CHAPTER FIVE WALA PANG kalahating minuto ay magkasunod na pumasok sa kwarto niya ang nanay at tatay niya na natataranta. "Ano'ng nangyari, anak?" ang tatay niya. Nanginginig ang kamay na itinuro niya si Gael. "Paanong nakapasok ang lalaking 'yan sa kwarto ko? Gusto niya 'kong pagsamantalahan!" Matalim ang tinging binlingan ng Tatay Domeng niya si Gael. "Aba, teka lang naman, hijo. Maayos ka naming tinanggap sa pamamahay namin, 'tapos, ito pa ang gagawin mo sa anak namin?" "It's not what you think!" giit naman ni Gael. Pumagitna naman ang nanay niya. "Bigyan muna natin ng pagkakataon na magpaliwanag si Gael. Baka naman may misunderstanding lang na nangyayari sa mga bata. 'Di ba?" "Si Ally ang unang nanghalik sa 'kin." "Hindi kaya!" mabilis na tanggi niya. "Mamatay man?" Hindi a

