Chapter 46

1248 Words

Mabilis na lumipas ang isang linggong bakasyon ni Chino, ngayon ay balik na naman siya sa kaniyang pagiging piloto. Medyo nahirapan pa siyang magpaalam sa kaniyang anak dahil nasanay na itong palagi silang magkasama. Naalala pa niya nang maglaro sila ng bahay-bahayan. Tangging-tanggi si Althea, pero wala rin naman itong nagawa nang magdrama na ang kanilang anak.  FLASHBACK “Mommy, bakit ba ayaw mong maglaro tayo ng bahay-bahayan? Eh, totoo namang Mommy at Daddy ko kayo ‘di ba?” nagmamaktol na tanong nito sa ina nito. “Ahm, hindi naman sa ganoon anak, pagod lang si Mommy kaya sa susunod na lang ha?” palusot pa nito sa kanilang anak. “Eh, Mommy, wala naman po tayong gagawing kundi magluluto-lutuan lang, tapos kakain tayo nila Daddy, tapos aalagaan niyo akong dalawa, tapos we will sleep.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD