CHAPTER 2:SORRY

729 Words
Tulalang-tulala si Lora habang nakatingin sa blackboard. Hindi niya makalimutan ang nangyari noong nakaraang araw. They were in trouble because of the ballpen. Sa ngayon, nanghihintay siyang humingi ng tamang pagpapatawad si Ace sa kanya. Nilinga niya ang direksiyon kung saan ito nakaupo, wala. " Lora, ballpen mo. Kumusta? " Ibinigay ni Deeza ang ballpen sa kanya. Tinanggap niya ito," Ayos na, Salamat. " ngiti niyang pasasalamat. Ngunit kahit may kausap hindi pa rin niya mapigilang mapalingon sa upuan ni Ace. " Masasakit ba ang mga salitang binitawan ko sa kanya, Deeza? " Tanong ni Lora. " Super! Pero kasalanan din niya naman iyon eh. " Inakbayan ni Deeza ang kaibigan bago ito naupo. " Eh bakit wala pa siya? " " Hindi ko alam, basta kahapon present siya. " Lumingon din ito sa upuan. Humarap ulit si Lora sa board. At habang ang pansin ay nasa harapan, napalingon siya bigla sa may bintana nang makita niya si Ace. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa pag-upo nito. Nakatingin rin ito sa kanya. Hindi lang madaling mapansin kasi nakasombrero ito't natakpan ng buhok ang mga mata. "Alcantara." Tawag sa kaniya ng guro na si Alleah, kasunod itong dumating ni Ace. Lumapit siya sa guro. " Bakit po Ma'am. " Tanong niya. " Are you sure maayos ka na't ready ka na ba para sa klase?" Ngumiti siya sa guro," Yes Ma'am. " Ngumiti rin ito sa kaniya. Pagkatapos, habang papunta siya sa sariling upuan hindi niya maiwasang mapasulyap sa nakaaway. Mahinhin ito ngayon na noo'y kahit kadadating pa lang marami nang kwento. Iba ito ngayon, dahil ba ito sa mga salitang binitawan niya? Pero tama si Deeza, kasalanan din ng lalaki iyon, ngunit nais pa rin niyang makipagbati rito. Umupo siya sa upuan, kinuha ang ballpen at notebook, nagsimula siyang magsulat ng simpleng letter para kay Ace. ~~~~~~ Dear Ace, Sorry. Sorry dahil nasaktan ka sa mga sinabi ko sayo. Sorry dahil ipinakita ko sa klase na masama ka. Sorry kasi kung hindi dahil sa akin, hindi ka ngayon mahinhin. Sorry talaga. Ako'y naghihintay rin ng sorry mo. Umaasa akong magkabati tayo. Nagmamahal, Lora ~~~~~~~~ "Lora, ano yan?" Tanong ni Aki. Tinago agad ni Lora ang sulat at sinuksuk iyon sa bulsa ng bag niya bago sumagot," Wala." Tumango naman ito. Nang magsimula ang klase sa Filipino, guro nila si Sir Eze. Nasa isipan pa rin ni Lora ang ginawang sulat, kung tatanggapin ba ni Ace ang sulat na gawa niya o hindi? Nilingon niya ito, busy- nagsusulat. Hanggang sa matapos na ang first class nila na agad sinundan ng Araling Panlipunan. Bago nagsimula kinamusta muna siya ng guro na si Ma'am Lala hanggang ito ri'y natapos sa diskusyon. Nang tumunog ang bell hudyat para sa recess, lahat ng kaklase ni Lora ay nagsisipaglabas maliban sa tahimik na si Ace. Nagdadalawang isip pa siyang lapitan ito. Pero mas nanaig ang kaniyang pusong nais makipagbati rito. Pagkalapit sa direksiyon ng lalaki'y agad niyang inilahad ang sulat na gawa niya. Dahan-dahan naman itong nag-angat tingin sa sulat at sa mukha niya. " Sorry Ace, basahin mo ito ", nang hindi nito tinanggap ang sulat napag-didesyonan na ilapag ito sa arm chair at agad na tumalikod subalit sa gilid ng kaniyang mata'y kitang-kita ito. Maya-maya agad nagdiwang ang kaniyang loob nang makitang binasa nito ang sulat. "Sorry sa lahat, Lora. Hindi ko naman talaga intensyon na humantong tayo sa ganoon." Agad siyang humarap dito. " Sorry dahil naging gago ako." Nakayuko nitong paghingi ng pasensya. " So, bati na tayo?" Nakangiti niyang tanong. Nag-angat ito ng tingin at mabilis na tumango. " Sorry talaga. Promise," Itinaas nito ang dalawang kamay " Promise, hindi ko na uulitin lahat ng kalokohang iyon " "Friends? " "Friends." Ningitian nila ang isa't isa. Kinuha naman ni Ace ang sombrero at inayos ang buhaghag na buhok. Ibinigay naman ni Lora ang ballpen kay Ace na agad namang tinanggap ng may ngiti ni Ace. " Itatago ko ito para memory sa nangyari noong nakaraang araw at ngayon" Inilagay ni Ace ang ballpen sa bag. At bumalik naman si Lora sa sariling upuan. Muling tumunog ang bell kasabay nang pagpasok ng mga estudyante. At hudyat para sa susunod nilang subject ang English. Nilingon ni Lora si Ace at nakangiti ang lalaki sa kaniya. At gumaan ang pakiramdam niya dahil don. Nagkaayos na sila ng lalaki. Ngumiti rin siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD