinaka mahilig sa gadgets at hilig rin ni Daniel na mangalap ng mga impormasyon tungkol sa teknolohiya. matapos ang dalawang oras na kwentuhan habang nasa byahe, tumigil muna ang taxi sa harap ng isang seafood restaurant "Oh God... I'm starving..." angal ni Ralf nang makapasok sila "Ako na ang o-order" sabi ng tito ni Ella. Muling sabik na nagkwentuhan tungkol sa Harbord University ang tatlo nang makahanap sila ng pwesto "Balita ko nakaka excite daw lahat ng klase doon at talagang magagaling ang lahat ng guro" panimula ni Ella "Siguradong mas matututo tayong tatlo dun— teka, may mga patakaran kayang ipinagpapatupad dun? katulad na lamang ng bawal lumabas ng gabi, bawal magdala ng pagkain sa dorm o kaya naman bawal magka girlfriend at magka boyfriend? mukhang masayang lumabag!" biro ni Daniel na pabiro namang binatukan ni Ralf "Are you mad? do you want them to kick your ass out of Harbord University?" "Tama na muna yang pinag-uusapan nyo young ladies and young men. malalaman nyo ang lahat ng tanong na yan kapag nandun na kayo. ang advice ko nalang sa inyo, wag kayong gagawa ng kahit na anong kalokohan. naiintindihan nyo ba?" "Yes tito/ yes po" tugon ng apat Matapos ang 20 minutes na paghihintay, dumating narin ang order ng tito nila. Nang matapos kumain ay bumalik na sila ng sasakyan at muling nag byahe. Nagkatulog ang apat na magkakaibigan at nang magising sila ay nasa tapat na sila ng malawak at mataas na tarangkahan na may nakabantay na tatlong guwardiya na kapwa mga nakakatakot ang itsura at may hawak na malalaking baril. kulay abo ang malawak at mataas na tarangkahan na may mga wire pa sa itaas na may sign na "Beware of Electricity" sa bandang itaas pa ng tarangkahan ay nakatatak ang kulay gintong nakasulat na "Harbord University" na nasa malalaking letter at may disenyo pang drawing ng mismong paaralan na kulay itim naman ang ginamit na pintura. "Wow." tanging nasabi ng apat na magkakaibigan Matapos magpaalam sa tito ni Ella ay umandar na palayo ang taxi. "ID" nakakatakot na sabi ng isa sa tatlong guwardiya "E-eto p-po" Nang buksan ng dalawa sa tatlong guwardiya ang tarangkahan, nangangatog ang mga tuhod na pumasok ang apat sa malawak at napaka gandang Harbord University "Wow." muling nasabi ng apat na halos malaglag ang mga panga sa lupa. Hindi lamang ang apat na magkakaibigan ang istudyante na nangangatog ang mga tuhod sa kaba. May halos higit kumulang na dalawang daang mga baguhang istudyante ang katabi nila ngayon bitbit ang kani-kanilang mga kagamitan. hindi alam ng apat kung bakit hindi pa sila pwedeng tumuloy sa loob pero nasagot iyon nang may dumating na isang matandang sa unang tingin palang ay halata ng isang principal. Nakasuot ito ng salamin sa mata. May mga mata na kulay brown at isang tingin palang nya sayo ay parang alam na niya ang nasa isipan mo. Hindi naman sya mukhang napaka istrikto pero hindi rin naman sya mukhang napaka bait. "Good afternoon fresh men.. Welcome to Harbord University!" nanginginig ang boses ng matanda. gayunpaman, masigla niyang binati ang mga bagong istudyante. "G-good morning s-sir" nakayukong tugon sa kanya ng mga istudyante "Wala ako sa lupa" biro ng matanda na ikinatingala kaagad sa kanya ng mga istudyante "Ako si Leonhard Harbord ang principal at ang may ari ng paaralang ito. Ikinagagalak kong ang paaralan kong ito ang napili ninyong paaralan sa dinami-dami ng magagandang unibersidad" humble na pagkakasabi nya. "Isang malaking karangalan na mapabilang ang paaralang ito sa inyong buhay istudyante. Nawa'y madagdagan pa namin ang inyong kaalaman at muli, welcome to Harbord University!" Pumalakpak ang karamihan kabilang na si Anna, Ella, Daniel at si Ralf "Thank you po" sabi ng ilan na halatang excited na na i-explore ang malawak na paaralan. "Madam Estella Andalio, please ikaw na ang bahala sa kanila" sabi ni sir Leonhard Harbord sa katabing babaeng guro na matangkad, mukhang istrikta at mukhang sya ang tipo ng guro na hindi mo gugustuhing bastusin. itim na itim ang kulay ng kanyang buhok na nakatali ng mahigpit. kayumanggi ang kanyang balat at ang kanyang mga mata. nakasuot sya ng kulay abong bistida na sinamahan nya ng kulay itim na sandals. nakasuot rin sya ng salamin sa mata kagaya ni sir Leonhard Harbord pero mas mukhang syang istrikta. matangos ang ilong nya na ikahihiya ni Pinokyo. "Fresh men follow me!" sabi ng matapang nyang boses. excited na nagsilakad ang mga baguhang istudyante na nagsisiksikan sa kaba kahit ang lawak naman ng daan. Nahiwalay naman si Anna sa mga kaibigan dahil may mga nagkagulo na at nagtutulakan dahil sa galak. may tumulak naman ng malakas sa likod ni Anna na dahilan para matulak nya rin ang nasa unahan nya "Ay sorry. ang bagal mo kasing maglakad" may nakakainis itong ngiti sa mukha na hindi na lamang pinansin pa ni Anna. nilampasan sya ng lalaki na para bang walang nangyari kaya naman nasa unahan na niya ito. Mula sa kanilang kinatatayuan, makikita ang malawak na lugar. Sa bandang kaliwa naman ay matatanaw ang mataas na gusali na mayroong hanggang anim na palapag. Sa bandang kanan naman ay matatanaw rin ang mataas na gusali na mayroon ring anim na palapag. may nadadaanan rin silang ilang mga tila maliliit na panuluyan na kongkreto ang pagkakagawa at may magagandang disenyo ng painting sa bawat pader nito. naglalakad sila sa malawak na daan na pumapagitna sa dalawang matataas na magkaharap na gusali na halos maaari nang pagtayuan ng field sa sobrang lawak. patungo ang malawak at mahabang daan na ito sa kung saan man. Halos hindi nila matanaw ang hangganan ng paaralan sa sobrang lawak ng paligid. Halos mabali nanga ang kanilang mga leeg sa kalilingon wala lang malampasang magandang istruktura. Maraming mga istudyante at ilang mga guro ang makikita sa kung saan-saan na nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan. May makikitang namang ilang mga istatwa sa paligid. ang isa sa nadaanan nila ay isang mataas na istatwa na kamukha ni sir Leonhard Harbord at ang ilan naman ay mga palamuti lamang sa paligid. Tila abala ang buong kapaligiran. hindi mo na mahahalata na nasa loob ka pala ng isang paaralan dahil para itong isang syudad. Samantala, wala namang nagsasalita habang sila ay naglalakad dahil lahat sila ay manghang mangha sa mga nakikita. Matapos ang halos isang oras na paglalakad, natatanaw na nila mula sa kinatatayuan ang malawak at mataas na gusali na mas malawak at mas mataas pa sa dalawang gusaling magkaharapan na kanilang nadaanan kanina lang na pinaghihiwalay ng malawak at mahabang daan na kanilang dinadaanan. "Yang nakikita nyong mataas na gusali ang magsisilbi ninyong tahanan hanggang sa makapagtapos kayong lahat ng pag-aaral dito sa Harbord University" pansamantala syang huminto sa paglalakad kaya naman napahinto rin sa paglalakad ang mga baguhang istudyanteng nakasunod sa kaniya (Nabunggo si Anna sa nakakainis na lalaki na nasa unahan nya na tumulak sa kanya kanina) karamihan sa kanila ay nakanganga at nakatingala sa mataas na gusali. "Maya maya lang ay malalaman ninyo kung sino ang makakasama nyo sa kwarto (maririnig ang tili ni Ella at ng iba pang kababaihan) pero bago yan, may mga patakaran kayong dapat na malaman na kinakailangan nyong sundin kung ayaw ninyong mapatalsik sa paaralang ito" kinabahan naman ang mga istudyante sa sinabi nya. Kung magkataong mapatalsik sila, siguradong ikahihiya sila ng pamilya nila at pag uusap-usapan sila dahil ito ang pinaka sikat na paaralan sa buong bansa at kabilang ang paaralang ito sa pinaka magandang paaralan sa buong mundo. Lalo tuloy nakaramdam ng takot si Anna. Paano na lamang nga kung isa sya sa mapatalsik sa Harbord University? siguradong hindi ito ikatutuwa ng kanyang mga magulang. baka nga itakwil pa sya ng kanyang mga magulang sa kahihiyan. Nagpatuloy sa paglalakad si madam Estella Andalio kaya naman muli nila itong sinundan. Nang makalapit na sila sa gusali, kaagad na binuksan ng isa sa dalawang guwardiya na kapwa nakakatakot ang pangangatawan at pagmumukha kagaya na lamang ng tatlong guwardiya na nakabantay sa labas ng mataas at malawak na tarangkahan nitong paaralan. ang glass door. yumuko ang dalawa nang makita si madam Estella Andalio at bumati ng magandang hapon. first floor pa lamang ay malawak na. malinis ang loob at may mga silid sa bandang kaliwa at kanan. "Kung itatanong ninyo kung may elevator ba sa gusaling ito at sa dalawa pang gusali na nadaanan natin kanina para makarating sa mga palapag, ang sagot dyan ay wala. tanging mga hagdan lamang ang meron. kaya naman, matuto kayong gumising ng maaga lalo na kapag malayo dito ang silid ninyo" pumasok sila sa isang malawak na silid na walang mga upuan at walang ibang kagamitan kundi ang isang box at maliit na stage lamang. Umakyat doon si madam Estella Andalio at nagsalita "Katulad ng nasabi ko na kanina, may mga patakaran kayong kailangang malaman at sundin kung ayaw nyong mapatalsik sa paaralang ito" tiningnan nya ang mukha ng ilang mga istudyante na para bang kilala na niya kung sino ang mga magpapasaway "Una sa lahat, sa loob ng buong apat na taon hindi kayo maaaring lumabas ng paaralan. Kung may lumabag sa inyo, mas mabuting dinala nyo narin ang mga kagamitan ninyo dahil kapag nalaman namin na lumabas kayo, hindi na kayo muling makakapasok" "Madam—" Isang matangkad ngunit payat na bunging lalaki na may kulay kayumangging kulot na buhok at nakasuot ng salamain sa mata ang may gusto sanang sabihin pero hindi siya pinansin ni madam Estella Andalio "Wag ka kasing sasabay-sabay bungi!" pang-aasar ng isang lalaking maangas at may matipunong pangangatawan. maitsura ang matangkad na lalaki pero mukhang bully. nagtawanan naman ang ilan. "Silence!" saway ni madam Estella Andalio. Nagpatuloy ang guro sa pagsasalita na para bang walang naging istorbo "Pangalawa, bawal dito ang magkasintahan. bawal ang love letters. kapag may nalaman kami tungkol dito, mas mabuti pang magkasama kayong umalis sa paaralang ito at magpakasal nalang kung ayaw ninyong ipaalam namin ang tungkol sa bagay na iyan sa mga magulang nyo. Pangatlo, walang lalabas ng gusaling ito kapag gabi na. hindi lamang sa umaga may gumagala-galang mga guwardiya kundi maging sa gabi at kung may mabalitaan kami, may tatlong kaparusahang pagpipilian; una, hindi kayo kakain at iinom ng buong araw. pangalawa, paglilinisin kayo kasama ang dalawa sa dalawampung janitor at janitress sa saan mang parte ng paaralang ito. pangatlong kaparusahan kapag nahuli kayong lumabas ng gusaling ito sa gabi, isang buong linggo tuwing gabi ay doon kayo matutulog sa hunted room. Oh ano? may gusto ba kayong suwayin sa tatlong nabanggit?" sabay sabay na sumagod ng "Wala po" ang fresh men college students "Siguraduhin nyo lang. Nga pala, yung nakita nyong sementadong bahay sa labas na katabi nitong gusali, iyon ang canteen ng paaralan. libre ang pagkain dun para sa mga istudyante, guro at sa mga worker natin. Okay. now, aalamin na natin kung sino ang makakasama nyo sa kwarto. pumila kayo" sabi nya at kinuha ang box binigyan nya ng isang maliit na karton ang mga istudyante. nakasulat sa mga karton ang numero. Kung sino man ang kapareha nila, iyon makakasama nila. "Anong number sayo?" nagsimulang magtanungan ang magkakatabi "Silence!" sigaw ni madam Estella Andalio na ikinatahimik ng lahat "Hanapin nyo na sa mga susunod na palapag ang kwarto nyo at sana ay magustuhan at makasundo ninyo ang mga makakasama nyo" binigyan sila ng ngiti ni madam Estella Andalio bago umalis "Anna! ano na? anong number ka?" tuwang tuwang tanong ni Ella na hinawi ang ilang mga istudyande para makalapit kay Anna tiningnan ni Anna ang kapit nyang karton na may nakasulat na number 101 "Ang layo naman ng room mo. 52 sa'kin" Nagsimulang magnipis ang mga istudyanteng kasama nila dahil hinahanap na ng iba ang mga silid nila "52 sayo? 69 sa'kin. ikaw Ralf?— magkasama tayo!" tuwang tuwa si Daniel at si Ralf "Awww nuh ba yan! sana kasama ko nalang si Anna!" natawa naman si Anna sa reaction ni Ella "Akala ko ba naman naghahanap ka ng ka-forever mo? malay mo sya ang makasama mo!" biro ni Anna kay Ella "Kung gwapo makakasama ko, okay lang. eh kung pangit, wag nalang!" tawanan ang magkakaibigan "Ano? hatid na namin kayo sa kwarto nyo?" tanong ni Daniel kay Anna at kay Ella "Wag na ako. si Ella nalang ihatid nyo. malayo pa sa akin" "Wag narin ako. kaya ko naman. magpahinga narin kayo boys" Pagkarating ng second floor, hingal na hingal na si Anna. bakit ba naman kasi wala manlang elevator sa paaralang to? dagdag pa sa pahirap sa kanya ang bag nya at ang kanyang bagahe. ang taas pa ng hagdan at siguradong nasa fourth or fifth floor pa ang silid nya. Nang makarating sya ng hagdan na paakyat ng third floor, nakita nya doon ang lalaking tumulak sa kanya na nasa ika-limang hakbang na ng hagdan. pawisan ang lalaki bitbit ang malaking bag nito at ang kulay itim na malaking bagahe. kaagad na tumuwid ng tayo ang lalaki nang makita si Anna na nakatingin sa kanya. umiwas naman ng tingin si Anna at pakunwaring naubo. buong lakas nyang iniakyat ang mabigat nyang bagahe. nagawa nyang lampasan ng apat pang hakbang ng hagdan ang lalaking hanggang ngayon ay hindi pa makagalaw sa pagod. Halos bumigay naman ang tuhod ni Anna nang tingalain ang mahabang hagdan pero nagpatuloy sya. Sa wakas, nasa third floor na sya. Isa isa nya pang nilapitan at tiningnan ang mga numero ng bawat silid. 65 ang pinakahulihan ng silid na naririto sa third floor. 101 pa sya. Napamura sya sa inis at pagod. Pagkaakyat nya ng fourth floor, nakita nya nanaman doon ang lalaki na mukhang naiinis rin na muli syang makita Hindi nya naman pinansin ang lalaki. katulad ng ginawa nya nang makarating sya ng second floor at third floor, inisa-isa nyang nilapitan at tiningnan ang mga numerong nasa itaas ng pinto ng bawat silid na nagtapos naman sa bilang na 89. Bwisit! hanggang ilang floor pa ba? pagod na pagod na si Anna at uhaw na uhaw narin sya! unti nalang ay mapapahiga na sya sa semento sa sobrang pagod. pagkaakyat nya ng fifth floor, napasanday na sya sa pader sa sobrang pagod. Nanlaki naman ang mga mata nya nang makita nanaman ang lalaking tumulak sa kanya na nakasanday rin sa pader malapit sa kanya "Sinusundan mo ba ako??!" hindi na napigilan ni Anna na kausapin ang lalaki "Ang kapal naman ng mukha mo. baka nga ikaw pa ang sumusunod sa akin eh" inis na umiwas ng tingin ang pawisang lalaki "Eh bakit naman kita susundan? pweh!" inisa-isa nya nanamang nilapitan at tiningnan ang mga numerong nasa itaas ng pinto ng bawat silid. nagtapos sa bilang na 100 Bwisit! isang silid nalang hindi pa pinagbigyan! kumatok sya sa ikahuling silid ng fourth floor "Yes?" tanong ng matangkad ngunit payat na bunging lalaki na may kayumangging kulot na buhok at nakasuot ng salamain sa mata ang bumungad sa kanya. nakilala sya ni Anna. sya ang lalaking may itatanong sana kanina kay madam Estella Andalio pero hindi pinansin. Mukhang kararating lang ng lalaki sa silid nya dahil hindi pa ito nakapag bihis at pawisan pa ito. "Pwede bang makahingi ng tubig?" pagod na pagod na pakiusap ni Anna sa lalaki na hindi naman nagdalawang isip na bigyan sya ng tubig "Ako si Zinjin. ikaw? saan nga pala ang room mo?" "Anna nga pala. rooom 101 pa ako eh" "Hay grabe.. ang yaman ng paaralang 'to pero hindi makapag pagawa ng elevator" natatawang sabi ni Zinjin na sinang-ayunan naman ni Anna "Sino nga pala kasama mo?" tanong ni Anna na nagbabakasakaling baka pwedeng sila nalang ang magkasama dahil ayaw nya nang umakyat pa ng ika-limang palapag "Hindi ko pa kilala eh. nauna sya sa'kin makarating dito. baka may pinuntahan lang" "Ahh ganun.. sige Zinjin salamat sa tubig. punta na ako" "Gusto mo ba ihatid na kita? ako na bibitbit ng bagahe mo" "Naku wag na. Kaya ko na" tanggi ni Anna nang makita ang payat na katawan ni Zinjin na mas payat pa sa kanya. baka mauna pang matumba si Zinjin kesa sa kanya. Pagkaakyat ng fifth floor, sa wakas ay nakita nya na ang numerong 101 sa itaas ng pinto ng unang silid sa ika-limang palapag. Desperadang makapagpahinga, marahas nyang tinulak ang pinto. May itim na na bagahe at bagpack ang naroon at isang lalaki na ikinakulo kaagad ng dugo nya "Ikaw????" sabay na bulalas ng dalawa

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Daddy Granpa

read
284.4K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook