NAGULAT si Jenny nang pagbukas niya ng pinto ng kanilang bahay ay naroon si Benedict. Lalabas sana siya dahil may kailangan siyang bilhin sa tindahan. “Benedict? Anong ginawa mo dito?” Agad niyang tanong sa lalaki. “Okay ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?” “Ayos na ako. Hindi ka na dapat nagpunta pa dito.” Nag-aalala lang kasi siya na baka kapag nakita ito ni Lance ay magkaroon pa ng g**o. Ngunit bago pa makapagsalita si Benedict ay isang babae ang humawi dito at akmang sasampalin siya. Hindi nagawang ituloy ng babae ang pagsampal sa kaniya pagkakita sa mukha niya. Tinawag pa siya nito sa pangalang “Faith”. Sa sobrang pagkabigla nito ay napaupo pa ito. Maging siya ay napatitig din sa mukha ng babaeng iyon. Hindi niya alam ngunit sobrang pamilyar sa kaniya ng mukha nito. Napa

