Kinabukasan ay maagang gumising si Anna para simulan ang nakaka excite na pag-aaral sa magandang paaralan na Harbord University.
Nagising syang wala na sa silid ang lalaki.
pabor naman sya dito dahil at least walang dahilan para masira ang araw nya ngayon.
Matapos maligo at magbihis, bumaba ng apat na mahahabang nakakapagod na mga hagdan, sa wakas ay nakalabas rin sya ng gusali.
sumisilip na ngayon ang sinag ng araw at marami nang mga istudyante at ilang mga guro ang makikita sa paligid.
Nang pumasok sya sa canteen ay marami na ang mga istudyante at mga guro ang kumakain na ikinaabala naman ng mga kasamahan ni Patricia (Wala ngayon si Patricia dahil nag i-LBM pa) na si Lora, Angelica, Anthonnete at ni Jessica na kapwa makakapal ang mga makeup at may mga nakakatuwang istilo ng buhok.
bakit hindi nalang kaya sila magtayo ng parlor?
"Oh. ano naman sayo?"
tanong ni Lora na hindi naman nalalayo ang edad kay Patricia ayon sa itsura.
may mahaba syang kulot na buhok na may kulay pink na pink na hairband at makapal ang mascara nya sa pilik mata. mukha rin syang naligo sa pulbo at parang nakailang lips to lips na sya sa aso sa sobrang kapal ng labi nya.
mukha narin syang bangkay dahil sa kapayatan nya na dahilan ng paglaglag paminsan-minsan ng strap ng bra nya.
hindi nga alam ni Anna kung bakit nag bra-bra pa ang mga babaeng katulad ni Lora eh. wala namang laman.
"Sopas nalang po. Tuna bread at gatas"
"Ang tagal mong sumagot yun lang pala kakainin mo. che!"
umirap pa ang bangkay— este si Lora na halos hindi na bumalik ang pupil sa mata.
"Anna!"
si Ella kasama si Daniel at si Ralf na proud na proud na suot ang school uniform na may magandang istilo.
Ang polo ng mga lalaking istudyante at ang blouse ng mga babaeng istudyante ay kulay abo at ang punyos at aleta naman nito ay kulay marron.
may nakadikit ring badge na bilog na kulay puti na yari sa tela sa may parte ng didib. nakasulat doon ang course ng mga istudyante. sa likod naman ng polo at ng blouse ay ang kanilang apelyido na nakasulat sa malalaking letra na kulay puti.
Ang palda naman ng kababaihan na below the knee at ang short naman ng mga kalalakihan na above the knee ay purong kulay maroon.
"Yo, Anna! how's my look?"
gwapong-gwapo sa sariling tanong ni Ralf nang maupo silang tatlo ni Daniel at ni Ella kasama ni Anna sa mesa
"Ayos. nagmukha ka nang tao"
biro ni Anna.
"Oh. ano naman sa inyo? ano naman ang kakainin nyo?"
lumapit sa kanila si Lora na ngayon ay mas mukhang pagod na
"Hmm.. sausage po sa akin. rice, fried egg at gatas"
matamlay na sabi ni Ella kay Lora na nilista naman ni Lora sa maliit niyang notebook gamit ang kulay pula nyang ballpen
"Hotdog naman sa'kin, gatas, tinapay, two sausages, vegetable salad at macaroni soup"
natatakam naman na sabi ni Daniel na pinaka matakaw sa apat na magkakaibigan
"Ikaw naman?"
tanong ni Lora na humakay
"I want fried chicken, sausage, rice and milk please"
sabi naman ni Ralf.
"Ey guys may chika ako.
may nahuli raw na tatlong istudyante na lumabas ng building kagabi"
Tsismis ni Ella
"Talaga? eh sino raw?"
tanong ni Daniel.
napalunok naman ng laway sa kaba si Anna
"Hindi ko alam. sabi, nahuli raw sa CCTV"
"T-talaga?? ang lakas naman ng loob ng tatlong yun"
maang-maangan na sabi ni Anna na kaagad hinigop ang mainit na gatas na inilapag ni Lora kaya naman napaso sya
"Okay ka lang ba Anna?"
"O-okay lang! mahuhuli na ako sa klase ko. bye!"
dinampot na ni Anna ang bagpack na nakapatong sa lamesa saka nagmadaling lumabas ng canteen.
papunta sya ngayon sa magkaharapang building na nasa unahan pa.
