UPANG mawala ang inis ni Odessa dahil kay Faith ay tinawagan niya si Benedict at niyaya niya itong mag-dinner. Aba, ayaw pa noong una pero nag-inarte siya na matagal na silang hindi lumalabas. Aniya pa ay nagtatampo na siya dito. Matagal na nga itong nawala noong nagpunta ito sa Cebu tapos nang bumalik naman ito ay wala pa rin itong time sa kaniya. `Ayon, matapos niyang mag-drama ay napapayag niya din si Benedict na mag-dinner sila. Medyo maaga pa naman kaya naisipan niyang magpunta sa salon para magpabago ng style ng buhok. To be honest, maganda kay Jenny ang bangs nito. Naiinggit siya. Ano kaya kung magpa-bangs din siya? Kung bagay kay Jenny, mas bagay sa kaniya ang bangs! “Okay. Magpapa-bangs din ako at magpapabago din ako ng color ng hair!” Nakapag-desisyon na rin siya. Tumawa

