NATAGPUAN ni Faith ang kaniyang sarili sa isang malaking simbahan na walang katao-tao. Sa mga bulaklak na nakikita niya sa paligid ay tila may magaganap na kasal doon. Nasa gitna siya ng aisle at nakakagulat na nakasuot siya ng wedding gown. Napapitlag siya nang biglang tumugtog ang wedding march. Umikot siya upang siguraduhing walang ibang tao doon at sa muli niyang pagharap sa altar ay nakita niya si Benedict na nasa unahan. Napaka gwapo nito sa suot na black tuxedo. Ngumiti siya sa lalaki at nag-umpisa nang maglakad palapit dito. Inilahad pa nito ang isang kamay nang malapit na siya na agad niyang inabot. Sabay silang humarap sa altar. Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Faith ng sandaling iyon. Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang babaeng nakasuot ng wedding gown na puno ng d

