ANG buong akala ni Odessa ay sa isang tourist spot sa lugar na iyon pupunta si Benedict dahil ang sabi ng nanay nito ay nasa bakasyon ito. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya nang pumasok sa isang residential area ang tricycle na kinalululanan nito. Where are you going, Benedict? Naghihinala niyang tanong sa sarili. Hindi niya alam pero parang may mali. Nagkaroon tuloy siya ng kutob na may kikitaing tao ang kaniyang boyfriend. Baka may iba nang babae si Bendict! Kung totoo man ang hinala niya ay hindi siya makakapayag na hayaan lang ito. Humanda din sa kaniya ang babae nito dahil kakalbuhin niya ito sa sabunot oras na makita niya iyon. Malaki na ang naging hirap niya para makuhang muli si Benedict kaya hindi siya makakapayag na maagaw ito ng kung sinu-sino lang ng ganoon kadal