Tiningnan nya ang notebook nya kung saan nakalagay doon ang schedule ng mga klase nya at kung saang building at room.
lakad-takbo habang nagdadasal si Anna.
Paano nalang kung nakita ang mga mukha nila??
Paano nya ipapaliwanag sa mama at sa papa nya na kaya sya napaalis sa Harbord University ay dahil may nakilala syang imbentor ng toyo na may kakayahang makapagpa LBM at may roommate syang may ulcer?
siguradong madi-dissapoint sa kanya ang mga magulang nya at baka hindi na sya pag-aralin pa kahit sa normal na paaralan pa.
paano nalang ang mga pangarap nya?
"Ah—"
imbes na si Anna ang maapatras, si Zinjin pa ang napaatras nang magkabunggo ang dalawa
Nasa tapat sila ngayon ng building na nasa parteng kaliwa
"Zinjin!/Anna! may nahuli raw na tatlong istudyante na lumabas ng building kagabi"
sabay na sabi nila.
pareho silang nagmamadali, kinakabahan at pinagpapawisan
"ID?"
tanong ng guwardiyang nakabantay sa glass door ng building
sabay nilang ipinakita ang kanilang ID saka sila pumasok.
Malawak, malinis at maaliwalas ang loob ng ground floor.
makikita ang maraming pinto ng bawat malalawak na silid na may nakapakong kahoy na pininturahan ng kulay puti. nakasulat roon ang numero para matukoy ng mga guro at ng mga istudyante ang silid na papasukan nila.
"Ano na ang gagawin natin ngayon? paano nalang kung mapatalsik tayo?"
hindi mapigilang mapaiyak ni Anna hindi pa manlang sila napapatalsik
"Hindi ko rin alam. wala pa akong naiimbentong time machine"
inayos ni Zinjin ang salamin sa mata
"Hindi ko nakita sa silid yung lalaking kasama natin kagabi. siguro napatalsik na sya"
umaakyat na sila ngayon ng hagdan paakyat ng second floor.
may mga istudyante silang nabubunggo dahi sa pagmamadali.
"Sino nga pala yun? roommate mo?"
"Sa kamalasan, oo. Oh— eto na ang silid ko. bye"
nanginginig ang kamay na hinawakan ni Anna ang doorknob at binuksan ang pinto.
Sumalubong sa kanya ang katahimikan.
lalong tumahimik ang paligid nang isara nya ang pinto.
Nakatingin sa kanya lahat ng mga istudyanteng ngayon ay nakaupo na.
nanlaki ang mga mata nya nang makitang nandon ang lalaking roommate nya na tiningnan naman sya na parang wala lang.
Bwisit... kaklase ko pala 'tong ulcer na 'to sa klaseng to... malas ko naman...
"Surname?"
malamig at mabagal pero nakakakilabot na sabi ng kanilang lalaking guro na nakakatakot rin ang pananamit nitong all black mula t-shirt hanggang sa sapatos nyang pointed ang dulo.
maputi ang guro, may buhok na hanggang leeg, may matatalas na boring na mga mata, napakatangos ng ilong at mga labing parang hindi marunong ngumiti.
dagdag pa ang tangkad nito.
Napalunok ng laway sa kaba si Anna
"A-Alcantara s-sir"
"You're late."
binigyan sya ng guro ng tingin na para bang walang gana.
Kung magsalita rin ang gurong ito ay mame-memorize mo ang bawat salita na sasabihin nya dahil ang bagal nyang magsalita . gayunpaman ay nakakakaba dahil may diin at lamig sa bawat salita nito.
"Sit down bago pa ako makaisip ng ipaparusa sayo"
tama ang hinala ni Anna. nakakatakot nga ang gurong ito...
sampung segundo pang nakatayo si Anna dahil hindi nya alam kung saan sya uupo.
may dalawang upuan lamang na bakante.
Ang isa ay katabi ng isang istudyanteng babae na mukhang nakakatakot makatabi.
may kulot na kulay violet na buhok ang babae at ang katawan nito ay parang mananakit. Masama rin ang tingin sa kanya ng babaeng ito.
Ang isa pang bakanteng upuan ay katabi ng walang iba kundi ng kanyang roomate
"Gusto mo bang ikaw nalang ang magturo at ako nalang ang maupo?"
