"Okay ka lang ba?" malambing na tanong ni Caleb kay Kyrielle. Nakangiti namang tumango rito ang dalaga.
"Oo naman," tugon ni Kyrielle.
"Tito Caleb, can I have your fries?" maya-maya ay biglang singit na tanong naman ni Yana kay Caleb habang punong-puno pa ng fries ang bibig nito.
Pagkatapos nilang magsimba ay nagkayayaan sila na kumain. Nasa isang fastfood chain sila ngayon, kung saan ay paboritong-paborito na kainan ng batang si Yana.
"Sure, my little princess," nakangiting tugon ni Caleb sa bata.
"Thank you!" masiglang sabi naman ni Yana sabay kuha nito ng mga fries sa tiyuhin. Napangiti si Kyrielle habang pinagmamasdan ang bata. Nagkaroon ito ng ketchup sa kaliwang pisngi nito, dahil sa makulit nitong pagkain ng fries. Kumuha agad si Kyrielle ng tissue at saka pinunasan ang pisngi ng bata. Pagkatapos ay napatingin na lamang ito sa kanya.
"Ate pretty, are you happy?" biglang tanong nito sa kanya.
"Huh?"
"Ako po kasi, I'm so happy. Para po akong may mommy na maganda at daddy na pogi," nakangiting sabi ni Yana. Tinutukoy silang dalawa ni Caleb.
"Talaga? Tingin mo bagay ba kami na maging mommy at daddy?" natatawang patol na tanong naman ni Caleb sa bata.
"Opo naman po. Bagay na bagay po kayong dalawa. Para po kayong mag-asawa na," saad ng madaldal na bata.
Sinulyapan siya ni Caleb, kaya naman agad siyang napaiwas ng tingin dito. Naramdaman niya din ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi niya. Nagulat na lang siya nang biglang punasan ni Caleb ang kaliwang pisngi niya gamit ang kamay nito. Nagtaka siya sapagkat hindi naman siya sumusubo pa ng pagkain para magkaroon siya ng kalat sa mukha.
Tiningnan niya ng may pagtatanong ang lalaki. Agad naman itong sumagot sa kanya. "Namumula kasi, baka mahalata ni Yana na kinikilig ka," panunukso nito sa kanya.
"Sira!" Hindi niya maiwasan na hindi matawa dahil sa sinabi nitong banat sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Yana na maglaro sa isang arcade games sa mall. Masaya niya namang pinagmamasdan ang dalawa habang masayang naglalaro. Hindi niya alam kung bakit may kakaibang sigla at saya ang naidudulot sa kanya ni Yana. Siguro dahil sa labis na pangungulila niya sa kanyang nawalay na anak.
Nasaan na nga kaya ito? Maayos kaya ang lagay nito? Kumusta kaya ito? Ano kaya ang itsura nito? Ano kaya ang pangalan nito?
Nag-ulap ang paningin niya at kasabay no'n ang pagsikip ng kanyang dibdib. Sabik na sabik siya sa kanyang anak pero hindi niya alam kung saan niya ito matatagpuan. Hindi na rin siya maaaring makabalik pa kay Murphy dahil tiyak siyang sasaktan lamang siya nito dahil sa ilang araw na hindi niya pag-uwi.
Hindi naman sa takot siya na masaktan, kung 'di natatakot siya na baka hindi lang iyon ang magawa ng dating kinakasama niya sa kanya. Kilala niya ang lalaki at alam niyang kayang-kaya siya nitong patayin kung sakali. At hindi niya mahahayaan 'yon. Hindi maaaring magwakas ang buhay niya sa mga kamay nito. Hindi siya makapapayag na mamatay ng hindi niya man lamang nakikita at nakakasama ang kanyang anak.
"Kyrielle, you okay?" tanong sa kanya ni Caleb. Hindi niya namalayan na nasa harapan niya na pala ang binata.
"Huh?"
Marahan itong lumapit sa kanya at pinahid ang butil ng luha na kumawala pala sa kanyang mga mata.
"What's wrong? Masama ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalalang tanong ni Caleb sa kanya.
"Hindi. Okay lang ako," tanging naging tugon niya.
"Tell me the truth, Kyrielle. What’s wrong?" giit ni Caleb sa kanya.
Ibinalin niya ang tingin niya kay Yana na masayang naglalaro. Saka siya napahigit ng malalim na paghinga. "Nami-miss ko lang kasi ang anak ko. Walang araw na hindi siya sumasagi sa isipan ko. Kung nasaan na ba siya ngayon at kung okay lang ba siya," mapait na tugon niya kay Caleb.
Hinawakan naman ni Caleb ang mga kamay niya. "Don't worry, hahanapin natin siya. Just trust me. Tutulungan kitang hanapin siya," seryosong sabi ng binata sa kanya.
"Salamat. Hindi ko tatanggihan ang tulong na iyan. Kailangan na kailangan ko 'yan, Caleb. Kailangan kong matagpuan ang anak ko sa lalong madaling panahon. Kailangan ko siyang maprotektahan kay Murphy."
"I know. And I will do everything para maprotektahan ka. Kayo ng anak mo."
Muling nag-ulap ang kanyang paningin at naramdaman niya ang paghaplos ng mga titig ni Caleb sa kanyang puso. Ramdam na ramdam niya ang sinseridad nito sa kanya. "Thank you. Thank you sa lahat," taos-pusong pasasalamat niya sa binata. Maingat nitong pinisil ang mga kamay niyang hawak nito. Ramdam na ramdam niya ang init ng mga palad nito.
"I will always be grateful, dahil dumating ka sa buhay ko," malambing nitong sabi sa kanya.
May kung ano siyang naramdaman sa loob niya na para bang gusto niya itong hagkan. Gusto niyang ipadama sa binata kung gaano ito kaespesyal para sa kanya. Mula nang makilala niya si Caleb, hindi niya alam na nagkaroon na pala ito ng espesyal na lugar sa puso niya. Na tila ba nagiba ang pader na matagal niyang binuo para maprotektahan ang puso niya laban sa mga lalaking alam niyang sasaktan lamang siya.
"What you're guys doing?"
Kapwa sila napagitla ni Caleb sa narinig nilang maliit na boses mula sa kanilang likuran.
"Yana," nakangiti niyang bati sa bata. Marahan siyang kumalas mula sa mga kamay ni Caleb at lumapit kay Yana. "You want to play with me?" nakangiti niyang tanong sa bata. Nakangiting tumango ito at mabilis na hinawakan ang mga kamay niya.
"Huwag po natin isali si Tito Caleb," hagikhik ng bata.
"Bakit naman?" tanong niya dito habang natatawa. Ang cute-cute na bata!
"Alam ko po hindi naman siya magpe-play. Hahawakan lang niya ang kamay mo ate Pretty."
Natawa siya sa isinagot ni Yana sa kanya. Sinulyapan niya si Caleb na ngayon ay namumula.
"Bakit ang dami mo nang nalalaman na ganyan?" tanong ni Caleb sa kanyang pamangkin.
***
"IHAHATID na muna kita, then after ko maiuwi si Yana—"
"Okay lang. Ihatid na muna natin si Yana," putol ni Kyrielle sa sinasabi ni Caleb.
"Sure ka? Baka kasi pagod ka na," alalang tanong ni Caleb sa kanya.
Mainam na pinagmasdan ni Kyrielle ang natutulog na si Yana sa kanyang mga bisig. Sa sobrang kulit at pagod nito sa paglalaro kanina ay nakatulog na ito. At kahit na tulog ay ayaw nitong mawalay sa kanya, kaya naman sa back seat na siya naupo katabi ng bata.
"Okay lang ako. Mas gusto ko rin na makita pa siya," nakangiting tugon niya kay Caleb.
"Siya lang ba? O, mas gusto mo rin na makasama pa ako?" nakangising tanong naman ni Caleb sa kanya.
Sinulyapan niya ito at nagtama ang mga tingin nila mula sa rearview mirror ng sasakyan. "Kapag sinabi kong oo?" matapang na tugon niya.
Agad naman niyang nakita ang pamumula ng magkabilang pisngi ni Caleb dahil sa sinabi niya, kasabay pa no’n ang pag-ubo nito na para ba itong nasamid.
Natawa siya sa cute na reaksyon ng binata.
Alas singko na ng hapon nang makarating sila sa bahay nina Caleb. Kinulong ni Caleb sa mga bisig nito si Yana at maingat na binuhat palabas ng sasakyan. Pagpasok sa loob ng bahay ay nadatnan nila doon ang isang pamilyar na babae. Si Arkysha.
"Kysha," bigkas ni Caleb sa pangalan ng babae.
"Kanina ko pa kayo hinihintay ni Yana. Hindi ko alam na… may kasama pala kayo," wika nito.
"Nakatulog na si Yana. Iaakyat ko lang siya sa kwarto niya," paalam ni Caleb kay Arkysha at pagkuwan ay nilingon ni Caleb si Kyrielle saka nagsalita. "Wait me here," bilin nito sa babae na kanya namang tinanguan. At sa huling pagkakataon ay muling sinulyapan ni Kyrielle ang batang si Yana na mahimbing na natutulog.
Tumalikod si Caleb sa kanila at tuluyan na ngang umalis. Sa huli ay naiwan sila ni Arkysha. Awkward.
"Kyrielle, right?" tanong ng babae kay Kyrielle. Hindi naman kumibo si Kyrielle at sa halip ay mataman lamang siyang nakatingin rito. "I'm Arkysha," pakilala ng babae sa kanya.
"Alam ko," tugon niya. Ayaw niya sanang magmukhang mataray sa harapan ng babae pero hindi niya alam kung bakit kusang naging ganoon ang pakikitungo niya dito. Naalala niya din kasi ang mga panghuhusgang sinabi nito tungkol sa pagkatao niya.
