"Ikaw????"
sabay na bulalas ng dalawa
"Anong ginagawa mo dito?"
iritang tanong ni Anna nang pumasok sya sa loob
malawak ang loob ng silid. may dalawang kama na sakto para sa kanilang dalawa at sa loob mismo ng silid ay mayroong maliit na kusina at may isa pang pinto sa bandang dulo na sa tingin ni Anna ay CR.
may dalawa ring cabinet katabi ng dalawang magkahiwalay na puting kama
"Ako dapat ang magtanong nyan sayo"
irita ring sabi ng lalaki na nagawa pang maghubad ng t-shirt sa harap mismo ni Anna
"Hindi ba obvious? malamang dito ang kwarto ko!"
sagot ni Anna na nagsimulang ayusin ang mga kagamitan nya
"Hindi rin ba obvious na dito rin ako?"
"No way. hindi pwede"
"Edi umalis ka. arte mo hindi ka naman kagandahan"
pang-aasar pa ng lalaki na lalong ikinainis sa kanya ni Anna
"Ang kapal rin ng mukha mo nuh? ikaw nanga itong tumulak ng malakas sa akin kanina, ikaw pa itong inis?"
kinuha ni Anna sa loob ng cabinet ang mga hanger at nagsimulang i-hanger ang mga damit nya
"Hindi kita tinulak. may tumulak lang sa akin kaya natulak kita. kasalanan ko ba kung lampa ka?"
Galit na nagkadikit ang mga ngipin ni Anna sa itaas at sa ibaba.
Hindi na sya muling nakipag-usap pa sa lalaki dahil baka masira lang ang unang araw nya dito sa Harbord University.
Matapos ayusin ni Anna ang mga gamit nya, binuksan nya ang malaking bintana para makapasok ang sariwang hangin.
Mula sa kinatatayuan, matatanaw ang ganda ng kapaligiran.
Ang dalawang mataas na gusali na nasa unahan, malawak na daan, mga puno at halaman sa kapaligiran, mga istatwa, maliliit na kongkretong panuluyan.
Sinasabayan pa ng ganda ng panahon ang ganda ng paligid.
mapresko at nakaka relax.
Sa bandang unahan pa ay ang basketball court.
Sa katabi ng malawak na basketball court ay ang tennis court, volleyball court at football court.
Sa unahan ay matatanaw ang malawak na garden na ang daming magagandang bulaklak, halaman, mga herbal at mga magagandang puno... doon siguro nagsasanay ang mga Agriculture students.
"Hoy"
biglang nagsalita ang lalaki na nakapag pagulat kay Anna
"Bababa ka ba para kumuha ng pagkain? kuhaan mo narin ako"
bossy na sabi ng lalaki.
Nakahiga na ngayon ang mokong sa kama nya.
Hindi nya pa naaayos ang mga gamit nya.
"Hoy mister! roommate mo ako hindi katulong"
pinandilatan nya ng mata ang lalaking kung makapang utos akala mo ay babayaran si Anna.
Ni hindi pa nga ito humihingi ng matinong sorry dahil sa pagtulak sa kanya kanina.
masakit pa ang likod hanggang ngayon ni Anna. ang lakas kaya ng pagkakatulak sa kanya!
"Ah roommate pala kita? mukha ka kasing katulong"
natatawang pang-aasar ng lalaki sa kanya
"Ha.Ha.Ha. nakakatawa."
asar naman itong si Anna
Nang dumilim na ang kapaligiran, isinara na ni Anna ang bintana dahil lumalamig narin ang hangin.
Nakakaramdam narin sya ng gutom kaya naman bababa na sya para kumain sa canteen. mahaba-haba pa naman ang apat na hagdang bababain nya
Nakita nya ang lalaking nakahandusay sa kama at humihilik pa.
gigisingin nya kaya ang lalaki?
Akmang tatapikin na ni Anna sa mukha ang lalaki pero nagbago ang isipan nya kaya naman mag-isa na lamang syang bumaba.
sa ika-apat na palapag ay nakita nya si Zinjin na pababa ng third floor kaya naman tinawag nya si Zinjin para may kasabay sya sa pagkain sa canteen.
"Anyare sa mukha mo?"
tanong ni Anna nang mapansing mukhang naiwan ni Zinjin ang saya sa loob ng silid nito
"Sa dinami-dami kasi ng istudyanteng makakasama ko, yun pang lalaking nang-asar sa akin sa harap ni madam Estella Andalio!" may padabog pang sabi ni Zinjin
Nagsimula silang bumaba ng hagdan
natawa naman si Anna
"Ano namang nakakatawa?"
feeling offended na tanong sa kanya ni Zinjin
"Wala naman. pareho kasi tayo. ayaw ko rin sa kasama ko sa kwarto"
"Talaga? eh kung tayo nalang kaya ang magsama sa kwarto?"
suggest ni Zinjin.
Hindi naman pinansin ni Anna ang muntikang pagka-tapilok ni Zinjin sa hagdan na muntikan pang ikahulog ng salamin nya sa mata. mabuti nalang ay nasalo ito ni Zinjin ng kaliwa nyang kamay.
"Kung pwede nga lang. kaya lang baka hindi rin tayo payagan"
"Dibale na. kapag may ginawa sya sa aking hindi maganda, ita-try ko sa kanya ang imbensyo ko!"
saka lang napansin ni Anna ang hawak ni Zinjin na isang bote ng soy sauce
"Toyo??"
"Ano ka ba! hindi lang ito basta toyo nuh? kung sino man ang makainom nito, kahit isang patak lang ay siguradong magba-balik balik sa banyo"
natatawang bulong ni Zinjin kay Anna
Nasa third floor na sila ng hagdan ngayon pababa ng second floor.
may ilang mga istudyante rin silang nakakasabay sa pagbaba para kumain sa canteen
"Oyyyy Zinjin! bakit hindi mo naman ako hinintay babe?"
inakbayan sya ng lalaking kasama nya sa kwarto
"Ano ba!"
nagpumiglas naman si Zinjin pero mas humigpit ang pag akbay sa kanya ng lalaki
"Sino naman to? gf mo? ano ka ba babe! nagseselos na ako!"
biro ng lalaki na tinawanan naman ng mga nakarinig
Wala na tuloy kasabay sa paglalakad si Anna dahil hinila na ng lalaki si Zinjin pababa.
"Anna!"
mabigat syang inakbayan ni Ella na para bang isang buwan silang hindi nagkita
"Ano? sino kasama mo sa kwarto?"
"Hay naku Ella. wag na nating pag-usapan. Isa pa, hindi ko naman sya kilala. ikaw ba?"
"Hindi na masama. cute naman"
tili ni Ella
"Ahh kaya naman pala mukha kang masaya"
kiniliti nya ang kaibigan
"Girls!"
tawag ni Ralf
Pagod ang mga paa, sabay sabay silang bumaba at naupo sa isa sa mahigit kumulang na isang daang mesa sa loob ng malawak at malinis na canteen.
Kaagad na lumapit sa kanila ang isang babae na nakasuot ng kulay pink na apron na medyo madumi na
"Ano sa inyo?"
nakataas ang maninipis nitong kilay.
makapal ang make-up ng babae na nasa edad 25 pataas.
putok na putok ang blush-on nito at ang pulang lipstick
Iniabot ng babae ang menu kay Ralf
"What do you want guys?" tanong ni Ralf sa mga kaibigan
"it's all free right?" tanong nya naman sa babae
"Kung gusto mo bayaran mo"
pamemelosopo ng babae
Inagaw naman ni Anna ang menu kay Ralf at binasa ang mga pagkaing sa tingin nya ay nakakatakam.
"Ano ba?! ayaw ko ngang kasabay ka diba?!"
sigaw ni Zinjin sa kabilang mesa
katabi nya sa mesa ang lalaking bully na hanggang ngayon ay nakaakbay parin sa kanya
Maingay ang canteen.
may mga nagtatawanan, nag-aasaran, at may mga nag-aaway.
