NAPANGANGA si Benedict sa pagtataka nang umiiyak na iniharang ni Jenny ang sarili sa unahan ng kaniyang sasakyan. Nakadipa pa ito. “Huwag kang umalis, please! Kailangan nating mag-usap!” Sa lakas ng pagsasalita nito ay nadidinig niya iyon ng malinaw kahit nasa loob siya ng sasakyan. Agad na nakaramdam ng pag-aalala si Benedict sa hitsura ni Jenny kaya bumaba siya at nilapitan ito. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad siyang niyakap nito. “Huwag kang umalis, please! Marami akong gustong sabihin sa iyo!” hikbi ni Jenny. “A-anong sasabihin mo?” buong pagtatakang tanong ni Benedict. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya at pinalis niya ang luha sa mukha nito gamit ang kaniyang mga kamay. “Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyayari?” Talagang naguguluhan siya ngayon kay Jenny. Nakakapa

