bc

FIXING their broken Hearts

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
genius
campus
highschool
childhood crush
naive
like
intro-logo
Blurb

“Everything has a reason” Para kay Ace Delgado.

Magulo ang lahat simula nang makilala niya ng lubusan si Lora Alcantara at naging matalik na kaibigan kahit sa kaunting panahon.

Ang pagkawala nito sa kaniyang paligid ay naging balakid sa kaniya upang magtiwala muli sa takot na muling maiwan. At ang tanging ballpen lamang mula rito ang pinaghuhugutan ng lakas upang maipadama at maipakita na tinupad niya ang pangako rito na maging mabuting tao.

Pero hindi lahat ng oras, tatakbo ang mundo niya kasama alalang bigay ng simpleng panulat. Paano kaya haharapin ni Ace ang bagong yugto ng buhay sa oras na makakikilala siya ng bago subalit naipadama naman sa kaniya ang presensya ng dating mahal na kaibigan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: BALLPEN IS THE REASON IN TROUBLE
Habang pauwi sa bahay hindi maiwasang mag-isip ni Deeza sa mga nangyayayari sa paaralan nila. Hindi niya makalimutan ang galit sa mukha ni Lora Alcantara at pagsisisi ni Ace Delgado. Pagkatapos ng recess, nagsusulat sila sa lesson ng subject English. Katabi niya si Lora kaya alam niyang may dinaramdam ito. " Lora, ayos ka lang ba? Gusto mo ako na lang magsusulat sa notebook mo? " Tanong niya na hindi maiiwasang itanong dito. Ngumiti ito sa kanya't sumagot, " Okay lang ako" Dahil sa sagot nito hindi na niya ito tinanong muli. Pagkalipas ng isang minuto mataas o mahaba na ang kanilang sinulat, yung tagasulat nama'y hindi pa rin napapagod kaya sulat pa rin. " Mahaba pa ba iyan? " Reklamong tanong ng iba sa tagasulat o sekretarya. " Sumulat na lang kayo. " Tugon naman ng sekretarya na si Jeanne. Habang nagsusulat napansin ni Deeza na mainit ang katabi kaya nagtanong ulit siya. " Mainit ka yata Lora, nilalagnat ka ba? " Ngumiti na naman ito't sumagot ," Wag kang mag-alala, mawawala din ito. Nilalagnat ako? Oo. Pero ilang saglit mawawala rin ito. " Tumango rin naman siya bilang pagsang-ayon kahit hindi sigurado. Tumingin si Deeza sa buong silid, yung mga girls steady lang sa inuupuan hindi tulad ng mga boys, nasa demonstration table sila nagsusulat kaya yung ibang kamag-aral, reklamo ulit. "Hoy umupo nga kayo ng maayos! Grabe yung utak niyo ang nakikita namin. " Sumagot ang lalaki na si Ace," Pumunta rin kaya kayo rito sa harap." Tumatawa pa itong nakatingin sa mga kasamang lalaki. " Bw*s*t! Lumaki pa man sana sa mayaman at masayang pamilya, bakit kay tigas ng ulo! "inis na wika ni Susan. " Oo nga." Pagsang-ayon ng iba. Tiningnan ni Deeza ang gawi ni Ace, nakangiti pa rin ito kaya denedma niya. Pero ilang saglit lang ay tumayo ang lalaki at kinuha ang ballpen ni Lora. Di nila alam kung bakit? Napatingin siya sa sinusulat ng katabi, napunit ito. Biglang tumayo si Lora at sinundan si Ace. Tinulak agad nito ang lalaki. " Ano bang problema, Ace? Ibigay mo sa akin ang panulat ko. " "Ayoko nga. Bakit? Payat may laban ka ba? Wala! Ibig sabihin wala kang magagawa!" Tinulak muli ng babae ang kaaway na iyon nama'y napukaw sa kanila ang attensiyon ng buong klase. Payat si Lora at may kaliitan din pero matapang ito, at hindi madaling magpatalo. " Ibalik mo nga iyan Ace! Kay tigas talaga ng ulo. " Inis sa sabi ni Nesa- katabi ni Susan. " Ace bakla ka. Ibalik mo na iyan kay Lora. Hanap