"O, HETO," nakangiting sabi sa kanya ni Arnold sabay abot ng nakabalot na kwadrado nang magpaalam na sila rito ni Lyneth. "Ano naman 'yan?" takang tanong ni Ally. "'Yong kursunada mong The Ruins. Pinabalot ko na para dadalhin mo na lang." Alanganin ang naging ngiti niya. "Ang akala ko, nabili na ni Gael 'yan." "Magkaibigan pala kayong dalawa?" malapad ang ngiting tanong ni Arnold. Pinigilan ni Ally na iikot ang mga mata. "Hindi kami magkaibigan. Magkakilala lang." "Is that Gael's coat?" tukoy pa nito sa suot niya. "U-uhm, oo," awkward na tugon niya. "P-pinahiram niya sa 'kin." Napangisi pa sina Lyneth at Arnold. "Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan n'yo pero binili 'to ni Gael para sa'yo. I really thought something's going on between the two of you." Hindi makapaniwalang na

