Matapos nilang mag-agahan ay inalalayan na ni Chino ang kaniyang anak na maglakad patungo sa sala. Makabubuti raw kasi para rito ang maglakad kahit paunti-unti para muling manumbalik ang lakas nito. Nang makarating sila sa sala ay inayos niya ang uupuan ng kaniyang anak upang maging kumportable ito sa kaniyang puwesto. “Okay ka na ba sa puwesto mo anak?” tanong pa niya rito. “Yes, Daddy, okay na po ako rito,” nakangiting tugon naman nito sa kaniya. Nginitian naman niya ito saka tumayo upang kuhanin sana ang gamot nito nang makita niya si Althea na papalapit kay Paulo. Dala na nito ang isang basong tubig at ang maliit na lagayan ng mga gamot nito. Pinanood na lang tuloy niya ito habang inaasikaso ang kanilang anak. “Very good! Oh, magpahinga ka na muna riyan ha?” bilin pa nito sa kanil

