She is applauding herself habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Baling sa kaliwa at baling sa kanan ang ginagawa ni Samantha habang tinititigan ang ayos noong hapong iyon. Two hours niyang pinaghandaan ang sandaling iyon, ang pag-aayos sa sarili. Iyon ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw ng paglabas nilang dalawa ni Steven. Halos isang linggo na rin nang lumabas siya sa telebisyon nang makita siya sa isang party kasama ni Kody Cervantes. Laking pasalamat niya sa lalake nang ihatid siya nito sa kanilang bahay at magkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag sa mga magulang about sa mga nangyari. Malugod naman na tinanggap ng mga ito ang paumanhin ng lalake at natuwa sa pag-eeffort nito na pumunta pa sa lugar nila sa kabila ng estado nito sa buhay. Ngunit sandali lang din ito nag-sta