"At alam mo din naman siguro kung sino ka at kung sino ako sa buhay ni Caleb," pagkuwan ay sabi ni Arkysha sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin—"
"I heard, sa club ka nagtatrabaho." Hindi siya nito pinatapos. "Well, thank you for the last time no'ng nakita mo si Yana sa Mall. But you know, I think you can't be here. Hindi naman sa hinuhusgahan kita dahil sa trabaho mo, pero hindi kasi magandang impluwensya ang isang tulad mo para sa bata. And might as well, para din kay Caleb." Huminga siya ng malalim at pilit kinalma ang kanyang sarili. Hindi niya alam na ganito talaga kataklesa ang babae. "Caleb is a nice guy. Bukod doon, napakainosente rin niya sa ibang bagay. Baka lang kasi, nami-misinterpret mo 'yong kabutihan na pinapakita niya sa'yo—" This time, siya naman ang hindi nagpatapos sa sinasabi nito. Hindi niya na kasi napigilan pa ang sarili niya.
"Girlfriend ka ba niya?" deretsyong tanong niya sa babae. Namilog naman ang mga mata nito sa kanya. b***h.
"H-Huh?"
"Kasi kung girlfriend ka niya, susundin ko ang lahat ng sinabi mo," matapang na sabi niya sa babae. Humakbang pa siya palapit dito. "Pero kung kaibigan ka lang din niya, thank you sa payo mo. Pero hindi ako magpapaapekto sa kahit na anong sinasabi mo." Kung ma-attitude ang babaeng ito ay mas ma-attitude siya!
Ngumisi siya sa babae at kitang-kita niya ang asar sa mukha nito. Para bang gusto siya nitong sakmalin.
"Kysha, bakit ka nga pala napadaan?" biglang dating ni Caleb. Kitang-kita niya pa din ang matinding pagkaasar sa mukha ni Arkysha dahil sa mga sinabi niya dito.
"I just want to check on you and Yana," tugon ni Arkysha kay Caleb.
"I see. Uhm... Paano ba. Kasi... kailangan ko pang ihatid si Kyrielle."
"Okay lang. Babalik na lang ako sa ibang araw."
"Gusto mo sumabay ka na lang din sa amin—"
"No need na. I'm fine. I'll go ahead." Pagkasabi ni Arkysha no'n ay humakbang na nga ito palayo sa kanila.
Binalingan naman ni Caleb ng tingin si Kyrielle. "Okay ka lang? May nangyari ba?" tanong nito sa kanya.
"Gusto ka niya," deretsyong sabi niya kay Caleb.
Sandaling natigilan si Caleb dahil sa sinabi niya dito. At nang makabawi ay muling nagsalita. "Kyrielle—"
"Sa tingin ko, kailangan mong malaman iyon," putol niya sa lalaki.
Humigit ng malalim na paghinga si Caleb saka nagsalita, "I know. But she's my friend," tugon ni Caleb sa kanya.
"Pero hindi kaibigan ang tingin niya sa'yo."
"Kilala ko si Kysha. Magkaibigan kami for 10 years at alam kong gusto niya ako, but she's not in love with me."
"Ano? Paano mo naman nasabi 'yon?" tanong niya.
"Ako lang kasi ang kaibigan niya. Sa akin, para ko lang siyang kapatid and I know na ganoon lang din ang nararamdaman niya para sa'kin. Ako lang kasi ang nag-iisang lalaki sa buhay niya kaya ang akala niya, gusto niya ako. But yeah, she likes me but not in a romantic way. I'm pretty sure." Pagkasabi ni Caleb no'n ay isang manipis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
"O-Okay," tanging naging tugon niya na lamang. Kinagat niya ang ibabang labi niya at nag-iwas siya ng tingin sa binata. "T-Tara na," yaya niya pa rito.
Humakbang siya patalikod pero mabilis na hinuli ni Caleb ang palapulsuhan niya. "Wait."
Nanlaki ang mga mata niya nang hilahin siya nito palapit at kaunti nalang ay para na silang magyayakap na dalawa. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Caleb sa kanya na halos magpatunaw sa kanyang puso.
"A-Anong ginagawa mo?" nauutal niyang tanong dito.
"Gusto lang kitang titigan pa. Ang cute mo kasing magselos," nakangising sabi ng lalaki sa kanya.
"A-Ano?" Bahagya siyang lumayo mula dito. "Anong selos ang sinasabi mo diyan?" pagkukunwari niya.
Huminga ng malalim si Caleb saka siya tuluyan na binitawan. "Okay lang. Take your time," sabi nito.
"Huh?"
"Time will come, maaamin mo rin sa sarili mo," nakangiti ngunit seryosong sabi sa kanya ni Caleb.
"A-Ano?"
"At wiling akong maghintay sa araw na iyon. Sa araw na kung saan ay tuluyan mo ding mabubuksan ang puso mo para sa akin," malambing na sabi ni Caleb sa kanya na siyang tuluyang nagpatunaw sa puso niya.
May kakaibang saya siyang naramdaman nang mga sandaling iyon. Naging panatag at payapa ang puso niya. Sapagkat alam niya sa sarili niya na matagal nang nakapasok ng tuluyan si Caleb sa puso niya.