MATARAY na ngumiti si Faith habang matalim ang matang diretsong nakatingin kay Benedict. Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkalito. “Naniwala ka naman na ako si Faith! Sinabi ko lang ang gusto mong marinig para kahit papaano ay gumaan iyang kalooban mo kasi feeling ko ay mababaliw ka na kakahanap sa asawa mo! Inuulit ko—hindi ako si Faith!” Gusto lang niyang paglaruan ang damdamin ni Benedict. “A-anong sinasabi mong hindi ikaw si Faith? Kakasabi mo lang na ikaw ang asawa ko—” “Hindi ba pwedeng nagbibiro lang ako?” Isang nakakaloko at maikling tawa ang pinakawalan niya. “Kung makikita mo lang ang hitsura mo kanina nang sabihin kong ako si Faith. Mukha kang tanga at uto-uto! Nakakatawa ka, Benedict!” “Niloko mo lang ako?” “Ang kulit mo kasi! Nasa Cebu pa lang tayo ay sinasabi ko na sa

