CHAPTER 3 : PAGBAWI

587 Words
Patalon- talong pumasok si Ace sa silid-aralan. Magaan ang pakiramdam niya dahil nagkabati na sila ni Lora kahapon. Umupo siya sa upuan at nang makita si Lora na nahihirapan sa mga bitbit nitong libro. Tumayo kaagad siya at nilapitan ito. " Ako na ang magdadala nito." Kinuha niya ang limang libro. Ngumiti ito sa kaniya." Bumabawi ah. Anong nakain? " Masama bang bumawi. At sandwich ang almusal ko." Naglakad sila papasok sa loob. Ipinalagay ni Lora ang mga libro sa teacher's table. Inilagay niya naman iyon. Pagkatapos ay kinuha niya ang bag ni Lora at siya na mismo ang naglagay ng iyon sa upuan. Sumunod naman sa kaniya ang kaibigan at umupo. Bumalik naman siya sa sariling upuan. Kada oras, minuto't segundo, sinusulyapan niya si Lora kung kinakailangan nito ng tulong. Kahit may gurong nag-didiscuss, iniisip pa rin niya ang babae. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip niya upang magawa ang kalokohang nagawa para rito. Kinder hanggang Grade 9 kamang-aral sila ni Lora. Kasama na rin sina Susan, Deeza, Aki at Jojo nasa iisang silid pa rin sila, hindi sila nagkakahiwalay. Iyon lang ang unang beses na nag-away sila. Kaya hangga't makakaya niya'y babawi siya rito. Na kahit sa pagbawi man lang ay makalimutan nilang may samaang loob na nangyari. Nang recess time, nilapitan niya si Lora kung may bibilhin ba ito. " Wala, hindi pa ako gutom eh. Bakit? " Tanong din nito sa kanya. " Wala, tinatanong lang kita kung may bibilhin ka ba para sa ganoon ako ang pupunta sa cafeteria para makabawi sa iyo." Sagot niya. " Hindi mo naman kailangang bumawi. Basta hindi mo na uulitin lahat ng iyon, ayos na. Maipapakita monna sa lahat na nagbago ka na." Patango-tango siyang sumang-ayon dito at bumalik sa upuan. Nag-aaral pa kasi ito para sa susunod na subject. Hindi man niya aminin ngunit alam niyang may paghanga siyang nararamdaman sa kaibigan. Matalino si Lora. Masipag at mabait ding estudyante. Hindi na ikakagulat kung marami itong kaibigan sa loob at labas ng campus. Inaamin niya, maganda ang kaibigan kung kaya marami ring nagkakagusto rito. At kung may maglakas loob man na mag-akyat ng ligaw dito'y dadaan muna sa kanya. Kinuha rin niya ang kaniyang notebook at nag-aral rin. Sila lang dalawa ang nasa silid kaya hindi maingay - walang isturbo. Ilang minuto lang nagsipasok na lahat ng mga kaklase nila. Usao doon, usap dito ang ginagawa ng mga ito, nakisali na rin si Ace. "Ngayong paparating na sabado, birthday ko. Kayong lahat imbitado." Pangingimbita ni Jojo. Napatingin ito sa gawi ni Ace. " Syempre ikaw Ace imbitado. Sabihan mo na rin sina Susan, Deeza, Aki at si Lora." Dagdag pa nito. " Sure, ano ba yan espesyal ba?" Tanong niya rito na biro naman. " Exactly! Dapat lahat magsuot ng espesyal." Nagsilapit ang lahat sa sinabi nito. " Owsss sege. Makakaasa ka," tinapik niya ito sa balikat bago puntahan ang ibang kamag-aral " Guys, imbitado daw tayo." Balita niya. " Saan naman Fren?" Tanong sa kanya ni Susan. " Sa kaarawan ni Jojo." Umupo siya katabi ni Lora na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Aki. " So nagkabati na kayo?" Nagtatakang tanong ni Aki sa dalawa. Naghighfive ang dalawa bago sumagot si Lora, " Oo, late nga lang kayo eh." Tumawa ito. Tumawa na rin ang iba. " Mabuti naman kung ganoon. Ang hirap kayang may kaibigan kang nag-aaway." Komento ni Deeza. Nagsipagtango ang iba. " So, pupunta tayo?" Tumayo si Ace. " Oo naman, syempre." Sabay na sagot ng mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD