HINDI inaasahan ni Benedict na makakatanggap siya ng tawag mula sa nanay ni Faith ng araw na iyon habang siya ay nasa office niya sa spa. Gusto nitong makipagkita sa kaniya sa isang coffee shop na malapit lang kung nasaan ang location ng spa nila. Nandoon na daw ito kaya bilisan niya. “May kailangan akong sabihin sa iyo, Benedict kaya bilisan mo!” Pautos pa nitong sabi. “Tungkol saan po ba, mama?” curious niyang tanong. Nagtataka talaga siya sa biglang pagtawag nito dahil noong huling beses na tinawagan niya ito ay pinatayan siya nito ng cellphone. Tapos ngayon ay bigla na lang na gusto siya nitong makita at makausap? Parang ang g**o lang. “Huwag ka nang magtanong pa. Pumunta ka na dito. Okay?” “Sige po. Papunta na ak—” Naputol na ang kabilang linya kaya hindi na natapos ni Bened