"N—no sir"
nagmadaling umupo si Anna katabi ng lalaking may ulcer na roommate nya
"Hi baby"
pang-aasar na bulong ng lalaki sa kanya na may nakakainis pang ngiti sa mukha.
Nagpatuloy sa pagleksyon ang nakakatakot nilang guro.
Nanatili namang tahimik ang mga istudyante hanggang sa matapos ang klase.
"Class dismiss"
Sabi ng malamig at mabagal nyang boses pero may kakayahang makapagpakaba matapos ang kalahating oras na pagleksyon na hindi naman naintindihan ni Anna.
Bago tuluyang umalis si sir Henry Blaise ay umiwan pa ito ng takdang aralin na essay: Importance of Socializing na may bilang na ten paragraphs.
maririnig ang reklamo ng mga istudyante kung kailan ay nakalabas na ng silid ang guro.
"Magpahuli ka pa ulit sa next class nya siguradong mapaparusahan ka"
syempre, hindi naman maririnig ang pag-aalala sa boses ng lalaki kundi pang-aasar ang maririnig dito.
"Okay lang na maparusahan nya wag lang mapatalsik sa school na 'to"
saka nya ibinulong sa lalaki ang sinabi sa kanya ni Ella kanina sa breakfast
"Talaga?? eh sino naman ang nakakita sa atin? eh ingat naman tayo kagabi—"
"Pwede ba? hinaan mo naman yang boses mo! baka may makarinig pa sayo"
bulong-sigaw ni Anna sa lalaki
Naglalakad na sila ngayon bitbit ang kani-kanilang bag palabas ng silid kasabay ng mga kapwa nila istudyante papunta sa kani-kanilang sunod na klase
"Unless may CCTV"
panandaliang napahinto sa paglalakad ang dalawa at napatingin sa isat-isa sa ideyang nasabi ng lalaki
"Paano na? siguradong mapapaalis na tayo! anong gagawin natin?"
hindi na napigilan pa ni Anna na mabahala
"Abay ewan ko. nasaan na ba yung genius mong boyfriend?"
"Hindi ko sya boyfriend nuh!"
Nag alam nalang ang dalawa ay magkatabi na silang nakaupo sa loob ng isang silid
"Dito ka rin?"
tanong ni Anna na chineck pa ang kapit ng lalaki na maliit na notebook kung saan doon nakasulat ang kanyang mga subject at, schedules at ang numero ng mga silid na papasukan nya.
"Yepz. kaklase nanaman kita? swerte mo"
Ang guro nila sa sunod nilang klase na Art Appreciation ay si madam Glocilda Atneck na sa itsura palang at pananamit ay mahahalata mo nang isang artist.
kulay violet ang makintab at kulot nyang buhok, maganda ang pagkakaayos ng kilay nya na ikahihiya ng kilay ni Patricia at hindi naman kakapal ang makeup nya. she's beautiful. may artist hat syang suot na kulay pink at ang suot nya namang fitted dress na kulay gray ay bumagay rin sa kanya. sinabayan nya pa ng black high heels na lalong nakapag padagdag ng tangkad nya.
nakanganga naman ang ilang mga kalalakihang istudyante na halos tumulo na ang mga laway
"Good morning class. I'm madam Glocilda Atneck and I'll be your teacher in Art Appreciation subject"
sabi ng maganda nyang boses na tuluyang ikinatulo ng laway ng ilang mga ugok na kalalaking istudyante
"Tsk"
ngisi naman ng lalaki na ikinataas ng kilay ni Anna
"Ano?"
tinaasan rin sya ng kilay ng lalaki
"Ang ganda nya kaya"
"Sinabi ko bang pangit sya?"
"Silence! sinong maingay dyan?"
saway ng guro na kaagad namang ikinatahimik ng dalawa.
Matapos ang nakakaaliw na klase, lalo na sa ilang mga kalalakihang istudyante na ngayon ay nagpupunas na ng kanilang laway, nagsalita ang guro
"Nga pala class, malinaw naman sa inyo ang mga patakaran sa paaralang ito diba?"
kaagad na napukaw ang atensyon ni Anna at ng lalaki
"Sigurado akong may mapapatalsik nanaman"
may mala-inspektor ang mga tingin ni madam Glocilda Atneck kay Anna at sa lalaki nang umalis ito.
Alam kaya ng guro na sila ang lumabas ng building kagabi?
"Ano na ang gagawin natin??"
ngayon pa manlang ay naiiyak na si Anna.
Nasa garden silang tatlo ngayon at nag-iisip ng plano kung paano nila mareresolbahan ang problemang ito.
"Eh kung sabihin nalang kaya natin kay sir Leonhard Harbord na hindi naman natin sinadya ang lahat?"
"Nag-iisip ka ba?"
iritang sarkastikong tanong ng lalaki
"Malabong makita ng tao kahit pa ng CCTV kung sinoman ang lumabas ng building kagabi dahil sarado ang mga ilaw"
paniniguro ni Zinjin. gayunpaman ay mukhan ring kinakabahan.
"Paano kung nakita tayo ni madam Atneck? nakita mo naman siguro ang mga tingin nya sa atin kanina"
sabi ni Anna sa lalaki
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan na parang sigurado ng mapapatalsik tayo. kung may dapat na sisihin dito ay ikaw yun"
"Eh alam ko bang may ulcer ka? kung hindi mo ako ininis nung unang pagpasok natin sa building, edi sana kinaawaan pa kita at ginising para makakain ka"
"Tumahimik na nga kayo! bakit ba palagi kayong nag-aaway? daig nyo pa ang mag-asawa!"
"Yuck!"
sabay ng dalawa na kapwa hindi maintindihan kung bakit ba inis na inis sila sa pagmumukha ng isat-isa dahil lang sa pagtulak ng lalaki kay Anna
"Ganito ang gagawin natin— Teka— ano ngang pangalan mo?"
tanong nya sa lalaki na hindi naman naisipang itanong ni Anna sa roomate nya
"Drei"
maikling sagot ni Drei
"Okay, Drei, Anna, wala tayong ibang mapagpipilian kundi ang muling lumabag sa patakaran"
"W-what?? lalabag nanaman tayo? paano kung sa pagkakataong to ay tuluyan na tayong mabisto?"
"Pumili ka Anna, susubukan nating resolbahan ang problema o hihintayin nalang nating mapatalsik tayo ng wala manlang tayong ginagawang paraan?"
marahas na bumuntong hininga si Anna
"Okay fine. anong plano?"
"Hindi muna yan ang tanong. Ang unang tanong, sino ang magaling sa technology"
"Akala ko ba naman genius ka?"
maangas pero disappointed na puna ni Drei
"Intelligence has a limit"
"Ako! may kilala ako!"
singit ni Anna sa usapan nang maisip ang kaibigang si Daniel na magaling sa mga ganitong usapin.
"Sino naman 'tong mga mukhang ugok na 'to?"
masungit na tanong ni Drei kay Anna nang pumasok ito kasama si Zinjin at ang mga kaibigan ni Anna na si Ella, Daniel at Ralf
"Sila ang tutulong sa'tin"
"Akala ko ba yung Daniel lang? eh bakit tatlo yan? paano nalang kung mahuli tayo?"
"Ano ka ba... at least may mas kwenta naman sila kesa sa isa dyan na wala nang ibang ginawa kundi ang magsungit"
bago paman magkaasaran ang dalawa ay sumingit na sa usapan si Zinjin
"So, okay na ba 'tong plano? well— wala naman tayong ibang mapagpipilian.. lalabag ulit tayo sa patakaran para malusutan ang nilabag na patakaran"
sabi ni Zinjin at sinulyapan sa bintana ang papalubog na araw.
nakataas ang kaliwang kilay ni Zinjin na para bang isang malaking kabobohan ang gagawin nila
"Matatagalan pa bago ako makaimbento ng solusyon sa lahat ng problema dito sa mundo..."
Patuloy sa pagsasalita si Zinjin habang paikot-ikot sa silid
"Tinawag nyo ako dahil gusto nyong mabura ang record ng CCTV tama ba?"
tanong ni Daniel na mukhang hindi nagugustuhan ang ideya
"Ganun nanga Daniel. Alam mo namang gustong gusto ko sa school na'to at ano nalang ang gagawin ko kapag napalayas ako dito?"
ngayon palang ay emosyonal na si Anna
"May chika ako,"
"Wag ngayon Ella"
saway ni Anna
"Okay. ano pa bang magagawa ko kundi ang tulungan kayo. so, anong plano?"
Matapos kumain ng hapunan (alas-singko palang ay kumain na sila na ikinataka naman ni Lora), bumalik sila sa silid ni Anna at ni Drei para makapag usap pa sila tungkol sa gagawin),
Hinintay ng anim na istudyante na tuluyang dumilim saka sila lumabas ng kwarto.
dala ni Drei ang maliit nyang flashlight na paminsan-minsan ay tumatama ng direkta ang ilaw sa mukha ng mga kasama nya
"Ops. sorry"
sabi nya na hindi naman talaga mukhang nag so-sorry
Naka tingkayad silang naglalakad ngayon. Iniiwasang makagawa ng kahit na anong ingay na makakapag pagising sa mga kapwa nila istudyante na natutulog sa bawat silid na kanilang nadadaanan
"Teka— ang tanong, sino ba sa ating anim ang may alam kung nasaan ang computer laboratory?"
tanong ni Drei na mukhang minamadali na ang mga pangyayari dahil sa malamang ay inaantok na
"I know where it is! it's... where is it?"
tanong ni Ralf kay Daniel na nauuna sa paglalakad
"Ang alam ko, wala yun sa gusaling 'to. may application akong na-download na may mapa ng school na 'to. sa kamalasan natin, nasa first building pa 'yon"
"Ibig sabihin, kailangan pa nating lumabas ng building na 'to?"
ramdam narin ni Ella ang kabang nararamdaman ni Anna
"We have no choice. Wait— what the hell came into your mind? why you guys left the building last night?"
"Ayos. may Ingleshero pala tayong kasama dito (napangisi si Drei)
Well, it because is, me hungry last night, so—"
inawat sya ni Anna
"Wag ka na mag English. kapag narinig yan ng dati mong mga English teacher, ikahihiya ka nila"
Napahinto sa paglalakad ang anim nang may makita silang anino sa bandang dulo ng daang tinatahak nila kaya naman napatakbo sila (muntik pang matapilok si Zinjin)
"Damn. who ever he is or she is, I almost faint in horror— wait guys, can you smell that?"
puno ng pandidiring tanong ni Ralf
"Nakupo... hindi... AHHHHHHH"
napasigaw si Anna nang makita kung nasaang silid sila kaya naman napasigaw narin ang lima nyang mga kasama
Nandito nanaman sila sa silid na parang... morge??
Makikita ang nakahimlay na mga bangkay na nangangamoy bulok na at nakakasulasok.
ang iba ay nasa sahig lamang at nangingitim na.
Sa bandang dulo na mas ikinadiri ng anim na istudyante ay ang mga nakabitin na mga laman loob ng tao. mga nakabitin na bituka na inuuod na, mga utak na namutla na dahil sa tagal na pagkakababad sa malaking aquarium na puno ng malabong tubig at mga putol na bahagi ng katawan. katabi ng mga ito ang isang pinto na hindi na gugustuhin pang pasukin pa nina Anna.
Sa pinaka gitna ng silid ay ang malaking lamesa na may mga mantsa pa ng tuyong dugo na nilalangaw.
makikita sa malaking lamesa ang mga kagamitan kagaya na lamang ng matutulis na kutsilyo, mga gunting na may ibat-ibang hugis at laki at dalawang malaking lumang tuwalya na may mantsa rin ng dugo.
"G—guys... I think it's b—better to get caught by the guards than to stay here... what's this p—place?"
nanginginig sa takot si Ralf at ang mga kasama nya
Lumabas ng silid ang anim na nanginginig at tulala (si Drei ay nasuka pa)
wala na silang pakialam kung mahuli man sila ng kahit na sino.
Wala sa kanilang nagtangkang magsalita hanggang sa mamalayan nilang nasa kani-kanilang silid na sila.
Wala na silang lakas pa para pumunta sa computer laboratory matapos ang mga nakita.
"Bwahhh—
Grabe... ngayon lang ako nakakita ng ganun... parang hindi ako makakakain ng isang linggo nito— Bwahhh—"
nasa banyo ngayon si Drei sa loob ng silid nila ni Anna at nagsusuka.
si Anna naman ay tulala lang na nakaupo sa kama.
"Bakit may ganung silid sa paaralang 'to?? sa paaralan"
hindi makapaniwala si Drei
Tulala parin si Anna. nasa isipan nya parin ang bawat naroon sa silid na iyon.
mukhang hindi nya kakayaning kumain ulit ng karne matapos makita ang mga aktwal na laman loob ng tao.