mo rin ay gulo eh noh. " Pahayag naman ni Aki- Babae na katabi rin ni Lora. "Palibhasa'y wala kang respeto. " Naiiyak na wika ni Lora. Na mas lalong nagpaagaw ng attensiyon ng lahat. " Anong klase kang tao? Pinalaki ka naman siguro ng maayos ng magulang mo noh? " " Oo," Tipid na sagot ni Ace na hindi parin naiisip na isuli ang ballpen na kinuha. " Eh bakit napakatalas ng ugali mo? Nakakasugat sa iba! " Nakita ni Deeza na humigpit ang paghawak ni Ace sa ballpen kaya sinenyasan niya ang iba bilang pagpipigil kung mangyari ang iniisip niya. " Eh kung isaksak ko na lang kaya ito sa bunganga mo. " Itinaas nito ang ballpen kaya yung ibang kamag-aral agad hinawakan ang kamay ni Ace bilang pagpipigil. " Sege! Now is your chance to be a killer, Ace! "Para itong sumuko sa pagsabi nitong iyon. " Kasi ganyan ka na. Killer! Walang respeto, kay gwapo-gwapo kay pangit naman ng ugali. Saan ka ba nagmana? Akala namin na mabuti ka kagaya ng pamilya mo pero dahil sa mga ginawa mo. I think it's better that we should stop sa paghanga sayo kasi delikado. Walang perpekto pero sumusubra ka na! Una, yung pagbuhos mo sa akin ng tubig galing canteen. Pangalawa, gumawa ka ng paraan para madulas ako, na nangyari. " Ipinakita nito ang pasang natamo sa braso. "Pangatlo, hinila-hila mo ang buhok ko biglaan. Pang-apat ngayon? Kailan mo na titigilan ang mga balak mo?! " Natahimik ang lahat sa sinabi ni Lora pati na rin ang kaaway. Napaupo si Ace at marahang isusuli ang ballpen na may kasamang pagyuko dahil sa hiya. " Sorry. " Tinanggihan ito ni Lora, " No, I wanted you to kill me! " Sigaw nito. " So-sorry, it was a prank , a dare. I --." " Edi humanap ka ng ibang taong pahihirapan niyo. Yung taong walang pakiramdam upang masaktan. Kasi Ace, nasasaktan na ako. At pagod na pagod na ako. " " Sorry nga. " Hindi naman naabot sa matagalan ang kaguluhan ng dalawa. May mga gurong pumasok sa silid-aralan nila. Nagsumbong kasi si Aiko habang nag-aaway ang dalawang kaklase. " Go back to your sit everyone ." utos sa kanila ng guro na sinunod naman agad ng lahat. Pagkatapos ay pumunta sa harapan ang gurong si Alleah, " Ace and Lora, ano bang nangyayari rito? " Nakatayo parin si Lora habang galit na galit na nakatingin kay Ace. "Ma'am kinuha kasi ni Ace ang ballpen ni Lora-" Sagot ni Susan. " Shut up Susan, hindi ikaw ang binibigyan ko ng tanong ." Tinapunan nito ng kaunting tingin si Susan. Bago muling balingan ang dalawa. " Lora? Ace? " Bago pa man nakasagot si Lora, nahimatay ito. The all class panicked! Lumapit din naman ang ibang guro na si Eze at si Tonton. Si sir Tonton ang kumarga sa nahimatay na estudyante. At nang hapon, sinabi ni Sir Tonton sa lahat na maayos na ang kalagayan ni Lora at sana raw ay hindi na mauulot ang ganoong pangyayari. Sinabihan din nila si Ace na tawagin ang parents nito. May pagsisising sumang-ayon si Ace. Nakayuko ito sa upuan at hindi makatingin ng diretso sa kanila. Ngayon, dala-dala ni Deeza ang ballpen ni Lora. Habang naglalakad kinuha niya iyonsa bag niya.“ Kyut na ballpen, alam mo na na ikaw ang pinagmulan ng away. Ang kyut mo nang dahil sayo nagkagulo. Huwag kang mag-alala kapag magaling na ang nagmamay-ari sa iyo, isasauli naman kita.” Ibinalik niyang ipasok sa bag ang panulat at ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi ng bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook