Natitilihan naman si Althea pagkarinig ng mga katagang ‘I love you’ mula kay Chino. Kung para man iyon sa kanilang anak, bakit sa kaniya ito nakatingin? Agad siyang nagbawi nang tingin kay Chino at marahang hinalikan ang noo ng kaniyang anak. “Good night anak, I love you too,” sambit pa niya rito bago ito ngumiti’t pumikit, habang hawak pa rin nito ang mga kamay nila ni Chino na magkapatong sa ibabaw ng tiyan nito. Gusto sana niyang alisin na iyon ngunit muli siyang pinigilan ni Chino. Nang sulyapan niya ito ay payapa na itong nakapikit sa kabilang panig ng kama. Napagmasdan na lang niya tuloy ito saka napahinga nang malalim. Pumikit na rin siya at pinipilit ang sariling makatulog, ngunit sa malas, hindi siya dalawin ng antok. Naliligalig ang kaniyang puso dahil sa magkapatong nilang