Hindi naman mawawala ang grupo na mahihilig sa kanta na lalo pang nakapag paingay sa paligid.
grupo ng bullies, grupo ng matatalino na kahit sa pagkain ay dala ang mga libro at masayang nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga paborito nilang subjects, grupo ng malalandi at kung ano-ano pang grupo.
Maya -maya ay natahimik ang paligid nang tumunog ang speaker na nasa kung saang parte ng canteen at sa iba pang mga parte ng paaralan.
"Ronald Villanova. nahuling lumabas ng paaralan limang minuto lamang ang nakakaraan. mga gamit nya ay nilabas narin at hindi na sya papayagan pang pumasok"
maikling pahayag ng kung Sino mang nagsalita
sinundan ng usap-usapan ang pahayag
"Sino naman kaya yun? hindi pa nga nagsisimula ang klase napatalsik na sya"
"Kilala ko yun!"
"Kawawa naman"
"Buti nga sa kanya pasaway kasi"
Padabog na inilapag ng babae ang mga pagkaing tinuro kanina ni Anna
"Enjoy"
matamlay na sabi nito saka umalis
"What's her problem?"
nakataas ang kilay na pinagmasdan ni Ralf ang babaeng ngayon ay masa kabilang mesa na para mag take ng order
"Anna paupo nga! iniinis talaga ako nung gago nayun"
"Wag mo nalang syang pansinin Zinjin"
Inilapag ni Zinjin ang pagkain nya sa mesa na mukhang kinagatan nung lalaki
"Sya raw si Andrew. ang apo ni sir Leonhard Harbord. eh hindi ko naman sya tinatanong! pakialam ko ba sa kanya? sana sya ang sunod na mapatalsik dito"
inis na nagsimulang kumain si Zinjin na sinabayan naman nina Anna, Ella, Daniel at ni Ralf
"Guys, sya nga pala si Zinjin new friend ko. Zinjin, sya si Ella, Daniel at si Ralf"
"Hi"
bati nila sa isat-isa
Matapos kumain, lumabas na sila ng canteen at panandaliang pinagmasdan ang kapaligiran pero sinaway na kaagad sila ng isa sa mga guro na umakyat na sa kanilang mga kwarto.
Nang makarating sa kwarto, nakangiting itinapon ni Anna ang katawan sa kama. handang handa na sya na simulan ang klase bukas.
Nang may marinig syang hilik kaya naman kaagad syang napalingon sa lalaking hanggang ngayon ay tulog parin.
Hindi pa pala kumakain ang lalaki
"Hoy gising!"
sinampal nya ng malakas sa mukha ang lalaki nang hindi pa ito nagising sa sigaw nya
"Hano bah?"
papikit-pikit itong tiningnan sya
"Tapos na ang dinner!"
nakonsensya tuloy si Anna dahil hindi nya ginising ang lalaki
"Ha??"
napabangon ang lalaki sa kama
"Bakit ngayon mo lang ako ginising? nasaan nga pala ang pagkain ko? diba sabi ko sayong dalhan mo ako?"
"Nakalimutan ko eh. akala ko kasi bababa ka rin at kakain"
ngayon, sinisi narin ni Anna ang sarili.
ang lakas maka-konsensya ng gagong lalaki.
"Pwede pa bang lumabas?"
"Hindi na pwede eh.. sinara na ang pinto"
"Gutom na ako!"
angal ng lalaki
"Kasalanan ko ba? eh ikaw 'tong bobong natulog"
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko, oo na! gagawan natin ng paraan! bwisit ka!"
"Good"
ngiting asong sabi nya
Pero alas-nuwebe na ng gabi ay paikot-ikot parin sa kwarto si Anna
"Ano pa bang pinag-iisipan mo? eh gutom na nga ako!"
pag-iinarte ng lalaki
"Anong gagawin ko kapag may nakahuli sa akin? aba'y dapat tulungan mo ako! ikaw naman ang may kasalanan eh"
"Anong ako? sinong bang hindi sa akin gumising?— oo na!"
sigaw ng lalaki ng makita ang kinakabahang mukha ni Anna.
Pagkalabas nila ng silid ay sarado na ang mga ilaw maliban sa ilang mga silid ng mga kapwa istudyante na gising pa kaya naman bumalik ng silid nila ang lalaki para kumuha ng maliit na flashlight.
"Wag ka na muna kayang kumain? ako nga kaya kong hindi kumain ng isang buong araw"
"Kaya naman pala ang pangit ng katawan mo— Aray! paa ko naaapakan mo!"
Dahan-dahan silang naglalakad ngayon pababa ng hagdan
"Kapag napatalsik tayo dito sa school, kasalanan mo. kalalaki mong tao ang arte arte mo"
bulong-sigaw ni Anna
"Kasalanan ko bang may sakit akong Ulcer? kasalanan ko bang kapag hindi ako kumain ay ikasasama ko?"
"May sakit ka?? ang bobo mo naman pala eh!— Wag mo nga sa akin itutok yang flashlight! patayin mo nga yan!"
nakababa na sila ng hagdan mula sa fifth floor nang may makabungguan sila kaya naman napasigaw silang dalawa at kung sinomang nakabunggo sa kanila
"Zinjin??"
nakita ni Anna ang mukha ni Zinjin nang mailawan ng flashlight na hawak ng lalaki
"Anna?? bakit wala ka sa kwarto mo?"
"Ito kasing mokong na to eh. hindi pa nakakain. ikaw?"
"Naiwan ko kasi sa canteen yung imbensyon ko"
"Yung toyo?"
"Sinabi ko na sayong hindi lang yun basta toyo—"
"Ano ba?! ang daldal nyong dalawa! kapag nahuli tayo—"
hindi na naipagpatuloy pa ng lalaki ang sasabihin nang may marinig silang tatlo ng mga yapak ng paa papalapit sa kanila kaya naman lumiko sila ng daan at pumasok sa isang madilim na silid para magtago
Pinatay ng lalaki ang flashlight.
bahagya nilang binuksan ang pinto ng kinatataguan nilang silid para makita kung sinoman ang papalapit.
Isang guwardiya ang may hawak ng flashlight at baril ang dumaan kaya naman panandalian nilang inihinto ang paghinga na para bang kahit hininga nila ay maririnig ng guwardiya.
Nang tuluyan nang makalayo ang guwardiya, nakahinga na ng maluwag ang tatlo.
"Hay... muntik na tayo dun"
binuksan ni Anna ang ilaw ng silid na napasukan nila at napasigaw sya sa nakita.
mabuti nalang ay kaagad na natakpan ng lalaki ang bibig nya
Nasa loob sila ng silid na parang isang silid-operasyon
hindi nila alam kung tunay bang katawan at mga laman loob ng tao ang mga nandito. pero base sa amoy, oo. totoo nga.
Kumaripas ng takbo palabas ng silid ang tatlo bago paman bumalik ang guwardiya dahil sa narinig na sigaw .
Hingal na hingal na sila nang makababa ng second floor. ngayon ay mas ingat na sila dahil baka sa sunod na may makasalubong sila ay hindi na sila palarin.
mabuti na lamang ay wala naman silang nakasalubong sa second floor.
Ang tanging problema nalang nila ay paano makakalabas ngayong may guwardiyang bantay palabas ng ground floor para tuyan na silang makapinta sa canteen na katabi lamang ng gusaling ito.
sarado rin ang mga ilaw dito at sa pinto ay nakabantay ang isang guwardiya na papikit-pikit ang mga mata.
malamang yung dalawa nyang mga kasamahan ay gumagala-gala.
"Pano na yan ngayon? bumalik nalang kaya tayo?"
naiiyak na sa kaba si Anna dahil kapag nagpatuloy pa sila ay siguradong hindi sila makakaligtas.
mahuhuli na sila at mapapatalsik sa paaralan.
"Bobo ka ba? nandito nalang rin naman tayo, eh tumuloy na tayo!"
sabi ng lalaking may ulcer na para bang sagot nya ang dalawa kapag nahuli sila
Napalingon naman sa direksyon nila ang guwardiyang humakay sa pagod.
mabuti na lamang ay mabilis silang nakatago sa likod ng pader.
"Tawagin natin ang atensyon nya.
bwisit kasi! bakit ba nakalimutan ko pang dalhin yung isa ko pang imbensyon—"
"Ano na ang gagawin natin?"
nagtatanda na ng krus si Anna sa kaba
"Hoy baliw na payat na bunging lalaki, ikaw ang mukhang genius kumpara dito sa bobong babaeng 'to kaya ikaw ang mag-isip ng paraan"
"Alam mo? ang sakit mong magsalita"
asar na sabi ni Anna na natahimik nang bumahing ang guwardiya na hindi naman kalayuan sa kinatataguan nila
"Okay. kailangan matawag natin ang atensyon nya. ikaw, ibato mo yang relo mo dun"
sabi ni Zinjin
"Ano ka! ang mahal nito ibabato ko lang?"
reklamo ng maarteng lalaki
"Wala tayong ibang choice. wala namang ibang gamit na nandito sa paligid na pwedeng ibato"
"Eh bakit yung relo ko pa? pwede naman 'tong babaeng kasama nalang natin"
pinandilatan naman sya ng mga mata ni Anna kahit hindi nila makita ng malinaw ang mukha ng isat-isa dahil patay ang mga ilaw sa paligid maliban lang sa flashlight ng guwardiya, sa liwanag ng buwan at ang ilang street lamps sa paligid ng campus.
"Okay fine! basta babayaran nyo 'to"
labag sa kalooban ng lalaki, hinubad nya ang suot na relo sa pulso at itinapon sa bandang kaliwa malayo sa kinatataguan nila at malayo sa guwardiya.
Katulad ng inaasahan, natawag ang atensyon ng guwardiya at pinuntahan ang pinagmulan ng ingay. nagbabakasakaling makahuli ng pasaway na istudyante dahil kapag nakahuli silang mga guwardiya at ang mga janitor at mga janitress ng pasaway na istudyante ay dadagdagan sila ng sweldo.
Marahan silang tumakbo palabas at para silang mga nakawala sa mental hospital
"Woho!!!! ang galing ko!!!!"
tuwang tuwa ang gagong may ulcer
"Ayos! makukuha ko na yung imbensyon ko! ang tagal kong ginawa yun tapos makukuha lang nung babae sa canteen na mukhang sinampal dahil sa kapal ng makeup? No way!"
"Wag na kayong masyadong magsaya dyan! baka bumalik na yung guwardiya!"
singhal ni Anna.
Bago paman iyon mangyari ay lumayo na sila sa glass door ng gusali at naglakad na sila papuntang canteen na hindi naman kalayuan.
Nang makarating na sila sa tapat ng canteen, swerte nila dahil hindi nakasara ang pinto.
dumeretso sila papasok. sarado ang ilaw ng canteen kaya naman binuksan ng lalaki ang kapit na flashlight sa mahinang lebel ng liwanag nito at una niyang hinanap sa pinaka loob ng canteen kung saan doon makikita ang mga kubyertos, kaldero, kawali, lutuan at ref.
Ang gutom na lalaki ay kaagad na binuksan ang kawali at nilantakan ang fried chicken. binuksan nya rin ang isa pang kawali na pancit naman ang laman (hindi na sya gumamit pa ng tinidor)
"Hoy dahan dahan! dapat sa may ulcer, tamang pagkain sa tamang oras at tamang dami lang ng pagkain!"
"Tumahimik ka dyan genius! hanapin mo nalang yung toyo mo"
puno ng pagkain ang bibig ng lalaki
Natagpuan naman ni Zinjin ang imbensyon nya sa loob ng ref.
Palabas na sila ng canteen nang bumukas ang pinto ng CR at may sumigaw
"Bwisit! ilang beses pa ba akong babalik sa banyo??!"
rinig nilang sigaw ng isang matinis na boses ng babae na nakilala ni Anna na boses ni Patricia (Yung babae sa canteen na mukhang sinampal ng makailang ulit dahil sa kapal ng blush-on at mukhang laging nagtataray dahil sa manipis nyang mataas na kilay)
"Ayos! nagtagumpay ako sa imbensyon ko!"
tuwang tuwang lumabas ng canteen si Zinjin kasabay ng lalaki at ni Anna.