“MA’AM, hindi po kayo pwedeng pumasok diyan!” Napahinto si Faith sa ginagawa niyang pagpirma sa mga deliveries para sa araw na iyon sa kaniyang office nang may marinig siyang tila nagkakagulo sa store. Boses iyon ng isa sa tatlo niyang sales lady. “Let me go! Sasampalin talaga kita!” Si Odessa ba iyon? Napatayo na siya upang alamin kung ano ba talaga ang nangyayari sa store niya. Pagbukas niya ng pinto ng kaniyang office ay nakita niya si Odessa na hawak ng guard ng store at isang sales lady. Galit na galit ito nang makita siya. Napansin niya na hindi na nakadikit sa glass wall ng store niya sa harapan ang malaki niyang picture. Nasa sahig na iyon at parang nilamukos. “What’s happening here?” Ma-awtoridad niyang tanong. “Ma’am, sinira po niya iyong picture ninyo sa labas ng stor

